Kinuha ko muna 'yong gitara ko at huminga nang malalim. Napagdesisyunan ko na kantahan na lang siya... hindi pwedeng sumayaw dahil tiyak na turn off sa'kin 'yon. Though, hindi ko pa alam kung turn off na nga ba talaga siya sa'kin. After all, nasaktan ko siya ng ilang beses. Napahinto ako sa paglalakad at tumulala. Dapat ko pa bang ituloy 'to? Paano kung hindi niya magustuhan? Probably, hindi niya ako pansinin at iwasan. Sino ba namang tanga ang babalik sa ex niya na nang-iwan sa kanya? Kailangan niya rin ako no'n dahil wala ang parents niya... pero... asar. I needed to do this. Hindi ako makakaurong kung palaging ganito... babawiin ko siya. Kahit sa anong paraan pa. Sa'kin lang siya. Saan ba ako magsisimula? Fuck. Wala akong plano. Kumanta lang naman kasi ang alam ko. Hindi ako

