Six days ang lumipas mula no'ng kantahan ako ng stay with me ni Leigh. Ngayon ang alis nila Daen at Mom kaya talagang todo prepare ako para sa paghatid sa kanila mamaya. Hindi naman ako naiiyak – hindi na ako bata. Saka aalis naman sila for good kaya walang problema roon pero syempre, nalulungkot ako. Lagi ko silang kasama, e. Lalo na si Mom na lagi kong kakwentuhan kapag may problema ako, mapacrush man o ano. Nagpaalam na rin si Leigh kay Mom no'ng nakaraan. Medyo nakakagulat ang naging resulta dahil hindi ko inakala. Iba talaga mag-isip 'tong asawang yelo ko. "Hi po, Tita." Lumapit siya kay Mom at nagmano, ganoon din ako. Nanibago ako sa pagtawag niya ng Tita kay Mom dahil alam mo 'yon? Parang hindi siya 'yong ganoong type ng tao na tatawaging tita iyong nanay mo? Well, tao naman si L

