Saturday. Bukod sa Monday, ayoko rin ng Saturday. Tamad akong estudyante kaya mukhang paborito ko ang weekends pero isang pagkakamali 'yon... bukod sa isang benefit na makukuha mo, which is mahabang pagtulog, ay wala ka ng ibang makukuha pa. Pagkagising ko... roon na nagtatapos ang lahat. Ang boring na kasi. Walang magawa at nakahiga lang maghapon sa kama habang nag-iisip na crush ka rin nang crush mo. Gano'n ang dating Gawain ko tapos biglang papasok si Mom sa kwarto ko at tatanungin kung bakit ako tumatawa mag-isa. Well, baliw talaga ako rati... lalo na isang 'yon. I was pertaining to that wrong person. "Baby? Gising ka na?" Rinig kong sabi ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko. Napabangon ako at hinawi ang kumot ang nakatakip sa katawan ko. Inunat ko ang mga braso ko at humikab. "Op

