The silence made me feel awkward. Monday ngayon at six days na lang ay aalis na kami. Ilang araw na lang... what would I do? I was supposed to forget him. To leave without making heartbreaks or whatever... frustration is eating me. "Hey, sweetheart..." Ang lakas talaga ng appeal ng presence niya sa'kin. Tuwing tatawagin niya ako sa gan'yang paraan, tumitigil ng isang segundo ang bawat dugo ko sa pagdaloy. Ang corny at cringe pero ang sarap sa tainga... kahit na plain at lifeless ang boses niya. Cold as ever. Lunch ngayon at naisipan kong dito muna tumuloy sa rooftop dahil makulimlim ang panahon. Tiyak na mahangin dito at tama naman ako. Hindi ko lang akalain na susundan niya ako rito – okay, alam kong susundan niya ako. Mula pa lang kaninang pagpasok ko, nasa akin na 'yong mga mata niya

