Chapter 4

2025 Words
"No. You can't go there. If you really want to have a job you can apply here. Marami kang pwedeng mapag aplayan dito sa atin bakit kailangan mo pang lumuwas ng manila." Galit na wika ng kanyang kuya Shawn. Ito na iyong iniiwasan nya. Pakiramdam nya ngayon ay para syang nakasalang sa kawali at handa ng igisa. Tahimik lang ang dalawa pa nyang kuya pero basang basa nya sa mukha ng mga ito na hindi din sang ayon sa kanyang desisyon. At lalo syang nanlumo ng mapatingin sa kanyang mga magulang. Kung bakit naman kasi ang hirap mag paalam sa mga ito. Naging maganda ang resulta ng interview nya kanina at pinagrereport na sya as soon as possible kaya kailangan na nyang lumuwas. "Ma.." she turned to her mother. Her tone as if asking for some help para payagan na sya. That's her dream. At parang hindi nya kaya iyong palagpasin. "Stop that Stephanie because it won't help you" Inis na sita ng kuya Steve nya ng makita nitong nagpapaawa effect sya sa kanya ina. Alam kasi ng mga ito na kakampi nya ang ina. "Para din naman sayo ang iniisip namin. Akala mo ba madali lang mabuhay ng malayo sa pamilya. Lalo na at hindi mo pa nararanasan na malayo kila mama. Ni hindi ka nga marunong magluto. Maglaba. Ano iyon. Kukuha ka ng katulong mo para may makasama ka doon." "Grabe sya sa akin oh." Nakasimangot nyang reklamo sa sinabi nito. "Papaano ko mararanasan malayo kung hindi naman kasi ninyo ako pinapayagan." Naiiyak nyang sumbat sa mga ito. "Malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Iyong mga kabatch ko kinakaya nilang magtrabaho sa malayo. Iyong iba nga sa ibang bansa pa samantalang ako sa manila lang ayaw nyo pa akong payagan. Please naman. Payagan nyo na ako." Pakiusap nya sa mga ito. "Ipakita mo muna sa amin na nagmatured kana nga bago ka namin payagan lumayo. Dito na nga lang palagi kang nasasangkot sa gulo. Doon pa kaya. Wala kami doon para mabantayan ka. Wala ako doon para umayos ng gulo mo. Did you get what we trying to say here? Hindi ito para sa amin." Wika uli ng kuya Shawn nya. "Pero kuya minsan lang dumating ang opportunity na ito. Sayang kung palalagpasin ko lang. Promise magpapakabait ako doon." Giit uli nya. "Papa.. please. Payagan nyo na po ako." Baling pa nya sa kanya ama. Wala, kung sa tatlong barako lang paniguradong hindi sya papayagan. Kaya kailangan nya ang tulong ng kanyang mga magulang, Nakita nya ang pag iling ng kanyang mga kuya. "Please let me do what I want this time tutal hindi ko naman ikakasama ito. Then pag hindi ko nakayanan ang trabaho uuwi ako dito at dito nalang ako magtratrabaho." Pangungumbimsi nya sa mga ito. "Pwede ka naman kasing sa munisipyo nalang magtrabaho anak. Bakit mo pa kasi naisipang lumayo." Mahinahon namang wika ng kanyang ama. Lalong nalaglag ang balikat nya sa tinuran nito. "Pa. Pag doon ako nagtrabaho sasabihin lang ng mga tao na kaya ako nakapasok doon ay dahil may kapit ako. Gusto ko din naman na kahit papaano ay may marating ako. Kagaya nila kuya." Wika nya na bahagyan ng gumaralgal ang boses. "Naiintindihan nyo ba ako. Gusto ko din naman maging independent pero hindi ko magagawa iyon kung nandito lang ako dahil aasa at aasa lang ako sa inyo. Gusto ko din namang may marating ako na masasabi kong pinaghirapan ko. Na maipagmamalaki nyo din ako kagaya nila." Nagtatampo nyang wika sa mga ito. Hindi nya maintindihan kung bakit napakahirap sa mga ito na payagan syang lumayo at hanggang ngayon ang turing parin sa kanya ay parang teenager parin na kailangan bantayan ang lahat ng galaw. Inaamin naman nyang may pagkaimmature parin syang gumalaw pero alam naman nya sa sarili na kaya na nyang malayo sa mga ito. Wala syang nakuhang sagot sa mga kaharap kaya lumabas nalang sya ng kanilang bahay dahil nakuha na nya na HINDI ang sagot ng mga ito. Hindi sya papayagan. Pumunta sya sa bahay ng kaibigan at doon muna sya nagpalipas ng sama ng loob. "Pards konting shot lang tayo ngayon ha. Baka mabugbog tayo ng kuya Shawn mo." Paalala sa kanya ni Kulot habang inilalapag sa harap nya ang nakacan na beer. Mahina syang natawa sa sinabi nito. Kahit saan yata sya magpunta sa lugar nila ay kasama parin nya ang anino ng mga ito. Kaya hindi sya natatakot na masangkot sa gulo dahil alam nyang nandyan ang kuya Shawn nya. Kaya okey lang na wala syang trabaho dahil nandyan naman ang kuya Sherwin nya para bigyan sya ng pera at nandyan palagi ang kuya Steve nya para kunsintihin sya. Hindi nya kailangan gumalaw sa bahay dahil nandyan palagi ang nanay nya para magligpit ng mga kalat nya at maghanda ng mga pangangailangan nya. At nandyan palagi ang tatay nya para ispoiled sya. Alam nyang magiging mahirap para sa kanya ang malayo sa mga ito pero hindi sya matututo kung hindi nya susubukan. Narinig nyang bumuntong hininga si Kulot. "Bakit ba kasi naisipan mo pang lumayo pards. Okey ka naman dito." Wika ni Kulot bago sumimsim sa inomin nito. "Alam mo namang matagal ko ng pangarap ito diba." Sagot nya saka uminom sa beer nya. "Ano ng plano mo ngayon?" Tanong nito. Napatingin sya dito iyong tingin na parang tagus tagusan. Hindi din nya alam. Wala naman syang balak na umalis hanggat hindi nya napapayag ang mga ito. Lumalamim ang gabi at ang pasimsim simsim na inom nya kanina ay hindi nya namalayang naparami na pala at nakatulog na sya sa sobrang lasing. Kahit naman mabarkada sya ay hindi naman talaga sya sanay na umiinom. Hanggang isang lata lang sya at hindi pa nya nasusubukan ang malasing talaga. Ngayon palang. Kaya hindi na sya magtataka kung parang pinupokpok ang ulo nya sa sobrang sakit pagkagising nya kinaumagahan. Napabalikwas sya ng bangon ng makita kung nasaan sya. s**t! Papaano ako nakauwi. Tanong nya sa sarili. At lalong nanlaki ang mata nya ng makitang iba na ang suot nyang damit. Napasapo sya sa kanyang noo na sya naman ang pagbukas ng pintuan ng kanyang kwarto. Pero hindi na sya nag abala na tignan kung sino ang pumasok. "O ano masakit ang ulo mo." Anang kanyang ina. Hindi sya sumagot ni tumingin man lang dito. "Sayang. Papayagan kana sanang lumuwas pero dahil sa ginawa mo kagabi---" sermon ng kanyang ina pero nasa boses nito ang panghihinayang. Napadaing sya dahil parang lalong sumakit ang ulo nya sa narinig dahil naalala nya kung bakit sya naglasing. "Baba kana dyan para makakain kana at makainom ng gamot. Ang lakas maglasing hindi naman kaya ang sarili." Dada nito bago sya iwan. Hindi parin sya umimik. Parang wala syang ganang ibuka ang bibig. Patamad syang tumayo at dumeretso sa banyo para maligo. Matapos maligo ay nasuot sya ng white tshirt at jersey short at sinuot ang pangbasketball shoes at sinuot ang sumbrero nya. Balak nyang pumunta sa basketball court para libangin ang sarili. Tahimik syang lumabas sa kwarto at dumeretso sa kusina at nakita nyang nakahanda na nga ang pagkain nya pero parang hindi kayang tumanggap ng pagkain ang kanyang tyan dahil parang ilalabas lang nya iyon kaya nagtimpla sya ng kape. "Buti naman at lumabas kana. Kain na tayo." Sabi ng kanyang ina na kagagaling lang sa labas. Tahimik syang umupo kung nasaan ang isang platong nakahanda at sumimsim sa kanyang kape. "Hindi kaba kakain." Puna ng kanyang ina ng mahalatang hindi sya kumukuha ng pagkain. "Mamaya nalang po. Magkakape nalang muna ako." Sagot naman sya. Bumuntong hininga ang kanya ina. "Ayosin mo kasi ang sarili mo. Hindi mo masisisi ang mga kapatid mo kung ayaw ka nilang malayo. Naalala mo ba ang ginawa mo kagabi kila kulot? Aba. Daig mo pa sila. Mas nalakas ka pang mag amok ng ayaw. Sila nga hindi ko sila nakitang ganon. At kahit ako. Hindi rin mapapalagay ang loob ko na nasa malayo ka." Hindi sya umimik dahil inaalala nya kung ano ba ang ginawa nya kagabi. Hindi na uli nagsalita ang kanyang ina dahil siguro sa pananahimik nya. Pinagod nya ang sarili sa paglalaro ng basketball kasama nya ang mga tricycle driver na naghihintay ng mga pasahero. Ramdam na ramdam na nya ang pawis na tumutulo sa kanyang katawan. "Ganado ka yatang maglaro ngayong Junior ha." Pabirong puna ng isa sa mga kalaro nila. Nakapaghatid na kasi ito ng pasahero at nakabalik na pero naglalaro parin siya. Nginisihan nya ito. "Ginaganahan kasi ako pag nananalo ako sa pustahan." "Tsk! Hindi sya pwedeng umayaw dahil hindi pa kami nakakabawi." Wika naman ng isa. May pustahn kasi sila. Bawat shot ay limang piso at parang kakampi nya ang panahon ngayon dahil halos walang mintis lahat ng tira nya. At sa lakas ba naman nyang mangantyaw ay talagang hindi sya basta basta payagang umayaw ng mga ito. Hanggang sa ramdam na din nya ang panginginig ng kanyang tuhod dahil sa wala pa syang kain mula kaninag umaga at alas kwuatro na pero naglalaro parin sya. "Ano suko kana Junior." Kantyaw ng mga ito ng sumalampak sya ng upo habang tumitira ang isa sa kanila. "Pahinga muna ako kuya. Pero tataya parin ako para makabawi ka naman." Patul nya sa kantyaw nito. Gabi na ng makauwi sya . At nagtaka sya dahil kumpleto lahat ang mga barako nyang kapatid na nanunuod ng TV. Linggo lang kasi umuuwi sila kuya Steve at kuya Sherwin nya dahil sa hacienda Na madalas ang ito natutulog. At parang natigilan ang mga ito ng dumating sya. Tahimik syang nagmano sa kanilang mga magulang. "Diyos ko kang bata ka. Basang basa na naman ang damit mo. Nagbabad ka na naman sa basketball court." Sermon ng kanya ina ng masalat siguro nito na basang basa ang damit nya. Mahinang tawa lang ang sinagot nya dito. Tahimik lang uli nyang tinalikuran ang mga ito. "Huwag kang maliligo baka mapasma ka." Pahabol ng kanyang ina pero hindi na niya nilingon ito. Pag pasok na pagpasok nya sa loob ng kwarto ay agad na hinubad ang kanyang damit at tinungo ang banyo. Kabaliktaran sa bilin ng kanyang ina. Pagkatapos maligo ay kinusot nya ng maigi ang maiksing buhok para matuyo agad iyon. Dahil sa pagod ay nakaramdam sya ng antok. Buti nalang at kumain na sya ng pares kanina. Ang pinanalunan nya ay pinanlibre din nya ng pares sa mga kasama nya kanina at nahulugan pa sya kaya parang talo din sya sa laban. Pero ayos lang dahil nag enjoy naman sya kahit papaano. Pabagsak nyang hiniga ang pagod na katawan sa kanyang kama at napatitig sa kisame ng kanyang kwarto. Hindi na nga namalayang nakatulog na pala sya. Hindi na nya namalayan ang pagpasok ng mga kapatid sa kanyang kwarto dahil mahimbing na agad ang tulog nya. "You think kaya na nyang lumayo?" Nag aalalang tanong ni Sherwin na nakay Shawn ang tingin. Nakatunghay silang tatlo sa kapatid na nakalaylay pa ang binti sa ibaba ng kama nito pero mahimbing na ang tulog. Nilapitan ito ni Steve at maingat na binuhat para maiayos ang pagkakahiga nito sa kama. "Parang matitiis naman natin sya." Wika naman ni Shawn. Ayaw man nila pero panahon na siguro para hayaan nila itong madesisyon para sa sarili. Ang magagawa nalang nila ngayon para dito ay suportahan at alalayan ito sa mga bagay na gusto nitong gawin. Mas makakabuti na din siguro iyon para matuto itong tumayo sa sarili nitong mga paa dahil hindi sa lahat ng oras ay nandoon sila para samahan ito. Pero para kasing hindi pa nito kaya. Para sa kanila. Parang baby palang ito na kailangan bantayan dahil napakalikot nito. Ang daming alam na kalokuhan. "Ako ang nalang ang maghahatid sa kanya sa manila para makita ko na din kung safe ba ang titirhan nya doon." Wika pa ni Shawn. Hindi maiwasan ni Steve na mapangisi. "Ano kaya ang magiging buhay nito doon." Tanong nito habang inaayos ang kumot ni Stephan. "Parang ngayon palang gusto ko ng kabahan para sa bank account ko. Ako pa naman ang palagi niyang hinihingahan ng pera." Natatawang wika naman ni Sherwin. Sabay sabay silang napatawa ng mahina. "Sana lang ay hindi ito maghimas ng bakal sa manila. Wala pa naman ako doon para mag ayos ng gusot nya." Wika naman ni Shawn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD