"Kuya!" Tawag ni Stephan sa kapatid na sinabayan nya ng malakas na katok. Wala pa kasi syang susi kaya hindi sya makakapasok dahil nakalock ang pintoan.
"Nandyan na." Sigaw naman ng nasa loob. Tinawagan na nya ito kanina bago sya umuwi dahil baka umalis ito tapos wala syang susi.
Pagbukas nito ng pintuan ay nakapakunot ang noo nito ng bumaba ang mata nito sa batang hawak hawak nya. Tumingin pa ito sa likuran nya na parang tinitignan kung may kasama pa ba silang iba.
"Bakit kasama mo iyan?" Takang tanong nito.
Napatingin din sya kay Angel na yakap yakap ang maliit nitong teddy bear. "Ayaw paiwan e." Sagot nya. Wala pa syang naikwekwento dito kaya wala pa itong alam.
"Alam ba ng pamilya nya na kasama mo sya?" Nagdududa nitong tanong.
"Iyong lola nya alam pero iyong tatay hindi." Sabi nya saka nilagpasan ito.
"Ano?! Baka sabihing kinidnap mo iyan." Bulalas ng kapatid.
"Hindi naman siguro kuya. Alam naman ni Ate Ella. At saka may sasabihin pala ako sayo." Hindi nya alam kung ngingiti ba sya o ngingiwi.
"May kalokohan ka na namang ginawa?" Panghuhula nito na nakasunod parin ang tingin sa batang kasama nya.
"Hindi na ako magtratrabaho sa ACL." Wika nya na parang maliit na bagay lang ang sinabi.
"Ano?! Liwanagin mo nga! Anong pinagsasabi mong hindi kana magtratrabaho doon. Bumili pa tayo ng bahay tapos iyan lang ang sasabihin mo!" Galit na tanong ng kapatid habang napapahilot ito sa noo na para bang sumakit ang ulo nito sa kanya.
Napakamot din sya sa kanyang ulo. "E kasi itong batang ito e. Ayaw akong pakawalan." Pagdadahilan naman nya.
Kumunot ang noo nito. "Anong connect non?" Naguguluhan paring tanong ni Shawn.
"Kagabi pala sobrang iyak nya dahil hinahanap ako. E parang napraning yata ang tatay nya-- kaya ayon. Sabi nya ako muna ang magiging yaya ng anak nya dahil ayaw na ayaw daw nitong makitang umiiyak ang anak." Paliwanang naman nya.
"May balak ka palang gawing yaya ng bata yan tapos hindi man lang nabanggit sa akin kagabi." Reklamo nito.
"E hindi naman kasi sila ang magdidisisyon dahil hindi naman sila ang ama ng bata."
"Akala ko ba anak iyan ni Ron?" Nalilitong tanong uli ng kapatid.
"Akala ko din pero anak pala sya ng nababatang kapatid nito. Nakakakonsinsya namang tanggihan dahil naawa rin ako sa kanya."
"Ano ba kasi ang ginawa mo sa kanya?" Nakukunsumi na tanong nito.
Pinandilatan naman nya ito ng mata . "Wala. Malay ko bang magiging super hero ang tingin nya sa akin dahil sa pagsalo ko sa kanya."
"Nanay pee... nanay pee..." ani Angel na hinila pa ang laylayan ng damit nya. Sabay pa silang magkapatid na napatingin dito.
"What? Tinawag ka nyang nanay?" Gulat na tanong ng kapatid.
Napakamot sya sa kanyang ulo. "Hindi yata nya mabigkas ang nanny. Nanny naman ang tinuro sa kanya ni Ate Ella pero nanay parin sya ng nanay." Kwento nya. "Paihiin ko muna sya saglit." Paalam nya sa kuya saka mabilis ng inasikaso ang bata.
Pero sinundan parin sila nito hanggang sa loob ng kwarto.
"Sya nga pala kuya. Pinalilipat na ako doon. Papaano itong bahay?" Nag aalala nyang tanong.
Hindi agad sumagot ang kapatid.
"Sigurado kaba sa papasokin mo? Papaano iyong naghihintay na trabaho sayo?" Tanong nito.
"Sabi ng tatay nito. Sya na daw ang bahala sa application ko sa ACL tapos pag okey na daw si Angel at pwede ko na syang iwan. Sila na daw ang mismong maghahired sa akin." Paliwanang naman nya. "Mababait naman sila kuya. Lalo na iyong nanay at tatay nila kuya Ron. At saka doon din pala sila nakatira kaya makakasama ko si Ate Ella doon." Kahit papaano ay kilala na at nakaharap na nito ang mag-asawang Ron. Pwera nalang sa tatay nitong masungit pipi nyang dagdag sa sinabi. Gusto kasi nyang mapanatag ang loob nito. "At saka sobrang yaman nila. Imbitahin daw pala kita para doon kana daw magdiner mamayang hapon."
"Niyayaya din ako ni Jef mamayang gabi. Sabihin mo bukas nalang ng hapon para makita ko kung magiging maayos kaba doon." Wika nito. Napangiti naman sya sa narinig.
Lumabas sila sa banyo pero nakasunod lang ang tingin nito sa kanila na parang bang pinag aaralan ang galaw nya. "Bakit ang dali ka naman yata nilang napa oo. Samantalang kami. Ilang besis na namin sinabi sayong sa atin ka nalang magtrabaho, ayaw mo. Tapos, inalok kang yaya. Pumayag ka." May pagdududa na tanong nito.
Tsk! Umiral na naman ang pagiging pulis nito. "Akala mo ba madali lang sa akin na tanggapin ang alok nila. Na bitawan ang trabahong inilaban ko pa sa inyo." Huminga sya ng malalim. Malungkot nyang hinaplos ang kulot kulot na buhok ni Angel. "Nakakaawa itong bata kuya e. Hindi niya kasama ang kanyang ina. Iniwan daw sya ng ina nito at mas pinili ang pangarap kaysa sa kanilang mag-ama."
"Nandoon na tayo. Pero anong alam mo sa pag aalaga ng bata?" Halatang nagdududa ito sa kakayahan nya.
Napasimangot naman sya. "Anong akala mo sa akin, bata. Kahit naman papaano may alam ako noh." Pagmamayabang nya sabay irap sa kapatid.
Tinaasan naman sya ng kilay nito. "May alam talaga ha. Tignan mo nga iyang alaga mo. Wala pang isang araw na kasama mo sya ha pero parang lusyang na ang itsura. Bakit hindi mo talian ang buhok. Tapos ayosin mo iyang pagkakatuck in ng damit. Halatang kagagaling sa CR eh. Tapos punasan mo nga ng basang bimpo iyang mukha nya para matanggal iyang mga kumalat na chocolate. Nagmumukhang bata sa lansangan iyang bata e." Parang gusto nyang takpan ang kanyang taynga dahil sa dami nitong sinabi pero hindi nya naiwasang matawa ng mapansin nga ang itsura ng alaga.
"Hahaha... bakit ang rusing mo pala baby?! okey lang iyan. Walang namamatay sa dumi. Ano Angel. Ang importante. Masigla at healthy si baby." Aniya saka kiniliti ang bata.
Natawa na din ang kapatid pero nasa mukha ang pagkasuya.
Napatingin uli sya sa alaga at bumunghalit uli sya ng tawa. Buti pa noong wala pa syang yaya malinis syang tignan.
Binato sya ng pillow ng kanyang kuya na tumatawa din. "Sinasabi ko sayo Stephan. Tinanggap mo ang trabahong iyan kaya panindigan mo. Ayosin mo ang trabaho mo. Bata iyan. Nasa kamay mo ang kaligtasan nya. Baka puro kalokohan ang matutunan niyan sayo ha." Pangaral nito sa kanya.
Ngumiti sya at saka nilapitan ito at niyakap. "Salamat kuya. Hayaan mo. Kada day off ko uuwi ako dito sa bahay para linisin ito. Pasinsya na din sa lahat."
Bumuntong hininga ito. "Sinabi naman namin sa iyo na hahayaan kana muna naming magdisisyon para sa sarili mo. Kaya sana. Huwag mo sayangin ang tinawala namin sayo. Ayosin mo ang sarili mo. Para din naman sayo itong ginagawa namin."
Nangilid ang luha nya. "Oo na. Aayosin ko na. Papaano pala iyan. Doon na daw ako matutulog. Pinapakuha na nga ang mga gamit ko?" Pang iiba nya sa topic nila bago pa sila mag iyakan.
"Ano pa nga ba ang magagawa natin. Baka mamaya sunduin ka na naman nila ng dis oras ng gabi dito sa bahay." Sagot naman nito.
"Papaano ka?" Nag aalala nyang tanong.
"Ayosin ko muna ang mga dapat ayosin dito sa bahay bago ako bumalik."
Macky
"O bakit parang hindi pa kayo nagsisimula?" Bungad ni Macky sa mga kaibigan pagkapasok na pagkapasok palang nya sa VIP room. Usapan kasi nila na magshashot muna sila bago umuwi. Natigilan sya ng may makita syang bagong mukha na kasama ng mga ito. "Bagong recuirt?" Nagtataka nyang natanong.
Tinapik sya sa balikat ni Ron. "Kapatid sya ni Stephan bro. Siya si Shawn Santaana." Sagot nito sa kanya.
He was stunned for a while.
Napakurap sya ng maramdaman ang mahinang pagbunggo ng kapatid sa kanyang balikat. I composed myself and cleared my throat. "Oh yes! Kumusta pare?" Nagmamadali nyang inabot ang kamay.
Inabot nito ang kamay nya at hindi nya alam pero parang may tensyon sa pagitan nila. Nakipagsukatan din ito ng titig sa kanya. Seryoso ang mukha nito. He knew he owed an explanition to him dahil sa pamimilit nyang maging yaya ang kapatid nito ng anak nya but he didn't know how to explain it without him asking him anything personal na may kinalaman sa nakaraan nila.
"Ang tagal mong dumating. Mamaya tatawag na iyong mga kumander namin." Reklamo ni John. Alam nyang ramdam ng mga ito ang tensyon sa kanila ng bago nilang kasama.
Alanganing ngiti at tango ang binigay nya sa kaharap bago bumaling sa mga kaibigan. "Sinilip ko muna iyong mga staff ko bago ako tumuloy dito." Paliwanang naman nya.
Nailing si Jef. "Magtatampo ang manager mo nyan sayo e. Papaano iyon makakapagtrabaho ng maayos kung palagi kang nasa paligid nya." Biro ni Jef.
Natawa naman sya. "Then huwag ninyong piliin dito palagi tumambay para hindi ako palaging pupunta dito. Pangit namang pupunta na nga lang ako dito hindi ko pa sila masilip o makumusta man lang" giit naman nya.
"Oo na.. ikaw na ang ulirang boss." Wika naman ni Tim.
"Mas okey kasi dito. Wala kaming gastos." Nakangising sabi ni John.
"Tado! Nakalista ang mga iyan baka akala mo." Reklamo nya pero nakangiti naman sya.
"Pasinsya na pare ganito lang talaga kami." Baling ni Jef kay Shawn.
"Ayos lang pare. Sanay naman ako. Puro lalaki din ang mga kapatid ko e." Nakangising sagot din nito.
Kumunot ang noo nya. Akala ko ba kapatid ito ni Stephan.
"Puro lalaki?" Takang tanong ni Jef.
Tumawa si Shawn. Tumango ito bago nagsalita. "Oo. Babae nga ang bunso naming si Stephan pero mas daig pa kami non. Junior nga iyon ng tatay ko e." Naiiling na kwento ni Shawn.
"Bakit? Tibo ba iyon?" Kunot noong tanong uli ni Jef.
"Hindi ko alam pare. Pero kilos lalaki kasi e. Mas lapitin nga iyon sa gulo. Nakita mo naman siguro ang ginawa nya noong isang araw?" Tumingin ito kay Jef. "Mga barkada non mga tambay na parang addict. Sabi nga nya, mga pinaglihi sa ink at sabitan ng hikaw. In short. Pasaway. Ilang besis ko na ngang dinala sa presinto iyon." Kwento pa nito na parang inaalala ang ginawang kalukohan ng kapatid.
"Talaga?!" Hindi makapaniwala sambit ni Ron. "Pero parang ang bait naman nya."
Naiiling na natatawa naman si Shawn. Tumingin ito sa kanya. "Pero kahit ganon yon. Mahal namin iyo. Pero gusto kong pag isipan mo muna pare. Baka bukas, makalawa, magulat ka nalang. Mas magaling pang magbasketball ang prensesa mo sayo. O kaya... magaling na iyong mag boxing." Pabirong babala nito sa kanya. "Mabait sya kung mabait. Pero parang mas ang kapatid ko ang nangangailangan ng yaya e." Dagdag nito.
Napahaplos sya sa kanyang batok at parang napaisip din.
"Pano yan ayaw humiwalay sa kanya ni Angel e. Dapat nga si Stephan ang nagayuma dahil sya ang nalawayan pero baliktad. Parang nalove at first sight sa kanya ang bata." Natatawang wika din ni Ron.
"Nalawayan?" Nagtataka nyang tanong At doon nga kweninto ni Ron ang unang pagkikita nila Stephan at ng anak nya.
"Ang inaalala ko lang baka hindi nya magampanan ng maayos ang paging yaya nya sa anak mo pare. Lalo na bata iyon. Alam natin na hindi basta basta mag alaga ng bata. Baka mapabayaan nya. Nasanay syang sya ang inaalagaan sa amin-- Hindi ko naman sinasabi na irresponsible sya pero sana gabayan nyo din sya sa mga dapat nyang gawin." Pagpapahayag ni Shawn ng saloobin nya. "Kung sa akin lang, mas pabor sa akin iyong alok ninyo dahil alam ko na may titingin tingin din sa kanya na kakilala na namin kaysa iwan ko syang mag-isa dito sa lungsod." Nakahinga sya ng maluwag sa sinabi nito.
"Huwag kang mag-alala pare. Kaming bahala sa kanya." Sabi naman ni Jef.
"Huwag mag mag-alala pare. Hindi lang naman sya ang mag-aalaga kay Angel. Nandyan naman ang Mommy namin at ang asawa ko." Wika din ni Ron.
Bumuntong hininga sya. "Salamat pare. At pasinsya na din kung ibang trabaho muna ang papasokan ng kapatid mo. Bigyan nyo lang kami ng kaunting oras para makasama sya ng anak ko. Pag okey na. Ako mismo ang magbibigay sa kanya ng trabho. Doon naman sa company na pagtratrabahoan sana nya. Naayos ko na din."
"Okey lang pare. Sabi ko nga mas pabor sa akin na malamang hindi ko sya iiwang mag isa."
"So ayan. Para sa bagong yaya ni Angel at bagong kaibigan cheers!" Masayang anonsyo ni John.
"Para sayo pare. Pag napasyal ka uli dito tawagan mo lang kami para makabonding ka namin ulit." Tinaas ni Tim ang baso kay Shawn.
"Salamat mga pare masaya akong makilala kayo."