Chapter 11

1702 Words
"P-Pwede kabang makausap muna?" Nag aalangang tanong ni Stephan kay Macky ng lumapit ito sa kanila para magpaalam sa anak. Nandito sila ngayon sa garden ng mansyon ng mga ito at naglalaro. Kasama nya si Ella at ang mga bata. Humalik muna ito kay Angel bago bumaling uli sa kanya. Hindi ito umimik pero sumunod parin sya ng lumakad ito. Humabol naman si Angel at kumapit sa kamay nya. "Huwag mo sanang isipin na ayaw kong alagaan si Angel kaya tinatanggihan ko ang offer mo. Kaya lang kasi nakakumpromiso na ako sa AC---" "So your answer is still 'no'?" Humarap ito sa kanila at parang galit na naman ang mga tingin nito. Siguro pinaglihi ito sa sama ng loob. Huminga sya ng malalim para pakalmahin ang sarili dahil mag aaway na naman sila kung papatulan nya ito. "Pwedeng pakinggan mo muna kasi ako!" Mahinahon nyang sabi dito. Nakita nya ang pag taas ng kilay nito at hinintay ang kanyang sasabihin. Nakakainis! Parang sya pa ngayon ang may kailangan dito! "Sa Lunes pa naman ako magsisimula sa trabaho ko kaya ang plano ko---" binuhat muna nya si Angel dahil nagpapabuhat na naman ito. "gugugulin ko muna ang oras ko sa kanya habang hindi pa ako nagsisimula then pag ayaw talaga nyang humiwalay sa akin---" s**t! Papaano ba? Kaya ba nyang bitawan ang pagkakataon na iyon. Inilaban nya iyon sa kanyang pamilya e. "And?" Hindi sya sumagot dahil nahihirapan parin sya sa disisyon nya. Napatingin sya kaya Angel ng halikan sya nito sa pisngi. Tss! Isa pa ito! Mas lalo tuloy bumigat ang dibdib nya. Napatingin din sya kay Macky. Nakita na naman nya ang emosyon sa mga mata nito habang nakatingin sa anak nya. "Ano? Ano ang gagawin ko?" Usal nyang tanong sa sarili pero nakatingin sya kay Macky na parang nasa mukha nito ang kasagotan. "Sumunod ka sa akin." Sabi nito saka sila tinalikuran uli. Binalingan nya si Angel at nginitian. "Baby. Pwedeng doon ka muna kay Mama Ella. May sasabihin daw si Tatay sa akin." Pakiusap nya sa bata saka binaba ito. Nakahinga sya ng maluwag ng tumakbo na ito papalapit kila Ella na nakatingin din sa kanila. "Ate. Maiwan muna si Angel ha. Pasok muna ako sa loob." Paalam nya. Tumango naman ito saka sya kinawayan. Pagpasok nya sa loob ay wala na ang lalaki. Tinakbo nya ang hagdan paakyat baka pumunta ito ng kwarto nito. Kahit naman fit sya ay hiningal parin sya dahil ang haba ng hagdan ng mansyon nila. "Tok! Tok! Tok!" Nakahinga sya ng maluwag ng gumalaw ang doorknob. "Bakit po Ma'am? May kailangan po kayo?" Tanong ng katulong na naglilinis na yata sa loob. "Nandyan ba ang sir ninyo?" Tanong nya. "Nakaalis na po." Sagot naman nito. "Saan nagpunta iyon. Sabi kasi nya sumunod ako sa kanya e." Wika naman nya. "Baka nakaalis na po." Wika uli ng katulong kaya nag paalam na sya dito. Nakakamot sya ng ulo bahang pababa uli sa hagdan. Saan kaya nagsuot iyon. ""O Stephan." Tawag ni Ron na pababa na rin. "Papasok na din po kayo?" Tanong nya para lang mayroon syang masabi. "Oo sana. Saan ka galing" takang tanong nito na nakasunod lang sa kanya. "Galing ako sa kwarto ni-- ng kapatid nyo po. Sabi kasi sumunod ako tapos hindi ko naman alam kung saan sya nagsuot." Nakasimangot nyang sagot sa tanong nito. "Ah. Baka nasa opisina. Tara samahan kita. Bakit hindi ba nya sinabi sayo kung saan kayo mag uusap?" Tanong uli ni Ron sa kanya. Napakamot sya sa ulo. "Hindi. Basta sinabi nya sumunod po ako. E, iniwan ko pa kasi si Angel kay Ate Ella kaya hindi agad ako nakasunod sa kanya." Pagdadahilan naman nya. "Tignan natin natin kung nandyan sya." Sabi ni Ron saka kumatok ito sa pintuang nasa harapan nito. "Tol. Hinahanap ka ni Stephan." Wika nito na dumungaw sa loob. Pinagbuksan sya nito pero hindi na pumasok. "Mauna na ako ha." Paalam nito saka na sya iniwan. Sinara muna nya ang pintuan saka pumihit paharap kay Macky. "What took you so long?" Tanong ng lalaki na nasa boses nito ang pagkairita. "E pumunta pa ako sa kwarto mo e dahil ang alam ko doon ka tumuloy." Inis naman nyang sagot. "What the---! And you really thought we were going to talk inside my room huh?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya na para bang may mali sa ginawa nya. Tinignan nya ito ng masama. "Sorry ha. Iyon lang naman kasi ang alam kong lugar dito sa bahay nyo. Hindi mo naman kasi sinabi kung saan." Pasarkastiko naman nyang sagot. "Kaya nga sinabi ko na sumunod ka diba. Pano ba kasi ang ginawa mong lakad. Lakad pagong ba kaya hindi ka nakasunod." Pinaningkitan na nya ito ng mata. "Alam mo. Ang gaspang ng ugali mo! Kung ayaw mo sa akin, ayaw ko din sayo! Kung naiinis ka sa akin, doble ang inis ko sayo dahil ang sama sama ng ugali mo! Dapat ikaw ang nag aadjust sa akin. Ikaw ang nanunuyo. Bakit sa ating dalawa parang ako ang narereach out. Pakinggan mo rin kasi ako. Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Mabibili ng pera mo. Intindihin mo din naman ang sitwasyon ko!" Sumbat nya dito. "Ikaw na ang nagsabi. Hindi nyo ako kaano ano kaya wala akong responsibilidad sa inyo. Wala kang karapatang utusan ako ng mga dapat kong gawin. Tanggihan ko man ang offer mo. Karapatan ko iyon!" Galit sabi dito. Hindi ito umimik pero nakita nya ang pamumula nito at ang matalim nitong titig sa kanya. Kahit hindi ito magsalita ay alam nyang galit ito. "Kagaya mo. Ayaw ko din syang saktan. Ayaw ko syang iwan. Kaya imbis na awayin mo ako. Sungitan. Tulungan mo nalang ako kung papaano ko ba malulusutan ito." Parang nanghihina syang napaupo sa upuang nasa harapan ng mesa nito. "Kaya nga kita inaalok ng mas malaking sahod diba." Mahinahon ding sagot nito. Napabuga sya ng hangin. "Sabi ko na sayo. Hindi naman iyong sahod ang problema e. Natanggap na ako sa kumpanyang iyon. Sino pa ang magtitiwala sa akin sa susunod pag pinalagpas ko pa ang pagkakataong iyon?" Lalong bumigat ang loob nya. "Ako." "Ha?" Naguguluhan syang napatingin dito. Tinitigan na naman sya nito na para bang inaalam nito kung ano ang laman ng isip nya. "Ako ang bahala sa application mo sa ACL. Pag okey na si Angel na iwan mo--I mean--pag hindi kana nya masyadong hinahanap ako mismo ang magbibigay ng trabaho sayo." Wika nito. Napangiti sya sa sinabi nito pero alam nyang nanunuya ang ngiting gumuhit sa kanyang labi. "What?!" Inis na tanong nito ng makita ang kanyang ngiti. Napatawa sya ng mahina at napailing. "Kaya mo naman palang magsalita ng hindi nag aaway o nang iinis." Aniya. Isang nakakamatay uling tingin ang binigay nito sa kanya kaya naitikom nya ang bibig. Tumayo na ito at sumunod sya ng papalabas na ito. "Pasama ka sa driver para makuha mo ang mga gamit mo." Wika nito. "Ha?! Sandali lang. Bakit ipapakuha ang mga gamit ko. Agad agad?" Bulalas nyang tanong.. Salubong na naman ang kilay nitong humarap sa kanya. "Akala ko ba pumayag kana?" "Oo nga. Pero baka pwede namang magpaalam muna ako sa kapatid ko." Halos magpapadyak na sya ng paa. Halos mag isang linya ang kilay nito habang nakatingin sa kanya. "Alam mong hindi ka pwedeng mawala ng matagal dahil hahanapin ka ni Angel." Wika nito Napasimangot sya. "Hindi mo alam kung gaano kahirap magpaalam don! Kung gaano kalala ang topak mo. Mas malala ang topak non!" Bulalas nya. Parang gusto nyang takpan ang bibig pero nasabi na nya e. "What! f**k! Sino ang may topak ha? Baka nakakalimutan mo. Ako na ang amo mo ngayon." Halos kainin na sya ng buhay nito dahil sa nasabi nya. Inirapan nalang nya ito. "Okey. Ako ang kakausap sa kanya." Wika nito. Para naman syang nataranta sa sinabi nito. "Hindi! Ako na!" Mariin nyang tanggi. "Akala ko ba nahihirapan kang magpaalam. O ayan na. Ipagpapaalam na kita." Baliwala sabi saka uli sya tinalikuran. "Mag aaway lang kayo non." Giit nya. "At papaano mo nasabi?" Tanong nito. "Dahil nga-- dahil nga--- Errr... ako na lang kasi. Kaya ko na iyon." Baka kasi hindi nito ayosin ang ugali pag kaharap ang kanyang kapatid, mag away lang sila. "Sinabi mo eh. Pahatid ka sa driver mamaya and before nightfall you should be here. Ayaw ko ng magpatahan ng bata ng ilang oras. Naiintindihan mo." Wika nito saka na sya iniwan. Nagpupuyos ang loob nya habang nakatingin sya sa likod nito papalayo. Ang sarap paghahampasin ang malapad nitong likod! Ganon ba talaga ito. Parang hari. Grrrr.... "Kumusta ang usapan ninyo?" Nakangiting tanong agad ni Ella sa kanya ng makalapit sya sa mga ito. Agad namang nagpakandong sa kanya si Angel. Inayos nya ang buhok nito at inamoy ang leeg kaya napahagikhik ito. "Ayon. No choice naman ako diba?" Nakangiti nyang sagot. "Hindi ka naman nagsisisi?" "Syempre naman po nanghihinayang parin ako sa magiging trabaho ko sana. Pero hindi ako nagsisisi na pumayag akong maging yaya ako ng batang makulit na ito." Sagot nya kay Ella saka kiniliti si Angel. Parang nakahinga ng maluwag si Ella sa sinabi nya. "Mabuti naman kung ganon." "O ayan Angel may nanny kana." Masayang baling ni Ella kay Angel. "Nanay?" Ulit nito. "Nanny, Angel." Pagtatama uli ni Ella. "Yeyyy... Nanay Angel. Nanay Angel!" Pumapalakpak na wika ni Angel. Napasapo sya sa kanyang noo samantalang si Ella naman ay natawa. "No Angel. I said NANNY." Ulit ni Ella pero pumalakpak lang si Angel na parang tuwang tuwang. Umikot ikot pa ito na parang nagpapasikat. "Nanay Angel." Ulit nito. Parang gusto nyang takpan ang bibig nito. "Nanay talaga Angel?! Ateapan nalang." Sabi nya sa bata. Yumakap ito sa leeg nya. "Nanay. Nanay." Sambit nito. "Paktay tayo ate! Para pa namang dragon ang tatay nito." Nakangiwing sabi nya kay Ella. Baka hindi makalimutan ni Angel ang tawag na iyon. Tinawanan siya ni Ella ng mapansin nito ang pagkabahala sa kanyang mukha. "Gutom lang siguro si Angel kaya mali na ang pandinig. Tara mag breakfast na tayo." Yaya ni Ella sa kanila. "Okey lang iyan. Hindi naman siguro magagalit si Macky kung tawagin kang nanay ng anak nya." Wika nito pero parang nanunukso ang mga ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD