Chapter 8

2026 Words
"Anong nangyari. Bakit parang kanina pa iyak ng iyak iyan?" Tanong ni Ron pagkapasok na pagkapasok palang nito sa kwarto nila. Ang kanyang ina naman ay abala na isinasayaw sayaw ang kanyang anak at pinapatahan ito. Kanina pa ito iyak ng iyak. "Hindi ko nga rin alam e. Wala naman syang sinat." Nag aalala na din sya sa anak. Nilapitan ni Ella ang Ina. "Ma. Akin na muna si Angel." Kinuha nito si Angel na agad namang yumakap sa leeg nito pero iyak parin ng iyak. "Nasaan ang masakit baby. Masakit ba ang tiyan mo?" Tanong nito na hinaplos haplos ang tyan ng anak pero umiling lang ito at umiyak uli. Pag pa naman umiyak ito parang nakakaawa. "Atea--pan. Atea---pan..." sumisinok na sambit nito. Kanina pa nito iyon sinasabi. "Ha? Nasaan ang masakit?" Tanong uli ni Ella pero umiyak uli ito. Aburidong aburido. "Tumawag na kaya tayo ng doctor baka masakit ang tyan nya." Nag aalalang wika ng kanyang ina. "Mabuti pa nga." Wika ni Ron saka agad na nilabas ang cellphone. "Mama.. ateapan. Ateapan." Wika uli ng anak na parang may gustong sabihin. "Kanina pa nya iyan sinasabi." Wika nya saka lumapit sa mga ito. "Ano baby?" Tanong uli Ella na habang pinupunasan ang mukha ng anak. Naghalo na ang pawis at luha nito. Inabot nya dito ang hawak hawak na towel na ginagamit nyang mapunas sa anak kanina. Stephan "Bunso gising." "Emm" ungol ni Stephan. "Gising sabi e." Niyugyog uli sya sa balikat, "Emmm.. kaiidlip ko palang e." Reklamo nya. "Gumising ka dahil susunduin ka daw nila Jef." Napapikit uli sya. "Bakit daw?" Paungol nyang tanong pero parang tulog parin ang kanyang diwa. "Tsk! Bangon na kasi." Kulit uli ng kapatid. Padabog syang bumangon. "Kuya naman e. Papaano pa ako lalaki nito kung iniistorbo mo ang tulog ko." Nakasimangot syang sumbat sa kapatid pero nakapikit parin ang mga mata. "Hindi na baling hindi ka lumaki. Nausog mo daw iyong bata kanina." Sabi naman nito na para bang kasalanan nya. "Ha? Ano ba kasi iyon. Sinong bata?" Naguguluhan nyang tanong na para bang ngayon palang nagising ang diwa nya. "Iyak daw ng iyak iyong batang tabachingching na anak nila Ron at hinahanap ka daw." Wika nito at hinagis ang tuwalya sa kanya. "Tayo na at maghilamos kana para magising ang utak mo." Wika nito saka na sya iniwan. "Ano daw?" Bulong nya habang napapakamot nalang sa ulo. Kinuha nya ang towel na binato nito sa kanya at tinungo na ang banyo. Kagaya ng sinabi nito ay naghilamos sya at hinagilap ang kanyang b*a saka sinuot ito. Pero hindi na sya nag abalang magbihis. Nakasuot sya ng black panjama at white shirt. Actually terno iyon at may prented na micky mouse. Pagbukas palang nya ng pintuan ng kanyang kwarto ay may narinig na syang nag uusap sa baba. At nakita nga nya sila Jef at Ron. "Magandang gabi po." Bati nya ng makalapit sya sa mga ito. "Magandang gabi din Stephan. Pasinsya na kung napasugod kami ng ganitong oras. Kanina pa daw kasi iyak ng iyak si Angel at ikaw daw ang hinahanap." Paliwanag agad ni Jef. "Balak na nga sana naming dalhin sa doctor e. Hindi kasi namin naiintindihan iyong sinasabi nya." Kwento din ni Ron. "Pwede mo ba sya puntahan. Kahit doon kana matulog. Bukas ka nalang namin ihatid uli." Napatingin sya sa kapatid. "Hindi ka sasama?" Tanong nya sa kuya. "Ikaw nalang. Tiwala naman ako sa kanila." Sabi naman nito sa kanya. Sinipat nya uli ang suot. "Okey na iyang suot mo. Matutulog ka din naman doon." Wika uli ni Ron. "Sige po. Okey ka lang maiwan dito." Tanong uli nya sa kapatid na ikinatawa nito. "Ano ako bata." Naiiling na tanong nito sa kanya kaya inirapan nya ito. "Salamat pre. Hatid ko nalang sya bukas." Sabi ni Ron. Tahimik lang syang nakikinig sa usapan ng dalawa habang nasa biyahe sila. "Stephan. Okey lang ba sayo na maiwan na ako sa bahay ikaw nalang ang sumama kay Ron." Tanong ni Jef sa kanya na nilingon pa sya sa likod. "Okey lang po." Nakangiti naman nyang tugon. "Sige idadaan nyo nalang ako sa bahay." Hindi nya maiwasang mamangha ng tumigil sila sa labas ng mataas na gate. Grabe. Gate palang ang ganda na. Wika nya sa isip. "Ayaw mo bang lumipat dito sa harap?" Baling uli ni Jef habang tinatanggal nito ang seatbelt. "Pwedeng dito na po ako." Nahihiya nyang tanong. "Okey lang naman. Malapit na din naman na tayo." Wika ni Ron. "Salamat tol. Ako ng bahala sa kanya." Paalam pa nito kay Jef. Natahimik uli sila ng sila nalang ni Ron sa sasakyan. "Ilang taon kana Stephan?" Basag nito sa katahimikan. "23 na po." Maiksi nyang sagot. "Ah. Pasinsya na uli kung naabala ka pa namin." "Okey lang po. Nabitin lang siguro si baby sa paglalaro namin kanina kaya hinanap nya ako." Tumawa ng mahina si Ron. "Siguro nga." "Nandito na tayo." Wika nito kaya napasilip sya sa kanilang harapan. Napanganga din sya dahil ang taas din ng gate at kusang bumukas iyon. s**t! Ang yayaman pala nila. Wika nya sa sarili. Napakislot sya ng bumukas ang pintuan sa tapat nya. "Magandang gabi ho." Bati ng nagbukas. "Magandang gabi din po." Wika nya saka na sya bumababa. At nakita nya si Ron na hinihintay na sya. "Woww.." hindi nya mapigilang usal. "Ang ganda." Narinig nya ang mahinang tawa ni Ron kaya mabilis nyang isinara ang bunganga at nahihiyang ngumiti dito. "Pasinsya na po. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang palasyo." Nahihiya syang napakamot sa ulo. "Okey lang. Bukas ililibot ka nila dito. Tara na baka hindi pa tulog si Angel." Yaya nito uli sa kanya kaya agad syang tumalima. Lalo syang napanganga ng makapasok sila sa loob. Grabe. Parang nakakatakot hawakan ang mga gamit nila dito. Ang kikintab. Kumikinang ang mga kagamitan na natatamaan ng ilaw dahil sa subrang kinis ng mga ito. Mahihiya ang alikabok na pumasok sa loob. Para tuloy gusto nyang tanggalin ang suot suot na tsenelas dahil sa sobrang kintab ng sahig. Makintab din naman ang sahig nila pero iba dito. Tahimik syang nakasunod paakyat sa hagdan. Parang ganito ang hagdan sa mga napapanood niyang pelikula. Iyong dahan dahan na baba ang prensesa tapos ang mga tao sa baba ay nakatingala sa kanya. Grabe ang mga chandelier. Huminto sila sa tapat ng isang pintuan. Kumatok si Ron pero hindi naman nito hinintay na pagbuksan sila dahil pinihit nito agad ang pintoan. Sumunod sya ng pumasok ito. Nakatingin ang lahat sa kanila ng pumasok sila. Sa kanya pala. May nakita siyang dalawang matanda na nakaupo sa sofa. Magulang siguro ni Ron dahil kamukha ito ang lalaki. Si Ella na nakaupo sa gilid ng kama ay agad na sumalubong sa kanila. At isang lalaki na matiim na nakatingin sa kanya. O mas tamang sabihin na nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Nakasandal ito sa headboard at nasa dibdib nito si Angel na nakadapa. "Nakatulog na pala sya." Mahinang wika ni Ron. "Katutulog lang." Sagot ni Ella sa asawa. "Magandang gabi Stephan. Pasinsya na ha. Halika at ipapakilala kita kila mama." Hinawakan nito ang kamay nya at hinila sya palapit sa dalawang matanda na nakatayo na din. "Magandang gabi ho." Pagbibigay galang nya sa dalawa. "Ma. Pa. Sya si Stephan. Sila iyong nakasama namin kaninang nagdiner. Stephan sila ang mga biyanan ko. Si Mama Ysa at Papa Aaron." "Magandang gabi din naman hija. Pasinsya na kung naabala ka namin. Akala ko naman bata pa ang hinahanap nyang nakalaro nya." Wika ng matandang babae. Napatingin uli sya sa kama ng magsimula na namang umingit si Angel kaya nilapitan na nya ang mga ito. Naiilang man sya sa tingin ng lalaki pero pinilit parin nyang ngumiti dito. "Pwede ko ba syang makuha?" Paalam nya. Tumango ito kaya sumampa na sya sa kama. Grabe ang lambot ng kama nila. Inabot nya ang isang maliit na unan at inayos muna nya iyon sa gitna saka sya tumingin uli sa lalaki. "Kukunin ko na sya ha." Paalam nga uli dito saka dahan dahang binuhat si Angel. Nagising uli ito at umiyak. "Ssshhh. Nandito na si Ate Stephan." Bulong nya dito at hinaplos haplos ang likod nito. Inihiga nya ito at agad na yinakap. Napangiti sya ng yumakap agad ito sa leeg nya at naging payapa uli ang tulog. Mahina nyang tinapik tapik ito sa pwet. Narinig nyang tumunog ang tyan ng bata. "May oil kayo?" Tanong nya sa lalaking nakatingin lang sa kanila. Nasa likuran kasi nya sila Ella kaya dito na sya nagtanong. Tumango uli ito at umalis na sa pagkakasandal sa headboard. Parang nangawit yata. Napansin nya na may benda sa likod ng ulo nito. Inabot nito ang babay oil sa kanya pero inabot nya uli ang palad. "Palagyan nalang ng kunti ang kamay ko." Mahina nyang wika na tama lang na marinig nito para hindi magising ang bata. Lumapit si Ella sa kanila. "Parang may kabag po kasi sya. Hilotan ko lang ng langis ang tyan. Wika nya dito na parang sa lalaki sya nagpapaliwanag. Hindi nya alam pero parang kumakabog ang dibdib sya dahil sa lalaking ito. Napalunok sya ng hawak nito ang kamay nya para hindi matapon ang langis na inilalagay nito. Napatingin din ito sa kanya pero saglit lang dahil binaling agad nito ang tingin sa palad nya. "O-okey na iyan." Wika nya. Ikinalat muna nya sa palad ang langis saka nya dahan dahang tinaas ang damit ng bata at hinaplos nya ito sa tyan. Ilang ulit nya itong hinaplos doon. Tama nga sya dahil parang mahangin ang tyan nito. Masuyo din nyang hiplos ito banda sa may pwetan. "Alam na alam ang ginagawa ah." Puna ni Ella na nasa likoran nya. "Mayroon kasi kaming kapit bahay na may anak din na maliit. Iyakin din kaya palaging kinakabag. Hinihilotan lang ni Mama ng langis." Kwento nya. "Okey lang ba na dito kana matulog." Tanong uli nito sa kanya. "Oo naman." "Dito ka nalang kaya matulog hon samahan mo si Stephan." Wika naman ni Ron na ngayon ay nasa tabi na ng lalaki. "Mabuti pa nga. Paano yan Kapatid. Ikaw ang mapapatalsik sa bed mo." Sabi ni Ella kaya napatingin sya sa lalaki. Bed nya ito? Tanong nya sa isip. "Doon nalang ako sa bed ni Angel." Wika nito na sa kanya nakatingin. "Ma, pa. Pwede na po kayong magpahinga. Kami na po ang bahala dito. Hon. Paki tignan mo muna iyong dalawa bago ka matulog ha." Bilin ni Ella sa asawa. Sumampa uli ang lalaki sa bed at bahagyan nyang nailayo ang ulo ang dumukwang ito para halikan sa ulo si Angel. "Goodnight baby." Bulong nito. Bakas ang awa sa boses nito. Tinapik ito ni Ron sa balikat. Naramdaman nya na parang ang bigat ng hangin sa loob ng silid. Parang ang lungkot nila. Sa klase ng tinginan nila. Sa mga buntong hininga nila. Hindi nya maipaliwanang. Pero parang ang lungkot. Humalik si Ron kay Ella at hinaplos lang nito ang ulo ni Angel. Parang may mali. Humiga na rin si Ella sa kabilang side kung saan nanggaling ang lalaki kanina. Silang tatlo nalang ang naiwan sa kwarto. "Sino ang lalaking iyon kanina?" Nagtataka parin nyang tanong. Parang nagulat naman si Ella sa tanong nya. "Oh! Pasinsya na. Hindi ba namin sya naipakilala sayo. Sya ang ama ni Angel. Siya si Macky, nakababatang kapatid ni Ron. Hindi pala namin sya naipakilala." Nagsalubong ang kanyang kilay. "Akala ko kayo ang mga magulang nya." Usal nya. Umayos muna ng higa si Ella bago ito sumagot sa kanya. "Hindi. Anak sya ni Macky. Pero para na namin syang tunay na anak. Pag nandito kami. Palagi namin syang kasama." Kwento nito. "Bakit. Hindi ba kayo dito nakatira?" "Hindi. May sarili kaming bahay sa probinsya. Nandito lang kami dahil bakasyon ng mga bata at mayroon ding tungkolin si Ron sa amin bilang kapitan ng aming lugar. Pero baka dito na rin kami titira dahil eleksyon naman na at hindi na uli lumaban si Ron sa eleksyon." Napatango sya sa sinabi nito. "N-nasaan ang ina ni Angel?" Alanganin nyang tanong Malungkot na bumuntong hininga si Ella. "Nasa ibang bansa. Isa syang sikat na model." Kwento nito kaya napatango uli sya. "Poooot" Halos sabay pa silang natigilan ng umutot si Angel. At halos sabay din silang natawa ng maamoy nila ang utot nito. "Lumabas na ang masamang hangin." Wika ni Ella kaya lalo silang natawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD