Chapter 7

2017 Words
Jef Ron calling.... Answer "Bro.. where are you now?" Tanong agad Ron kaya napakunot sya. "Nandito ako sa resto nila Misis. Why?" "Dinala daw si Macky sa hospital dahil nagkaroon daw ng gulo sa bar nya kanina at nadamay daw sya." Halata sa boses ni Ron ang pag aalala. "I still don't know exactly what happened pero natamaan daw sya ng bote sa ulo kaya nawalan sya ng malay." Pagkwekwento pa ni Ron kaya napamura sya sa narinig. "Okey. Papunta kana ba doon?" Tanong nya. "Ibabalik ko muna sila Ella at ang mga bata sa bahay kakain sana kami sa labas dahil gusto daw ng mga bata nag magjollibee." "Why don't you just bring them here to the resto nandito din ang mga bata. Magpaprepare nalang tayo ng gusto nila dito. Para sabay nalang tayong pumunta doon" He suggested. "Hindi ba kami makakaabala dyan Jef? Alam mo naman kung gaano kakukulit ang mga kasama naming bata?" Nag aalangang sabad ni Ella. Nakaloud speaker siguro ang kaibigan kaya rinig nito ang usapan nila. Natawa sya. "Okey lang iyon Ella para naman mahawaan nila ang dalawa sa kakulitan. Alam mo namang libro lang ang palagi nilang kalaro." Sandali syang natahimik dahil narinig nyang nag usap muna ang dalawa at ang mga bata. Tinanong ni Ron kung gusto ng mga ito na makita ang kanyang mga anak at hindi nya maiwasang mapangiti sa sagot ng mga ito. Halos hindi nya maintindihan ang mga ito dahil sabay sabay na nagsasalita ang mga bata. "Papa Jef. Gusto Angel flied Chicken!" Matinis na boses ni Angel. Ang anak ni Macky. Dalawang taon na ito at kagaya ng anak ni Ron na pinaglihi din yata sa energy drink. "Oh. Nandiyan pala ang aming baby Angel. Sige magpapaluto tayo ng fried chicken kay mama Sam." Wika nya. "Sige bro. Hintayin nalang namin kayo dito at ipapaluto ko na ang fried chicken ng mga bata." Paalam nya sa kaibigan. Lumapit sya sa asawang abala sa pagpreprepara ng mesa. Niyakap nya ito at hinalikan sa noo. Kumunot ang noo nito pero hindi umimik. Tumingin lang ito sa kanya at hinintay ang kanyang sasabihin. "Hon. Something came up nasa hospital daw ngayon si Macky at kailangan namin syang puntahan." "Bakit napano sya?" Nag aalala nitong tanong. "Hindi ko pa alam e katatawag lang ni Ron. Kasama nya ngayon si Ella at mga bata kakain daw sana sila sa labas kaya sabi ko dalhin nalang sila dito." "Mabuti naman. Matagal ko na ding hindi nakikita si ate Ella at ang mga bata." Nakangiting tugon nito. "May request pala ang mga bata. Gusto daw nila ng fried chicken." Nakangiting umiling si Sam. " As always. Sige magpapaluto ako. Papaano pala ang dalawa pa nating bisita. Baka mahiya ang mga iyon ikaw pa naman ang nag invite sa kanila." Nag aalalang tanong ng asawa ng maalala ang dalawa pang bisita nila. "Hindi naman siguro dahil kilala naman nila sila Mama---" "Ehemm.."sabay silang napatingin ng asawa sa tumikhim. "Excuse me po. Ate Sam. Nandyan na po sila Mr. Santaana." Isa sa mga crew nila. "Mabuti naman at naabutan ka nila." Nakahinga ng maluwag si Sam. "Pwedeng pasamahan nalang uli silang paakyat dito Mark." Pakiusap nito sa crew. "And Dennise. Pwedeng pakisabi kay chef na magluto ng two buckets of fried chicken at gawa sya kamo ng gravy sauce iyong paborito kamo ng mga Aragon kids." "Alam na alam na ni chef ang gusto ng mga anak ni Ron ano." Natatawang wika ni Jef sa asawa. "Nasanay na sya e. Ilang besis na ba syang kinulit ni Amber at Russel dahil sa gravy sauce na iyan." Naiiling naman na wika ni Sam. "Anyway. Hintayin mo muna sila dito at tatawagin ko lang sila Mama." Paalam nito saka na tinungo ang opisina ng ina kung nasaan ang kambal nila at ama. Bali ang 4th floor ng building ay opisina ng asawa at ng kanyang ina mayroon ding spare bed room para pahingahan dahil madalas na nandito ang kanilang kambal. Living room at maluwang na dining hall. Dito na kasi sila madalas kumakain. Bali ito na ang pangalawa nilang tahanan dahil dito na ginugugol ng asawa at ang ina ang kanilang maghapon at dito na din sila tumutuloy ng ama pagkagaling sa opisina. Isang branch lang ang Restaurant nila Sam dahil ayaw na nilang magbukas pa ng iba pang branch. Talagang libangan lang ang hangad ng mga ito para lang may pagkaabalahan. Pero masasabi nyang malakas paring kumita ang nga ito dahil palaging puno ang mga table nila araw araw lalong lalo na pag weekend. "Oh pare buti nakarating kayo." Salubong nya sa magkapatid. Kinamayan nya ang mga ito. "Salamat sa pag imbita pare." Tugon naman ni Shawn. Tinapik nya ito sa balikat saka nya binalingan si Stephan at inabot din ang kamay dito. "Magandang gabi Stephan." Inabot nito ang kamay nya pero sa kabilang kamay nito ang ginamit at doon lang nya napansin na nabalutan ng benda ang kamay nito. "Hehe.. namaga e." Nahihiyang tinaas pa nito ang kamay kaya napangiwi sya pero napatawa sya ng mahina. Namaga siguro dahil sa panununtok nito kahapon "O nandyan na pala sila mama. Tuloy kayo." "Ma. Nandito na sila." Nakangiting sinalubong sila ng kanilang ina. "Sila nga." Natutuwang bulalas ng ina. "Ikaw na si pogi. Ang laki mo na." Bati ng ina kay Stephan na agad na yinakap. "Hello po Ma'am Eliza." Kiming bati ni Stephan tinanggal pa nito ang sumbrero at bahagyang yumukod para magbigay galang sa ganyang mga magulang. Tumawa ang kanyang ina. "Hindi ka parin nagbabago. Sobrang galang mo parin." Puri nito kay Stephan. "Magandang gabi po." Nakangiti ding bati ni Shawn sa magulang. "Magandang gabi din hijo. Ikaw siguro ang pulis na kapatid nila Steve at Sherwin." Masayang baling ng ina kay Shawn na ikinagulat nya. "Pulis ka Pare?"gulat nyang tanong. Nahihiyang ngiti lang tugon nito. "Kumusta pala ang dalawang iyon." Tanong naman ng ama. "Ayos naman po sila." "Matagal tagal na din kasi kaming hindi nakakauwi doon e. Pero palagi parin naman naming nakakausap si Steve." Wika ng kanyang ina. "Ito pala ang aking asawa---" "Mama Sam!" "Angel wait. Careful baby." Tinig ni Ron na hinahabol ang isang maliit na bata na papaling paling pa ang hakbang. "Opppss..." halos sabay sabay nilang bulalas ng nagsalaped ang paa nito pero maagap si Stephan para saluhin nito. Stephananie "Opppsss...." mabilis na salo ni Stephan sa bata ng makitang babagsak ito pero dahil sa nawalan din sya ng panimbang ay bumagsak din sya. Namalayan nalang yang nasa ibabaw na nya ito at mismong sa labi nya tumama ang malalambot nitong pisngi. Dahan dahan nitong inangat ang ulo at tinignan sya nito. Wala sa sariling napatitig din sya sa mukha ng bata. Ang kulot kulot nitong buhok ay umaabot din sa kanyang mukha. Napakurap nalang sya ng may basang pumatak sa kanyang bibig kaya naitikom nya iyon lalo. Parang natauhan naman ang bata at agad na umupo pero sa balikat parin nya ito umupo. Parang walang pakialam kahit na maupuan sya. Bata nga naman. Wika nya sa isip at pinahid din ang laway nitong lumulo sa kanyang bibig. Buti nalang at laway pa ng bata. "Pasinya na Miss." Hinging paumahin ng babaeng kasama nito at agad na binuhat ang bata. Tinulungan naman syang itayo ng kanyang kapatid. "Okey lang ho." Wika nya habang inaayos ang damit. "Say sorry to her baby." Wika ng lalaking humabol sa bata kanina. Pero nakatitig lang ang bata sa kanya kaya nginitian nya ito. "Hello baby. Next time be careful ha para hindi ka masaktan." Wika nya saka hinawakan ito sa kamay pero nakatitig lang ito sa kanya. "Hala Stephan. Baka mausog mo iyan. Titig na titig saiyo." Wika ng kanyang kuya. "Mausog ka dyan." Aniya sa kapatid. "Pwede ko po ba syang kargahin. Parang nabigla po yata sya." Paalam nya sa babaeng ina yata ng bata. "Sige. Ako pala si Ella. Siya naman ang asawa ko. Si Ron." Pagpapakilala ng babae ng maiabot nito ang bata sa kanya na wala paring imik. "Are you okey baby?" Nag aalalang tanong ni Ron sa batang karga karga na nya kaya napatingin silang lahat dito. "Okey ka lang?" Tanong nya na hinaplos haplos nya ito pati na sa tyan. "Pwera usog, pwera usog." Usal nya. Doon na nagsimulang humagikhik ito dahil yata nakiliti sa ginawa nya. Para namang nakahinga ng maluwag ang mag asawa. "Sya nga pala. Ron, Ella. Sila ang magkapatid na Santaana. Si Shawn at Stephan. Taga Cebu sila. Pareng Shawn, Stephan, sila ang mga kaibigan ko. Si Ella at Ron. Kagaya nga ng sabi ni Ella kanina. Mag asawa sila." Pagpapakilala ni Jef sa kanila. Bumaling ito sa kanyang kuya. "Pasinsya na pare. Mayroon kasing biglaang emergency kaya maiiwan muna namin kayo dito." Tumango naman ang kuya nya. "Kinagagalak namin kayong makilala. Ayos lang pare." Matapos magpaalam ang dalawa ay nagmamadali nang umalis ang mga ito. Tinignan uli nya ang batang kanyang karga karga. Nakakapit ito sa kanya leeg at nakatingin parin sa kanyang mukha kaya nginitian nya uli ito. "Anong pangalan mo babay." Tanong nya. "Ang-he-la." Sagot nito. "Aba. Talagang sinabi ang buong pangalan ha." Nakangiting wika ni Ella. "Ako naman si Ate Stephan." "Angels like you." Wika nito. Kumunot ang kanyang noo. "Angels who?" "Me. I'm Angel. I'm Anghela Aragon." Bibong wika nito. "Talaga. Gusto mo ako." Lalo syang napangiti dahil ang cute cute nito pag nagsasalita. Ang pula ng labi nito at mamulamula din ang mga pisngi nito. Narinig nyang mahinang natawa ang kanyang kapatid. "Parang nagayuma mo yata ang bata bunso." Wika nito na ikinatawa din ng mga kasama nila. "Come Angel. Go to Ate Amber and play with them na." Wika ni Ella kay Angel pero kumapit lang ito sa leeg nya. "Can I stay with you." Parang nahihiyang bulong nito. Nagtataka man sya sa inasal ng bata ay ipinagkibit balikat nalang nya. "Of course baby." Kaya imbis na tumutulong sya sa paghahanda ng pagkain nila ay nandito sya nakikipaglaro sa mga bata. Panay ang tawa nila dahil hindi manalo nalo si Amber at Andria sa bato bato pick na laro ng mga ito. Magkasangga si Amber at Andria. Si Russel at Andrie naman. At kung sino ang matalo ay pipitikin nila ito sa kamay. At nakakatuwa dahil palagi silang panalo ni Angel dahil kahit hindi sila kasali ay nakikipitik din si Angel na pinapabayaan lang naman ng apat. Si kuya naman sya ay kausap si Tito Andrew. Samantalang sila Sam, Ella at Tita Eliza ay inihahanda na ang mesa. Hindi nya mapigilang humanga dahil ang daming hinandang pagkain ng mga ito. "Guy's. Ready na ang food. Kain na tayo." Tawag ni Tita Eliza. Sabi pala nito Tita at tito nalang ang itawag nila sa mga ito. Halos sabay sabay namang tumayo ang mga bata at nag unahan ng pumunta sa hapag. Medyo hinabol nya si Angel dahil baka madapa na naman ito. Inabot nya ang maliit nitong kamay at kinarga ng marating nila ang mesa. Kanya kanyang upo ang mga bata. "Wow... flied chicken." Pumapalakpak na wika ni Angel na parang naglalaway na sa nakikitang fried chicken. Ganon din ang apat. "Aba. Kung makapag react kayo parang isang taon kayong hindi nakakita ng fried chicken a." Natatawang puna ni Tita Eliza sa mga bata. "We are not allowed to eat fried chicken every day." Wika ni Russel na ikinatawa nila. "Because it's not good for our health Russel." Paliwanag naman ni Andrie na inayos pa ang salamin. Tingin palang alam na nyang matalino ito. "O iyan Russel. Makinig ka kay kuya." Natatawang sabi ni Ella sa anak. "Bakit nagsasawa kana na ba sa ulam natin na talbos ng kamote. Sitaw, ampalaya kalabasa.--- "At saka mayron pa. Labanos mustasa." Kanta ni Amber kaya natawa sila. "Walang mag uulam ng mga tanim ni Lola ninyo na gulay sa bahay pag hindi natin inulam ang mga iyon." Natatawang wika uli ni Ella na parang tawang tawa sa mga anak. "Next time I will tell Lola Lilia not to plant vegetables in the backyard." Wika uli ni Russel kaya nailing nalang sila. "Stephan. Akin na si Angel. Ako na ang magpapakain sa kanya." Nakangiting baling ni Ella sa kanila ni Angel pero parang ayaw pang bumitiw ni Angel sa kanya. "Pwedeng ako nalang po. Kami nalang ang magtabi." "Sigurado ka. Magulo yan." Paninigurado ni Ella sa kanya. "Okey lang yan. Parehas naman silang magulo ni Bunso." Sabad naman ng kanyang kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD