"Sweetheart." It was his cold voice yet warm stares... again. It's him. Ilang segundo pang napako ang tingin ko sa kanya bago ko naisipang tunalikod at kumaripas ng alis. Anong ginagawa niya rito? Siya ba 'yong babati sa'kin? As if! Tama na ang false hopes! Argh! Ano ba naman 'yan... bakit ba kasi siya narito? Binilisan ko 'yong lakad paalis ng library. Gulong-g**o ang isip ko, may ilan ngang minura na ako dahil sa pagkakabunggo ko sa kanila pero patuloy lang ako. Kaunting lakad na lang at makakalabas na ako nang may humawak sa braso ko. "Sweetheart..." Ang lamig pa rin ng kamay niya at tumataas pa rin ang mga balahibo ko tuwing tatawagin niya akong gan'yan! – ha, teka? Gan'yan? Oo nga... ngayon ko lang napansin na tinawag niya akong sweetheart at hindi sa pangalan ko. Bakit sweetheart

