"So..." She started. Ito na naman ang walang katapusan niyang interview. Seriously, nawala nga si Dad pero siya naman ang pumalit. Pero mas bagay na tawaging chismosa 'tong si Elise kaysa newscaster na tulad ni Dad. "Ano ng ganap sa inyo ni Leigh?" Her eyes were obviously curious. Well, lahat naman ng chismosa ay curious. Curious sa lahat ng bagay na pati buhay ng tao, gusto rin malaman. Sometimes, it couldn't be helped. May mga kwento naman talagang interesting. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng carbonara na in-order namin sa cafeteria. Sadly, punong-puno na ang cafeteria at wala na kaming maupuan kaya rito muna kami sa garden tumambay. May laro kasi ng basketball ngayon dito sa university kaya talagang maraming tao. "Hoy, ba't 'di ka sumasagot? Ang duga naman! Ilang linggo akong nag

