December 14 na. Seven days na lang at Christmas party na namin. Though, wala akong maramdaman na excitement kundi boredom lang. Tulad nga no'ng sabi ni JP no'n, mas nakakathrill pa ang matulog kaysa makisali sa kanila sa pagpe-perform o makisigaw sa kanila sa mga games... well, medyo nakakaakit lang 'yong pagkain. "Coleen?" Hindi ko agad napansin na nasa harap ko pala si Lyn. Vacant ang subject namin ngayon dahil wala ang professor namin sa MAPEH. Parang may seminar yata sila para sa darating din na Christmas party. Hindi na rin naman regular 'yong classes namin dahil madalas na wala na kaming teacher. "Yes?" Inaantok kong tanong at humikab. Kapag ganitong oras talaga, normal nang inaantok ako. Hindi ako katulad ni Elise na nasa harapan, nakaupo at nakakalibot sa apat na sulok ng clas

