"HINDI ka na ba talaga magpapapigil, kuya?" Tanong niya sa kapatid na handang-handa ng lisanin ang bahay nila.
Humarap ito sa kanya at mataman siyang tinignan.
"I need to study abroad Charlton for my future, para na rin mapatakbo ko ng maayos ang kumpanyang pinaghirapan ni daddy." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. Kahit na mataas siya di hamak naman na mas matangkad ito sa kanya. "Alagaan mo sila ha?"
"Sila mommy at daddy?"
"Yes, dapat ikaw na ang mag-alaga sa kanila habang wala ako."
"Kailan ka ba babalik kuya?"
“I don’t know yet, but when I come back here, I will be the one who’d run our business. I want our parents to rest and get relax.”
Unti-unti niya ng naiintindihan kung bakit kailangan umalis ng kapatid at mag-aral ulit sa ibang bansa. Ang kuya niya ang susunod na CEO ng kumpanya nila at ito na rin ang mamamahala do'n.
"How about me kuya? Ano’ng gagawin ko?”
Ano nga ba ang gagawin niya? Inako na lahat ng kapatid niya ang pagpapatakbo ng negosyo nila.
"Alagaan mo ang sarili mo, Charlton. Dapat hindi ka lagi aasa kila mommy kasi malaki ka na, dapat kaya mo na ang sarili mo." Bilin nito.
"I will." Yumakap siya sa kapatid. "Kuya, kapag nalulungkot ka do'n tumawag ka lang sa’min ha? Mag Skype tayo palagi para hindi mo kami ma-miss.” She heard him chuckled. Ganyan 'yan eh, minsan parang natutuwa kapag kausap siya. Sobrang bait sa kanya ng kuya Cassidy niya kaya swerte ang mga nagiging girlfriends nito. "Pag-uwi mo, pwede mo nang ligawan si ate Stella.”
May crush kasi si Stella Venisse sa kapatid niya pero secret lang iyon kaya hindi niya sasabihin.
"Bakit ko naman siya liligawan?" Gulat na tanong nito. "Ang ingay-ingay ng babaeng 'yon mababasag ang eardrums ko sa lakas ng boses ng taong ‘yon."
Hindi na maipinta ang gwapong mukha ng kuya Cassidy niya nang kumalas ito sa yakap niya.
"Ayaw mo sa kanya?" Hindi ito nagsalita. Silent means Yes. "Ayaw mo sa maingay na babae?" Follow up question niya.
"Yes I hate nosiy." Mabuti na lang hindi siya maingay kung nagkataon baka hate rin siya ng kuya niya. "And I hate the color of her skin."
"What? Ang ganda kaya ng kutis niya kuya, hindi niya na kailangan mag take ng mga pampaputi ng balat kasi sobrang puti niya na."
"That's the reason why I don't like her, ayoko ng mapuputi na babae.”
Bakit 'yung ibang lalaki gustung-gusto ang mapuputing babae? Pero ang kuya Cassidy niya ay ayaw?
Pasimple niyang tinignan ang braso niya. Maputi siya, does it mean her brother hate her?
"Ayaw mo rin sa’kin kuya?”
Mababakas ang lungkot sa boses niya pati na rin sa mukha niya.
"No, no, baby, don't be sad. I don't hate you kasi kapatid kita."
"Pero maputi ako and you said you hate mapuputi na girls." She pouted.
"Ikaw at si mommy lang ang babae na mahal ko kahit maputi kayo." Natawa ito ng bahagya na para bang may sinabi itong nakakatawa. "Hindi ko lang talaga type 'yung sobrang puti na mga babae. I will never court them." Batid niyang seryoso ito.
“Okay, I understand na.”
Love pa rin naman pala siya ng kuya niya kahit maputi siya. Kawawa naman pala ang ate Stella niya dahil ayaw pala ng kapatid niya sa mapuputing babae. Mukhang wala ng pag-asa si Stella sa kuya niya.
"I have to go." Anito at muli siyang yinakap ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Mag-ingat ka palagi do'n kuya, ha?"
"I will." Sabi nito at pumasok na sa kotse na maghahatid dito sa airport.
Tinanaw niya lang ang sinasakyan ng kapatid na palabas na ng malaki nilang gate. Ayaw kasi nitong magpahatid sa airport kaya hindi na sila sumama. Nakausap na rin naman nito ang magulang nila kanina bago siya nito kinausap.
Bumalik siya sa loob ng bahay nila at hinanap ang mommy niya. Magpapaalam kasi siya, may dinner date kasi sila ni Ryxer.
"Mom? Are you crying?" Nilapitan niya ang ina na nakaupo sa edge ng bed nito at ng daddy niya.
"No baby,"
"Umiyak ka mommy, namumula po ang eyes mo pati ang cheeks mo." Kumuha siya ng tissue sa side table at siya na mismo ang nagpunas sa pisngi ng mommy niya. "Huwag ka nang malungkot mom, babalik din naman si kuya Cassidy hindi ba?”
Sigurado siyang kaya umiiyak ang ina ay dahil sa pag-alis ng kapatid niya. Ang alam niya nga kagabi pa ito umiiyak sa daddy niya hindi lang ipinapaalam sa kuya niya.
"Sad lang si mommy kasi matagal mawawala ang kuya mo, matagal natin siyang hindi makakasama.”
Hinaplos-haplos niya ang likod nito. Ganito kasi ang ginagawa sa kanya ng ina kapag umiiyak siya.
"Pwede naman natin siyang bisitahin mommy, sabi ni daddy pupuntahan natin si kuya kapag wala na po masyadong trabaho sa kumpanya."
"Next month pa tayo pwede bumisita sa kanya, anak.”
Niyakap niya na lang ang mommy niya dahil kahit siya ay nalulungkot. Sana kasi wala na lang umaalis pero kailangan eh.
"Next month na?" She excitedly asked.
Mukhang natuwa sa kanya ang mom niya kaya napangiti ito. Mana talaga siya rito dahil mabilis lang silang pangitiin. Sabi nga ni Ryxer, mababaw ang kaligayahan niya.
"Yes, yes. Gusto ko nga sana doon na lang tayo tumira para sama-sama pa rin tayo.”
Kung sa America sila titira ibig sabihin maiiwan ang boyfriend niya dito? Hindi niya alam ang nararamdaman, ayaw niyang malayo kay Ryxer.
"Pero mommy…”
"Pero hindi pwede kasi may business tayo dito at hindi ko rin naman kaya iwan ang daddy mo dito. Tiis lang muna tayo na wala ang kuya Cassidy mo, ha?" Hinaplos nito ang pisngi niya. "Ikaw ba anak, ayaw mo ba mag-aral sa ibang bansa?”
Umiling siya.
"Ayoko mommy, gusto kong kasama ko kayo palagi. Gusto ko kasama ko rin si Ryxer." Kung may anong dumaan sa mata ng ina na bigla rin nawala. "Hindi ko kayo iiwan mommy."
"Promise?"
Itinaas niya ang isang kamay sa tapat nito.
"I promise." Ngumiti siya sa mommy niya. "Aalagaan ko kayo ni daddy."
"Big girl na talaga ang baby namin ha. Siguro sinabi sa’yo 'yan ng kuya mo."
"Opo, sabi niya kanina alagaan ko raw kayo habang wala siya."
"Thank you, anak." Anito at yinakap siya. "Sana palagi ka namin kasama, kapag umalis ka pa baka mabaliw na ako kakaisip sa inyo ng kuya mo."
"Hindi ako aalis mommy, may date nga sana kami ni Ryxer tonight kaya lang ika-cancel ko na lang para rito lang ako sa’yo."
"Pwede naman kayong magdate mamaya."
"Pero sabi mo huwag akong aalis.”
Naguluhan tuloy siya bigla. Ano ba ang hindi niya naintindihan sa pinag-uusapan nila?
"Ang ibig kong sabihin anak huwag mo kaming iiwan ng daddy mo."
"Kaya nga po hindi na lang ako makikipag-date kay Ryxer para dito lang po ako sa bahay."
Ngumiti ito sa kanya kaya ngumiti rin siya ng matamis dito. Ang bait talaga ng mommy niya wala siyang masabi.
“Papuntahin mo na lang dito si Ryxer para magkita pa rin kayo."
Tila kumislap ang mga mata niya sa sinabi ng ina.
"Talaga mommy? Sige po tatawagan ko si Ryxer para dito na lang siya mag-dinner.”
Tumayo sila pareho at lumabas ng silid.
Nagpaiwan siya sa malaking sala nila habang ang mommy niya naman ay dumeretso sa kusina nila. Kinuha niya muna ang cellphone and dial her boyfriend's number. Nalukot ang mukha niya ng naka-ilan dial na pero hindi iyon sinasagot ng kasintahan. Hinagis niya na lang sa sofa ang iPhone niya. She turned on the big flat screen TV.
"What's wrong Charlton? Bakit ka umiiyak d’yan?" Maya-maya ay untag ng mommy niya.
Kinusot niya muna ang mata bago nag-angat ng tingin dito. Nakasalampak siya sa carpet ng sala nila habang nanonood ng isang Hollywood movie pero hindi naman iyon ang nagpaluha sa kanya kundi…
“Hindi po kasi sinasagot ni Ryxer 'yung tawag ko mommy, hindi rin siya nagrereply sa mga text messages ko. Ayaw niya na ba sa’kin?"
Kung kanina ang mom niya ang umiiyak, ngayon ay siya naman. Tumabi ito sa kanya.
"Baka naman busy lang si Ryxer kaya hindi ka niya maharap. And I heard na siya rin ang susunod na magpapatakbo ng kumpanya nila."
Magiging CEO rin pala ang boyfriend niya? Ang kuya Cassidy niya ay future CEO rin ng company nila. So meaning to say...
"Aalis din po ba si Ryxer mom? Magiging future CEO siya kaya dapat mag-aral din siya sa ibang bansa?"
Ibinaling ng mommy niya ang paningin sa malaking flat screen TV nila nang marinig ang tanong niya.
"Anak, sana kapag dumating 'yung araw na—"
"Wait lang mommy tumatawag si Ryxer." She cut her off when her cell phone suddenly rang.
"Hello?"
"Hi there sweetie,"
"Bakit ngayon ka lang tumawag?"
"Medyo busy lang ako sweetie, don't worry tuloy pa rin naman ang dinner date natin d’yan sa bahay niyo."
"Okay I'll wait for you.”
Iyon lang naman ang gusto niyang malaman kung pupunta ba ito sa bahay nila.
"Alright, I love you.”
Sinulyapan niya ang mommy niya na nakatitig lang sa kanya.
"I love you too, mommy's here." Nahihiyang sabi niya. Narinig niya lang ang bahagyang pagtawa ng kasintahan sa kabilang linya. "Don't laugh at me, I can tell the world how much I love you." Nakanguso pa siya.
"Yeah I know. Anyway, I need to cut the line sweetie. See you tonight.”
“Okay, see you tonight.” And the line was cut off.
"You are so sweet." Tila proud na proud sa kanya ang mom niya.
"Sweet ka rin naman mommy nagmana lang ako sa’yo." Humagikhik pa siya.
Actually hindi niya nga alam kung bakit sinasabihan siyang sweet, normal lang naman ang ginagawa at sinasabi niya, but the people around her found it sweet.
Pagkatapos niyang manood ay pumanhik naman siya sa kanyang silid para makapag-ayos. Gusto niya na makita si Ryxer dahil ilang araw din silang hindi nagkita puro tawag or text lang sila. Kapag naging CEO na ang boyfriend niya siguradong mas magiging busy iyon.
"Mawawalan na ng oras sakin si Ryxer." Usal niya habang nakatitig sa mga picture nila na meron siya sa cellphone niya.
"Kapag CEO na siya, ang kumpanya lang nila ang kaagaw ko sa oras niya. Bakit ba kasi kailangan pa siyang maging CEO.”
Nayayamot na siya, kinakausap lang naman niya ang kanyang sarili.
‘Katulad ng daddy Clarkson mo kailangan din ng daddy ni Ryxer ang magpahinga kaya isasalin nila sa mga anak nila ang posisyon nila.’
Tila pagpapaliwanag sa kanya ng isang bahagi ng utak niya.
"Okay our parents needs to rest. Paano naman kami ni Ryxer?"
‘All you have to do is make yourself busy too.’
"Ibig sabihin kailangan ko rin magtrabaho?"
‘Exactly!’
"Pero ayoko sa jewelry shop ko gusto ko sa RACE. Gusto ko maging car racer din."
‘Then do it, do what you want.’
Paulit-ulit na ipiniling n’ya ang kanyang ulo dahil nakikipag-usap sya sa sarili niya.
"I'm going crazy, I am crazy!" Bulalas niya at dali-daling lumabas na naman ng silid niya.
"Dahan-dahan lang po Miss Charlton, baka mahulog po kayo sa hagdan.”
Natatarantang paalala sa kanya ng isa sa mga kasambahay nila na naglilinis ng hagdanan nila. Kaya lang ay hindi niya mapigilan ang kanyang pagtakbo pababa ng hagdan nila dahil gusto niyang kausapin ang mommy niya kung bakit kinakausap niya ang kanyang sarili.
"Don't worry about me Manang Cecil—Aahhh!”
Malakas na sigaw niya nang madulas ang isang paa sa isa sa mga baitang ng hagdan nila.
"Miss Charlton!"
"Charlton, anak!”
Hindi niya na halos marinig ang sigaw na iyon ng pangalan niya dahil tila binubugbog ang katawan niya habang pagulung-gulong siya pababa ng mahabang staircase nila.
Masakit. Iyon ang nararamdaman niya ngayon, masakit ang buong katawan niya pati na rin ang ulo at mga paa niya. Hindi siya sanay sa mga sakit-sakit sa katawan kaya hindi na nakapagtataka kung bakit hinayaan niya ang sariling kainin ng dilim.
Batid niyang hindi pa siya mamamatay dahil malakas ang pananampalataya niya pero batid niya rin na hindi magiging madali ang pagdadaanan niya para mawala ang sakit ng buong katawan niya dulot ng pagkahulog niya sa mahabang hagdanan.
"Mommy, daddy.." Umiiyak na tawag niya sa magulang sa isip nya. "Mommy... Masakit, ang sakit." Kung lumuluha siya ay hindi niya na alam pero sa puso't-isip niya ay umiiyak siya. Umiiyak siya sa sakit ng buong katawan niya na para bang sa bangin siya nahulog.
"Ryxer..." Iyon ang huling pangalan na nabanggit niya sa isip bago tuluyang nagpatalo sa sakit na nararamdaman.