Chapter 3

1797 Words
MACKY "Helen. Come to my office now!" Dumadagondong ang boses nya sa loob ng kanyang opisina. He almost crushed the paper he was holding dahil sa sobrang gigil and he know anytime by now he will explode. "Y-yes sir?" Natataranta ang kanyang secretary'ng pumasok sa kanyang opisina. "What is this huh? Diba sinabi ko na sayo na ayaw kong makita ang papel na ito sa mesa ko. and tell them that I don't have any intention of signing this!." Halos punitin na nya ang papel dahil sa sobrang inis. "'E-e sir. Si Sir Aragon po kasi ang nagsabi na ilagay ko lang po sa mesa nyo until you sign it daw po." Paliwanag naman nito. He frustratedly rubbed his forehead due to excessive stress. "Then bakit hindi mo sa kanya ipinaperma?" Inis nyang tanong. Natatarantang nag iwas ito ng tinignan nya ito ng masama. "M-mahal ko po ang trabaho ko." Wika nito. Kumunot ang noo nya sa sagot nito. "At anong connect non dito sa papel na ito ha." Inis nyang tanong. Alanganin naman itong napakamot sa ulo. "P-paniguradong aalisin ako non sa trabaho. At saka pag si sir Aaron ang pumerma dito paniguradong si Madam Yna ang magtatanggal sa akin. Aba kahit naman na may edad na si Sir Aaron may a-si-m pa-ri---" naputol ang tuloy tuloy na salita nito ng mapansin masama na ang tingin nya dito. Nagmamaktol na nagpapadyak ito ng paa. "Permahan mo nalang kasi sir. Tapos bigyan mo nalang ako ng pera para ako nalang ang bibili sayo. Ilang araw na ba ninyong pinagtatalunan iyan tapos palagi naman ako ang sumasalo ng inis nyo." Sumbat nito sa kanya. Kung may ayaw man sya sa ugali ng kanyang secretary iyon ay ang pagiging palasagot nito lalo na sa mga ganitong sitwasyon. "At sa tingin mo maniniwala sila pag ikaw ang nanalo sa bidding na iyan?" He asked sarcastically. Sumimangot ito. "Di ako na ang pulubi." Nakalabing sagot nito. "Tsk! Ewan ko sa inyo sir. Permahan nyo nalang kasi. It's just only a date at isipin nyo makakapagdate na kayo makakatulong pa kayo sa mga nangangailangan. At saka. Tanda ko ikaw naman ang isa sa mga pasimuno nito." Nanunumbat na wika nito pero halatang may pag aalangan ang boses. Lalo syang nainis. "Just only a date huh?! Five day's iyon at papaano kung ang manalo ay matanda as happened last year. No way!" Iisipin palang nya ay kinikilabutan na sya. Every year na kasi nilang ginagawa iyon. Pero hindi sila kasali. Naghahanap sila ng mga model or artista na willing na magkawang gawa and if you win you have a chance to be with that model or actor for five days. And that five days he will gonna treat you as his queen iyon ang isa sa mga nakapaloob sa Kontrata. Pero during the bidding ay hindi muna ipapakita ang itsura ng mga kalahok. Tanging katawan lang. bali ang labanan ay bintahan ng katawan. Hehe? Pa mystery effect ika nga. Pero hindi naman sila pumipili ng pangit. Parang dating game lang. para masulit nadin ng mga sasali ang pera na gagastosin ng mga ito sa bidding. hindi nya alam kung bakit nasali sila ng kapatid nyang Keith sa bidding na magaganap. Ang nalilikom nilang pera ay napupunta sa mga kawang gawa din. Tulad nalang ng pagpapatayo nila ng school building. Mga health center sa mga malalayong lugar. Kagaya nalang ng pinatayo nila sa Isla Berde kung taga saan si Sam na asawa ni Jef. Nagpatayo sila doon ng school building at health center dahil tumatawid pa ang mga bata sa dagat para makapasok lang sa school. Sabi nga ni Sam. Patay na ang pasyente bago malapatan ng paunang lunas bago makarating sa health center. Kagaya ng lola nito na namatay sa gitna ng dagat. At saka nagpatayo din si Jef ng maliit na solar plantation sa lugar na kayang suportahan ang pangangailangan ng Isla. Mayroon na din itong malaking bahay doon na ang tawag ng taga Isla ay puting bahay. At ganon din ang ginawa nila sa Sitio nila Ella. Pero mas malaki parin ang participation ng kapatid nyang si Ron dahil dumukot ito sa sariling bulsa para madevelop talaga ang lugar na kinalakihan ng asawa. Natatawa nga sila dahil mantakin mo iyon. Isa ng kapetan ng barangay ang kapatid nya. Haha... kapetan Ronald. Ang sagwa diba. Marami pang lugar silang nabigyan ng mga building. Ang target nila ngayon ay ang pagpapalagay nila ng hanging bridge at pagpapatayo ng tulay sa ilog sa lugar ng mga katutubong Aeta para mas madali ang pagbababa ng mga ito ng produkto galing sa bundok dahil nahihirapan ang mga ito sa pagtawid tawid sa mga ilog. Pabagsak syang umupo sa kanyang swivel chair. "Tell them to find another contestant." Wika nya habang hinihilot uli ang sintido. "And Sir. 'Nga pala. I just want to remind you about the applicant's of Angel's nanny. Darating po sila mamayang hapon. Mga sampu palang po ang tinawagan kong qualified na maging yaya." Paalala nito. Isa pa iyon sa problema nya. It's been a week since he fired the nanny of his daughter but until now he still can't find a new nanny. Nakailang nanny na ba sila since naipanganak ang anak nya. Hindi na nya mabilang. Kung bakit naman kasi mas gusto pa syang alagaan ng mga ito kaysa sa anak nya. He took a deep sighed. "Make sure na matino ang mga iyan Helen at siguraduhin mo na alam nila ang inaaplayan nila. Yaya ng anak ko ang hinahanap natin dito hindi ko yaya." Paglilinaw nya. Kitang kita nya ang pagpipigil nitong matawa. Kaya mas lalong nalukot ang kanyang mukha. "Y-yes sir." "Don't you dare to laugh Helen." Banta nya dito. Pero mas lalo itong natawa sa kanyang sinabi. "Whuahahaha. Kasi naalala ko lang iyong isang yaya ni Angel noon na parang kayo yata ang gustong pasusuhin hindi ang alaga. Luwang luwa ang kalulwa e." Halakhak pa nito na sapo sapo ang tiyan kaya binato nya ito ng nilamukos na papel. Dahil pati sya ay natatawa na din. "Get out." Pagpapalabas nya dito. Tsk! Kung hindi nya lang ito pinsan ay matagal na nya itong tinanggal sa trabaho. Ang lakas ding mang asar e. Bali second or third cousin nya ito sa mother side. Hindi sya sure. Sila na ang nagpaaral dito hanggang sa matapos ito sa pag aaral. At ng matapos ay nag apply agad sa kumpanya nila. Efficient naman ito sa trabaho iyon nga lang minsan ay lumalabas talaga ang pagiging magpinsan nila. Tulad nalang ngayon na kahit inis na inis na sya ay tinatawanan parin sya. Sa kabilang banda ay mas maganda na na pinsan nya ang secretary nya dahil iba ang nangyayari sa loob ng opisina nya pag hindi nya kaano ano ang secretary nya. Naalala nya noong hindi pa si Helen ang secretary nya at wala pa syang anak. Naabotan sila ng Mommy Yna nyang gumagawa ng milagro sa loob ng kayang opisina kaya siguro si Helen ang binigay sa kanya. Hindi kasi sya kagaya ng dalawa nyang kapatid na maliban sa ina nila ay iisang babae lang yata ang kilala sa mundo . Si Ella lang. Ang asawa ng kuya Ron nya at bestfriend ng bunso nilang kapatid na si Keith. Siguro ng magsaboy ang langit ng kalandian ay siya lang ang gising sa kanilang tatlo kaya sya lang ang babaero. Pero noon iyon. Aminado naman sya doon. Pero ng dumating ang anghel nya ay nagbago na sya. Marami ng nagbago sa buhay nya. Hindi na sya nambababae. Madalang nalang syang lumabas sa gabi. Night life ba kasi mas madalas na sya na ang nagpapatulog sa kanyang anak. Hanggat maaari ay ayaw nyang maramdaman nito ang kawalan nito ng ina. Minsan ay hindi nya maiwasan masaktan para sa anak. Nahihirapan parin syang tanggapin na ang prensesa nya ay pinagpalit sa materyal na bagay. Sa kasikatan. Kaya gagawin nya ang lahat para hindi nito hanapin ang walang kwenta nitong ina. Hindi nito deserve magkaroon ng ina na kagaya ng ina nito. Mas pinili nito ang career kaysa sa sariling anak. Mabuti nalang at naagapan pa ng kanyang ina ang balak nitong pagpapalaglag nito sa anghel nila. Galit na galit ang kanyang ina noon hindi lang sa ina ng kanyang anak kundi pati narin sa kanya dahil munting ng mapahamak ang kanyang anak. When he found out na nabuntis nya ang nanay ng anak nya ay niyaya nya ito ng kasal. Pero tinanggihan sya nito dahil hindi nito kayang bitawan ang career. Pero hindi naman nya akalain na may balak pala itong ipalaglag ang anak nila. Noong tinanggihan nito ang offer nyang kasal ay nagduda na ang kanyang ina at iyon nga. Pero hindi nya alam kung ano ang ginawa nito at kung papano nito nalaman ang plano ng nobya. Nobya nga ba? Basta iyon na iyon. Nagulat nalang sya na nagkaharap harap sila at kasama nila si Tim. Abogado nila. At pinapaperma ng kanyang ina ang nobya na ewan na hindi ito sasampahan ng kaso sa tangkang pagpapabort sa kanilang anak kapalit ng pag tutuloy nito sa pagbubuntis at ibigay sa kanila ang bata at tuluyang maglalaho ito sa buhay nila. Makakakuha pa ito ng malaking break sa modeling dahil irerefer nila ito sa tita Angie nya na isa sa tinitingala sa modeling world na matagal na nitong pinapangarap. Duda nga sya e. Na baka kaya nakipaglapit ito sa kanya dati ay para mapansin ito ng tita Angie nya. At makakatanggap pa ito ng malaking halaga. Hinihiling nya noon na sana ay tanggihan nito ang offer ng kanyang ina. Na sana ay hindi ito pasisilaw sa mga materyal na bagay. Na mas matimbang dito ang anak nila. Na sana ay sila ang piliin nito. O kahit ang anak nalang nila kung ayaw nitong pakasal sa kanya. Kaya naman nyang ibigay ang luho dito. Kahit magbuhay reyna pa ito habang buhay.Pero ganon nalang ang panlulumo nya ng pumerma ito sa kasundoan. Parang pinipiga ang kanyang puso dahil sa awa sa kanyang anak. Kahit isang sulyap at isang haplos lang mula sa totoong ina ay hindi pa naranasan ng kanyang anak. Dahil inuwi nila ito agad sa kanilang bahay ng lumabas ito. Kahit na ganon ang nangyari ay naghintay parin siya na baka sakaling magbago ang isip nito at hilingin nitong makita nito ang kanilang anak. Pero walang dumating. At nabalitaan nalang nilang namamayagpag na ang career nito sa ibang bansa. "Hoy Sir! Saan kana nakarating?!" Untang ni Helen sa kanya na kinaway kaway pa ang kamay sa tapat ng kanyang mukha. Mapait ang ngiting gumuhit sa kanyang labi. "Lumabas kana. Tawagin mo nalang ako kung magsisimula na ang interview mamaya. Sabihin mo sa organizer na tanggalin ang pangalan ko sa listahan dahil magbibigay nalang ako. Huwag na sila kamong umangal dahil hindi ko kayang iwan ang anak ko ng limang araw." Seryoso nyang wika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD