"Pasok ka muna Stephan titingin tayo ng pwede mong maisuot." Yaya ni Ella kay Stephan habang binubuksan nito ang pintuan ng kwarto ng mga ito.
"Sandali lang ate. Baka nandyan sa loob si kuya Ron. Nakakahiya." Tanggi nya pero hinila na sya ni Ella. At hindi nga sya nagkamali dahil nadatnan nila ang mag aamang tutok na tutok sa pinapanood na cartoon habang nakahiga parin sa kama.
"Oh... Ate Stephan your here!" Bulalas ni Amber na agad tumayo sa higaan at lumapit sa kanila. "Good morning ma." Bati nito sa ina at sabay halik sa pisngi ni Ella at nanlaki ang mata nya ng humalik din ito sa kanya.
"Good morning Mom. Hello Ate Stephan." Bati din ni Russel sa kanila.
"Ang aga yata ninyong lumipat dito sa kwarto." Nagtatakang tanong ni Ella sa dalawa habang palapit ito sa asawang nakaupo na sa kama.
"Morning hon." Humalik ito sa asawa. Hindi nya maiwasang mapangiti habang nakatingin sa mga ito. Nasa mukha ng mga ito ang pagmamahal sa isa't isa. Hindi tuloy nya maiwasang maisip ang mga kapatid. Ganito din kaya sila ka sweet sa mga magiging asawa nila?
"Magandang umaga po." Nahihiya nyang bati ng tumingin si Ron sa kanya. Nginitian naman sya nito.
"Morning Stephan."
"Hon. Titingin lang ako ng pwedeng bihisan ni Stephan dahil paniguradong hindi sya agad pakakawalan ni Angel." Wika ni Ella sa asawa.
Tumango naman ito.
"Ang aga din yata ninyong nagising. Musta nga pala si Angel?" Tanong nito sa asawa pero napapasulyap sa kanya.
"Okey naman na. Mahimbing ang tulog maliban nalang sa ang lalakas ng utot nya dahil sa kabag." Natatawang kwento ni Ella sa asawa.
"Halika Stephan." Sabi nito ng lumapit uli ito sa kanya. Hinila sya papasok uli sa isang pintuan at tumambad sa kanya closet ng mga ito. Napaawang ang kanyang labi. Ang ganda ng pakakaorganise ng damitan ng mga ito. Nakabukod ang damit pang babae at damit panglalaki. Sa kabilang side ay kitang kitang ang shoe cabinet. Napansin nyang mas maraming sapatos panglalaki dahil iilan lang ang sapos pang babae. At may glass table sa gitna na kitang kita rin ang mga iba't ibang klase ng relo at mga necktie.
"Ang gara naman." Anas nya.
Napangiti si Ella. "Kung mapapasin mo mas maraming gamit ang asawa ko. Halos mga gamit pa nya iyan noong binata sya. Alam mo na binata. Bili dito bili doon. At hindi din ako mahilig mamili ng mga gamit." Kwento nito habang tumitingin sa mga damitan nito.
"Nagsusuot kaba ng dress Stephan." Tanong nito habang pinapakita nito sa kanya ang hawak hawak na kulay dilaw na bestida.
"Po?!" Nanlalaki ang mata nyang tanong dito. "Hindi kaya ako mapagkamalang bakla Ate pag pinagsuot mo ako nyan." Nakangiwi nyang tanong.
Tumawa naman si Ella at tinignan uli sya pataas pababa.
"Okey ka naman ha. Maiksi lang iyang buhok mo. Para ka ngang si-- si--- iyong bida sa coffe prince?" Giit ni Ella.
Napakamot sya sa kanyang ulo. "Last na nagsuot ako ng dress Ate noong graduation ko pa yata ng kidergarten."
Tumawa uli si Ella. Gumaganda lalo ito pag tumatawa pero bakit pakiramdam nya ay nabubully sya.
Hanggang sa isang cotton na terno din ang napali nya. Kulay dilaw ang shirt na may combination na brow at brown naman ang short na tatak CK. Alam nyang legit na branded iyon. May kaiksihan ang short pero ayos lang kaysa naman magsuot sya ng dress. Baka kabagin din sya kagaya ni Angel pag iyon ang sinuot nya.
Pagkatapos nilang mamili ng isusuot ay bumalik sya sa kwarto ni Angel para doon na sya maligo.
Pero habang kinukusot nya ng towel ang buhok ay naisip nya ang kanyang cellphone. s**t! Nakalimutan ko iyong phone ko sa kwarto ng masungit na hukluban! Bulalas nya sa isip. Mahina syang napasapok sa ulo.
Napatingin sya kay Angel na papagising na yata kaya nilapitan nya ito. Bahagyan nyang tinapik ang pwet nito para bumalik uli sa tulog pero oras na siguro ng gising nito.
"Tatay.. tatay.." hindi parin dumidilat pero nagsimula na namang mag aburido.
"Sshhh.. gising naba ang baby namin." Pinasaya nya ang boses.
Kumunot ang noo nito na parang kinikilala ang boses nya saka palang nagdilat ng mata.
"Ateapan!"sabi nito na inaabot ang maliliit na bisig para magpakuha sa kanya.
"Good morning baby Angel." Bati nya saka hinalikan ito sa pisngi. Inilayo nito ang mukha sa kanya at saka sya pinakatitigan.
Ito na naman ang titig nya. Parang ang ama nito na mahilig manitig na para bang binabasa kung ano ang laman ng kanyang isip.
"Ohhh.." Anas nya ng yumakap ang bata sa leeg nya.
"Gutom kana ba?" Masuyo nyang hinaplos ito sa likod. Hindi nya maiwasang maawa dito ng sumagi na naman sa isip nya ang kwenento ni Ella.
Alam nyang hindi nya dapat kaawaan ito dahil nag uumapaw ang pagmamahal na nasa paligid nito. Kung tutuosin maswerte pa ito kumpara sa ibang bata na wala na talagang pamilya pero ang sakit lang kasing isipin na kinaya itong iwan ng ina. Sabagay, sabi nga. In this world you can't have it all.
"Tatay..." anas nito habang nagkukusot ng mukha.
"Pupuntahan natin si tatay?" Tanong nya habang inaayos ang kulot kulot nitong buhok. Foreigner siguro ang nanay nito dahil blonde ang kulot kulot nitong buhok.
Pinasadahan din nya ng suklay ang medyo basa pang buhok bago nila tinungo ang connecting door papunta sa kwarto ng ama nito. Tamang tama dahil kailangan din nyang kunin ang kanyang cellphone.
Kumatok muna siya pero walang sumagot kaya inulit nila pero walang parin silang nakuhang sagot. Nag alangan siya kung tutuloy ba sila sa loob.
"Okey baby. Silipin lang natin kung nandyan ang tatay mo sa loob pero kung wala labas din tayo agad ha." Sabi nya kay Angel pero parang mas ang sarili nya ang kanyang kausap.
Pumasok sila. Walang lock ang pintuan kaya makakapasok sila agad.
Walang tao.
"Baba ka muna baby hahanapin ko lang ang cellphone ko ha bago tayo lumabas." Binaba nya ang bata sa paanan ng kama at sinimulang tignan ang ilalim ng unan na kanyang ginamit kagabi.
"f**k! What are you doing here in my room!" Anang tinig. Sa sobrang gulat nya ay umikot sya paharap sa nagsalita pero nagsalaped ang dalawa nyang paa kaya nawalan sya ng panimbang.
Naipikit nya ng mariin ang mata at isang sigaw ang kumawala sa kanyang lalamunan ng alam nyang babagsak sya pero hindi sya bumagsak. May isang matibay na bagay na nakakapit sa kanyang baywang.
Dinilat nya ang mata at tumambad sa kanya ang hubad na dibdib na may manipis na balahibo. Mas lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Unti unti nyang tinaas ang paningin at ganon nalang panlalaki ng kanyang mga mata ng salubungin sya ng mga matang nanunuring. Salubong ang kilay na parang naiirita.
Hindi nya alam pero alam nyang napatitig sya sa mga mata nito at ganon din ito sa kanya.
Napakislot sya ng may tumulo sa kanyang noo. Tubig mula sa basa nitong buhok. Parang doon palang sya natauhan.
"Bastos! Bitawan mo ako!" Sigaw nya sa lalaki ng makabawi sya sa pagkabigla.
At isang sigaw uli ang kumawala sa lalamunan nya ng tuluyan na syang bumagsak sa carpet.
"s**t! Bakit mo ako binitawan!" Daing nya na napasapo sa balakang at naramdaman nya ang kirot sa namamaga nyang kamay dahil naitungkod din nya iyon.
"Sabi mo binatawan kita." Tugon din nito.
Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ito bumulagta sa harapan nya. Pinahid nya ang tubig na tumulo sa noo nya. Hmp! Buti nalang at tubig hindi laway. Kung hindi--Yuck!
Inis syang tumayo. "Sana man lang pinatayo mo muna ako ng ayos bago mo ako binitawan!" Gigil nyang sigaw dito.
"Di sana sinabi mo na patayohin muna kita ng maayos bago bitawan. Sinunod ko lang ang sinabi mo." Pasigaw din na sabi nito.
"Errrrr.... gamitin din kasi ang utak!" Inis nyang sambit habang sinusuri ang kamay na nasaktan.
"Sinasabi mo bang hindi ko ginagamit ang utak ko ha." Halatang napupuno na din ito sa kanya.
Tinignan din nya ito ng masama. Akala mo aatrasan kita ha! "Oo! Dahil kung ginamit mo ang utak mo hindi mo ako bibitawan dahil alam mong---"
"Tatay... ale you fighting?" Tinig ni Angel habang papalapit ito sa ama.
Nagpupuyos ang kalooban nyang nag iwas ng tingin sa mga ito.
"No. We're just talking baby." Sagot nito sa anak pero ang sama ng tingin sa kanya. Kaya inirapan din nya ito.
"Ateapan is mad at you tatay?"
Tinignan uli sya ng pailalim ng lalaki.
Isang pekeng ngiti ang pinakita nya sa bata. "Your father is very kind baby and I have no reason to be mad at him." Sabi nya sa bata pero patuya ang boses. "Tara na baby. Paliliguan na kita. Iiwan na natin ang tatay mong mabait." Yaya nya kay Angel na agad namang lumapit sa kanya. Hindi na nya tinapunan ang lalaking hubad na walang modo!
Macky
"Ella told me about your offer to Stephan." Ron said as he sipped his coffee.
He furrowed as he stared Ron. "What about it." He asked lazily.
Rom smirked. "Why don't you talk to her nicely so she might be consider your offer and instead of annoying her try to listen to what is the reason why she rejects you." Payo nito.
He sigh. "The last time I begged. Nakinig. But we still end up---iniwan parin kami." He murmured and try to swallowed what was stuck in his throat.
"Tol. Huwag mong itulad si Stephan sa kanya--"
"What's their difference! She also refused my offer because of her dreams." Inis nyang tanong sa kapatid.
Yes! Sa pagtanggi ni Stephan sa alok nya ay may nabuksan itong sugat sa puso nya. "Do we really have to beg for us to choose. f**k! Damn this--You know my daughter doesn't deserve this. She don't deserve this! " he stood up and walk out. He left his brother speechless.
Mula ng iniwan sila ng ina ni Angel ay hindi na nya binuksan ang pahinang iyon sa buhay nila pero nanatili ang sakit sa loob nya.
He is wounded inside. Nasasaktan sya para sa anak.
At naiinis sya..
Naiinis sya kay Stephan dahil tumanggi ito sa offer nya na hindi man lang iniisip ang anak nya. Alam nyang napaka unreasonable na nya pero hindi lang nya maiwasan.