Chapter 9

1634 Words
Macky looked at his watch as he woke up and he immediately stood up and heading to his room to check his daughter if she was awake. Ganitong oras kasi ito nagigising para humingi ng gatas. Natigilan sya ng may marinig syang boses sa loob. "Saglit lang baby ha. Magtimtimpla lang tayo." Wika ng babae na Stephan daw ang pangalan. Hindi nya sigurado dahil hindi naman pinakilala sa kanya. He sneezed to let her know that he was already in the room. "Good morning." Bati nya ng tumingin ito sa kanya. "G-good morning din po. I-pagtitimpla ko lang sana sya ng gatas dahil humihingi sya." Halos pabulong lang na wika nito. Tulog na tulog pa kasi si Ella. "Ako na ang magtitimpla." Wika din nya. Pero bumaling muna sya sa anak na nakaupo sa kama. "Good morning baby. How are you huh?" Masuyo nyang hinalikan ang anak sa noo. "Tatay milk." Ungot nito na itinuro kung nasaan nakapatong ang mga feeding bottle nito. "Okey. Just stay here. Magtitimpla lang si tatay ng milk." Sabi nya at masuyo uli itong hinalikan sa noo. Habang nagtitimpla sya ay nagpakarga ito kay Stephan at tinungo nila ang sofa. "Hindi kana matutulog baby. Maaga pa." Rinig nya sabi nito sa anak. "Play Ateapan." Wika ng anak. "Okey, we will play after you drink your milk. What do you want us to play." Nakita nyang inaayos nito ang buhok ng anak at sinusuklay gamit lang ang daliri. "I want barbie." "Mayroon kang barbie baby" pinasaya nito ang boses. "Nasaan?" "Nandoon sa kwarto nya iyong mga laruan nya." Siya ang sumagot ng makalapit na sya sa mga ito dala dala nya ang gatas ng anak. Napangiti syang nag pumapalakpak pa ang anak ng makita ang hawak nyang gatas. "Tatay milk." Okey na nga sya. Wika nya sa isip. Masigla na e. Pero ngayon lang ito bumangon sa higaan ng maaga. Datirati ay magtutulog uli ito pagkatapos magdede. "Come here." Yaya nya sa anak para sana sya na ang kumarga dito pero inabot lang nito ang bote sa kanya at nahiga uli ito sa kandungan ni Stephan. Natigilan siya. Sinundan lang nya ng tingin ang anak. "Anong pinakain mo sa anak ko?" Seryoso nyang tanong sa babae. Napamaang naman itong napatingin sa kanya na parang hindi naintindihan ang kanyang tanong. "Marami naman na syang nakakasalamuhang tao pero wala pa syang iniyakan ng ilang oras dahil hindi nya lang ito makita." Maliban lang kasi sa kanya ay wala na syang iniyakan ng ganon. Kahit sa mga magulang nila ay hindi ganon ang anak and he didn't know why he felt bad about it. the weight in his chest. Parang pinipiga ang kanyang puso. He didn't want to see her cry like that as if she was longing for someone. "Sorry. Hindi ko naman alam na hahanapin nya ako. Mula kasi ng sinalo ko sya ayaw na nyang humiwalay sa akin." Paliwanag nito na para bang nakagawa ito ng kasalanan. Napabuntong hininga sya bago umupo sa tapat ng mga ito. Mataman nyang tinitigan ang anak na nasa bisig nito na bahagyan pa nito inaabot ang mukha ng dalaga. "What do you do for living?" He suddenly asked Maang itong napatingin sa kanya. "Magsisimula palang akong magtrabaho sa ACL company sa lunes." Alanganing sagot nito. "Can you work for me as her nanny." Tanong uli nya dito. Nakita nyang napaawang ang labi nito pero parang walang masabi. Kaya matiim nya itong tinitigan at hinihintay ang magiging sagot nito sa tanong nya. "Wait lang po. Kasasabi ko lang na may trabaho na ako." "Dodoblehin ko ang sahod mo o triple pa." Determinado nyang alok. "Sir sandali lang. Hindi naman ito tungkol sa sahod lang. Tungkol ito sa pangarap ko--" "And it's about my daughter Stephan. And as her father I want to give her everything she wants. Everything that will make her happy. At Huwag mong isipin na gusto ko ito. Kung ako lang. Ayaw ko. Ayaw kong may ibang kahati sa atensyon ng anak ko na hindi naman namin kaano ano." Stephan. Halos umusok ang bunbunan ni Stephan sa kausap. Kung gaano kabait ang pamilya nito ay ganon naman ito kayabang. Anong akala nya! Mukha akong pera. Hmp! Pasalamat ka at karga karga ko ang anak mo kung hindi baka kanina pa kita nilayasan. "Sir. Kayo na ang nagsabi. Hindi nyo ako kaano ano. Papaano kung mas mapalapit ang anak nyo sa akin." Giit nya. Nagkibit balikat ito. "Okey lang. Yaya ka naman nya." OMG. Yaya! Sa opisina nya gustong magtrabaho. "Pero Sir. Marami naman sigurong mag aapply na pwedeng maging yaya ni Angel--" "Yes, you right. Marami nga. But they are not you. Marami na din syang naging yaya pero iniiwan lang din sya. Pinapabayaan--" "E bakit ako? Sa tingin mo magiging mabuti akong yaya nya. Nakikita mo ang kamay ko? Namamaga ito dahil nanuntok ako. Wala din akong alam sa mga bagay bagay. Anong alam ko sa pag aalaga ng bata." Giit nya uli na pinakita pa ang kamay na balot ng benda. Tumingin ito sa kamay nya pero nalaglag lang ang balikat nya sa sagot nito. "Ikaw lang ang makakasagot sa mga tanong mo Stephan. Nasa sa iyo iyon kung magiging mabuti ka bang ihemplo sa kanya o hindi and I do not accept a negative answer." Nanlaki ang mata nya sa sinabi nito. "Nagtanong kapa kung ayaw mo din pala ng negative answer." Bulalas nya. "Ano bang pinagtatalunan ninyo." Tanong ni Ella na hindi nila namalayang nagising na pala. "Think about it Miss. At binabalaan kita. Ayaw ko ng makitang umiyak uli ang anak ko ng dahil sayo." Masungit nito sabi saka sila iniwan. Naiwan silang nakanganga ni Ella. Parang nabigla din ito sa sinabi ng bayaw. "Anong nangyari doon?" Nagtataka nitong tanong sa kanya. Hindi nya alam ang isasagot kaya nag iwas sya ng tingin. "Inaway kaba nya? Ang aga naman yata nyang mang away. Nauna pa sya kay haring araw." Kunot noong tanong uli ni Ella. Napakamot sya sa ulo. "Inaalok kasi nya akong maging yaya ni Angel kaya lang tumanggi ako dahil nga may trabaho na ako. Hindi naman sa ayaw ko syang alagaan pero anong alam ko sa pag aalaga ng bata. At saka isa pa. Pangarap ko talagang magtrabaho sa isang malaking kumpanya." Malungkot nyang paliwanag dito. "Sya pala ang nag aalok pero bakit mukhang nagsusungit yata. Dapat nga ligawan ka nya para mapasagot diba." Wika nito. Hindi nya alam pero parang uminit yata ang mukha niya sa sinabi nito. "G-gusto daw nyang ibigay sa anak lahat ng magpapasaya dito at isa na ako doon." Sagot nya na pilit itinatago ang pamumula ng mukha. Hinaplos nya ang buhok ni Angel. Nakatulog uli ito matapos nitong maubos ang gatas. "Ano ang gagawin mo ngayon. Papayag kaba?" Tanong uli ni Ella. Tinignan nya uli ang mukha ni Angel. Naawa din sya dito. Naiisip palang nya nag namamaga nitong mga mata sa kaiiyak ay nakokonsensya na sya. "Sa lunes pa naman ako magsisimula. Bahala na. Kausapin ko nalang ang tatay nyang masungit." Naguguluhan din nyang sagot. "Ikaw ang bahala. Pero salamat ha. Salamat dahil may malasakit ka kay Angel. Pagpasinsyahan mo nalang ang tatay nya. Mabait naman iyon." Wika ni Ella. "Pahiga na muna natin si Angel sa kama para hindi ka mangawit lalo. Kung gusto mong matulog uli okey lang." Sabi nito habang kinukuha sa kanya ang bata. "Hindi na. Hindi na rin naman na ako makakatulog dahil papaliwanag na." Nakangiti nyang tanggi dito. "O sige: Dalhin nalang natin sya sa kwarto nya para maibaba na natin sya sa crib para pwede natin syang iwan. Tapos baba na tayo para makapag kape." Sumunod sya sa dito ng pumasok ito sa connecting door at hindi nya uli maiwasang mamangha dahil sa ganda ng kwarto nito. Ang lambot ang carpet parang bulak ang inaapakan nya. Nakacustomize ang wall nito. Para talaga syang pumasok sa loob ng bahay ni barbie. Hindi ito mukhang pang baby na kwarto, Mukha itong kwarto ng mga nasa edad sampu na nahilig sa barbie. "Grabe. Prensesang prensesa ang dating." Aniya. "Oo. Kagaya nga ng sabi sayo ni Macky. Gusto nyang ibigay lahat sa kanyang anak. Sa kanilang magkakaibigan sya ang pinakamaluho pagdating sa anak. Hindi nga nangalahati si Ron sa kapatid dahil ayaw kong sanayin ang mga anak namin sa luho. Pero naiintindihan naman namin sya." Nasa boses na naman nito ang lungkot. "Bakit?" Tanong nya dito. Maingat muna nitong binaba si Angel sa crib nito saka sya uli binalingan ng masiguradong mahimbing parin ang tulog ng bata. "Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sayo ito. Pero alam ko namang mapagkakatiwalaan ka." Ramdam nya ang pag aalangan nito kaya parang nakaramdam na din sya ng hiya dahil masyado na yata syang maraming tanong. "Okey lang kung--" "Iniwan si Angel ng tunay na ina nito at pinagpalit sa sarili nitong pangarap, Stephan." Mahinang wika ni Ella. Napatakip sya sa bunganga dahil sa narinig. Hindi nya alam pero parang nanikip ang kanyang dibdib dahil sa narinig. Ngayon naiintindihan na nya ang lambong sa mga mata ng lalaki pag tumitingin ito sa anak. "Nahirapan si Macky na tanggapin iyon. Nahirapan syang tanggapin na ipinagpalit lang sila- ng anak nya sa kasikatan. Sa pangarap. Kaya nangako sya na ibibigay nya lahat sa anak para hindi nito hanapin ang ina. Pero parang nabibigo sya. Nasasaktan sya dahil hindi nya kayang punan ang pagkalinga sa anak na tangin ina lang ang makatutugon. Binigay naman namin lahat pero parang hindi din sapat. At sa tingin ko. Naghahanap talaga si Angel ng ina. Bata pa sya, sa edad nya. Dapat ang ina nya ang unang una na kumakalinga sa kanya." Napahaplos sya sa pisngi ng maramdaman na may tumulo doon. Hindi nya namalayan ang kanyang luha. Malungkot na ngumiti si Ella sa kanya. "Huwag mo sanang isipin na sinasabi ko ito para pumayag ka sa alok ni Macky. Gusto ko lang na maintindihan mo kung ano ba ang pinagdadaanan nilang mag ama."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD