"AALIS ka rin, Lexy?" Manghang tanong niya sa kaibigan, bumaling ang mata niya sa lalaking kasama nito. "Ikaw din Ether? Sasama ka rin sa kanila?”
Kasalukuyan silang nasa party ng mga pinsan niya at hindi niya alam na pati pala ang dalawang kaibigan niya rin ay aalis patungong America.
"We need to study abroad, Charlton." Si Ether ang sumagot.
"Pero tapos na tayong lahat mag-aral.”
Tama nga naman. Bakit mag-aaral ulit?
"May mga bagay kasi na kailangan pa naming matutunan."
"Tulad ng?" Tulad ng love?
"Tulad ng paghawak ng bari-”
"Kuya!" Saway dito ni Lexy. Tumawa lang si Ether sa kapatid.
"Lexus,"
"Its Lexy kuya, Lexy. Lagi ko na lang ba sasabihin sa’yo na Lexy ang itawag mo sa’kin?”
Magkasalubong na ang kilay ng kaibigan niya. Ayaw kasi nitong tinatawag sa tunay nitong pangalan, Lexus.
“Fine Lexy," Bumaling si Von Ether sa kanya. "Pwede ka rin naman mag-aral ulit Charlton, si Ryxer kasi ay—"
“Stop it, Ether.” The man beside her interrupted, Ryxer.
Hindi niya na lang iyon pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Umalis din naman sa lamesa nila ang magkapatid.
Naisip niya lang tatlong kaibigan niya na ang malalayo sa kanya. Ang dalawang pinsan niya ay aalis din. Natutuwa siya kasi malalakas ang loob ng mga ito, kaya nilang mabuhay ng hindi nakadepende sa magulang. Kapag nag-aral ba siya sa ibang bansa, kakayanin niya?
Isang linggo nga lang na hindi niya masilayan ang mukha ng magulang niya ay parang gusto niya ng umiyak, iyon pa kayang ilan taong niyang hindi makakasama ang mga ito?
Okay, she made a decision. Ayaw niyang mag study abroad, she will stay here with her family and Ryxer. Oo tama, hindi niya iiwan ang lalaking gusto niya.
"Sweetie, why don't you study abroad?" Untag sa kanya ni Ryxer.
Inubos niya muna ang laman sa bibig niya bago ito sinulyapan.
"Tapos na akong mag-aral, ayokong lumayo, Ryxer. Gusto kong kasama ko lang sila mommy at daddy."
"Hindi ba nila sinabi sa’yo?"
"Ang ano?”
Pinunasan niya ang bibig gamit ang puting tela na nasa lap niya.
"Cassidy will study Abroad, Aeon and Saleen were planning. Stella will leave the Country, soon.”
"What?" Gulat na gulat na tanong niya.
Tinitigan niya ito, baka kasi niloloko lang siya pero seryoso ang gwapong mukha ni Ryxer. Nanahimik muna siya ng ilan segundo habang nakatingin sa may stage kung nasaan ang mga pinsan niya pati na rin ang magkapatid na Lexy at Ether.
"Aalis silang lahat? Tayong dalawa lang ang maiiwan?" Kumurap-kurap siya para kasing may gustong lumabas mula sa mata niya. "Ang daya naman pala nila! Bigla na lang silang nang-iiwan! Pati si kuya madaya! Hindi niya sinabi sa’kin na aalis siya.”
Inilagay niya sa kanyang mukha ang dalawang palad habang pinipigilan ang mga luhang biglang naglandas sa pisngi niya.
“Hey, sweetie,”
Pilit tinatanggal nito ang mga kamay niya kaya lang ay ayaw niya. Dapat hindi makita ni Ryxer na nagka-cry siya kasi the man hates ca rying baby and she is a crying baby, she thinks that Ryxer needs to deal with this kind of attitude she have.
"I hate them na." She sob. Mabuti na lang malakas ang tugtog sa paligid ni hindi niya na nga marinig ang sinasabi niya. "Nang-iiwan sila! Ayoko na sa kanila!”
"Don't say that sweetie, they have their reasons kung bakit sila aalis at hindi natin sila pwedeng pigilan lalo na kung ang dahilan ng pag-alis nila ay para sa magandang kinabukasan."
Better future? Siguradong better na ang future ng mga iyon dahil sa yaman ba naman ng pamilyang pinagmulan ng mga ito ay imposibleng maghirap ang mga kaibigan niya!
"They are rich Ryxer kaya they will have a better future. So bakit kailangan pa nila umalis?”
Nakatakip pa rin ang buong mukha niya.
"Hindi naman porque ipinanganak tayong mayaman ay kailangan wala na tayong gagawin para sa sarili natin at para sa pamilya natin, Charlton. Umaalis ang tao hindi lang dahil gusto nila kundi umaalis sila dahil may dahilan."
"Iiwan mo rin ba ako, Ryxer?" Nanahimik ito. "Kapag iniwan mo ako sabihin mo sakin ang dahilan para alam ko ha.”
Pero ayaw niya, ayaw niyang umalis ito!
"Actually I am planning to-“
"What do we have here? Why my baby's crying?”
Tinanggal niya ang palad sa kanyang mukha at nag-angat ng tingin sa isang lalaking male version niya.
"Tito," Tumayo si Ryxer at kinamayan ang daddy niya. "Upo po kayo." He motioned her dad to sit down.
"Bakit mo pinaiyak ang anak ko, Ryxer?”
Dali-dali niyang pinunasan ang mukha niya at itinabi ang upuan niya sa ama at yumakap dito. Hindi naman si Ryxer ang nagpaiyak sa kanya.
"Daddy, aalis po ba si kuya Cassidy? Kung oo ay iiyak po ulit ako."
“Baby, kasi kailangan niyang umalis.”
Isiniksik niya ang mukha sa malapad na dibdib ng ama.
"Sabi ko na nga ba aalis si kuya, tama si Ryxer aalis nga siya. Pwede naman siyang mag-aral dito ulit. Why he needs to leave us? Malulungkot si kuya doon kasi wala po tayo, nakakalungkot mag-isa daddy, di ba?"
"Oo malungkot, pero dapat masanay siya na wala tayo sa kanya para kayanin niya rin mabuhay mag-isa."
"Hindi ko kaya mabuhay nang wala kayo ni mommy.”
Tuluyan na talaga siyang umiyak. Nalulungkot siya para sa kuya niya kasi mabubuhay ito mag-isa ng hindi sila kasama ng ilang taon. She can't bear it. Mas gusto niya pang magkulong sa loob ng bahay nila and stare with her mom and dad.
Naramdaman niya ang malalim na buntong hininga ng ama.
"Natututunan ang mga bagay anak, ngayon sinasabi mo na hindi mo kayang mabuhay ng wala kami, baka isang araw n’yan masabi mo na lang sa sarili mo na kaya mo palang tumagal ng hindi kami nakikita.”
Nag-isip muna siya.
"Kaya kong mabuhay ng isang linggo kayong hindi nakikita dad, isang linggo lang." Idiniin niya pa ang isang linggo lang.
Kapag nagbabakasyon ang magulang niya ay isang linggo lang ang tinatagal dahil na rin sinusunod siya ng mga ito. Kaya mahal na mahal niya ang magulang dahil ibinibigay ng mga ito ang lahat-lahat ng gusto niya.
"Ikaw ba Ryxer, kaya mong hindi makita ng matagal ang parents mo?"
"Yes." Walang kagatol-gatol na sagot nito. "I need to learn that para hindi ako mahirapan. Kaya ikaw dapat matutunan mo rin ang bagay na 'yon at marami pang bagay sa mundo na dapat mong matutunan, Charlton.”
"He's right baby, let yourself learn those things, para rin naman sa'yo iyon.”
Umalis siya mula sa pagkakayakap sa ama at tinuyo ang pisngi at mga mata.
Nagpalit-palit ang tingin niya sa dalawang gwapong lalaki sa harap niya.
“Men are born to be strong kaya niyo nasasabi sakin 'yan. Madali lang kasi para sa inyo ang lumayo hindi tulad sa’ming mga babae.”
Ewan niya kung bakit niya nasabi iyon.
"For now I won't agree for that, baby. Women have the tendency to run away and that's proven and tested. Men are strong yes, pero katulad ng mga babae—nasasaktan din kami." Sansala ng daddy niya.
"Did mom leave you?"
"Yes."
"Because you did hurt her.” She pointed out and smile sweetly at her father.
Ngiti na sobrang tamis para hindi ito ma-offend sa sinabi niya. Kaya tumawa lang ito.
"Smart mouth baby." Anito.
Bumaling siya kay Ryxer na medyo tumahimik.
"How about you, Ryxer? Did you know the love story of your parents?"
"I did."
"Really? What’s it?"
"My mom leave my dad because my dad hurt my mom."
"Wow! Pareho ng love story nila mommy!”
"Different story baby, pero in the end kami pa rin talaga ang magkakasama." Ang daddy niya ang sumagot.
"Paanong different?" Umiral na naman ang pagiging inquirer niya.
"Ang dami mong tanong anak," Okay ayaw na ng daddy niya sumagot nang sumagot. Luminga ito sa paligid. "Did you see your mom?"
She look around. "Hindi po,”
Tumingin muna ito kay Ryxer bago muling bumalik ang mata sa kanya at sa cellphone nito.
“Your mom is waiting for you inside." Her father said and motion her to go inside.
Tumayo na lang siya tutal naman gusto niyang masilayan ang mukha ng mom niya. Dumako ang mata niya kay Ryxer na tila nanahimik bigla habang iniinom ang wine na pangalawang glass na yata nito.
"Dad,"
"Hmm?"
"Kayo po muna ang mag-usap ni Ryxer, ha? Babalik po ako mamaya.”
Tumango lang ang ama at siya naman ay nginitian ang binata bago tumalima.
Close naman ang daddy niya pati si Ryxer kaya wala naman sigurong magiging problema kung iwan niya ito kausap ang daddy niya. Siguradong about business lang naman ang pag-uusapan ng mga ito. And she hates talking about business, feeling niya kasi hindi talaga siya maka-relate. Mabuti na lang talaga at nandyan ang kuya Cassidy niya na susunod na magpapatakbo ng mga negosyo nila. Dahil kung siya ang aasahan ay siguradong malulugi ang business nila at ayaw nyiang masayang ang pinaghirapan ng magulang niya.
"ITS TOO EARLY para sunduin mo ako, Ryxer.”
Kasalukuyan niyang iniisa-isa ang mga jewelry sa ibabaw ng lamesa niya ng sumulpot bigla ang binata sa harap niya.
"Namiss ko lang ang girlfriend ko.”
Yumuko siya ng bahagya at nagpanggap na tinititigan ang isang gold bracelet na hawak niya pero ang totoo ay nag-iinit na naman ang magkabilang pisngi niya sa sinabi nito.
Kung tatanungin niyo kung bakit 'girlfriend' ang tawag nito sa kanya kasi sinagot niya na ito nung isang linggo. They are official as in, official na mag boyfriend and girlfriend. What makes her happy was because her family knew about their relationship. Legal sila ni Ryxer both sides.
Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
“I want to race. Gusto mong sumama?"
Muntik na silang magkauntugan ng mabilis na tumingala siya rito mabuti na lang at mabilis din nitong nailayo ang mukha sa kanya. Kapag Race na ang pinag-uusapan ay tila nabubuhay ang mga cells niya sa katawan.
Tumayo siya at sinukbit sa kanya ang sling bag niya. Mukhang nagulat pa si Ryxer sa inasta niya. Nagbago ba ang isip nito?
"Ayaw mo na ba akong isama?”
Paano ba naman nakatitig lang ito sa kanya habang siya ay gustong gusto ng lumabas ng jewelry shop niya at magmaneho ng mga sports car na nakahilera sa RACE.
"No sweetie, I am just happy seeing you like that."
"Because you know how to make my day and right now I want to drive. You promised me na magrarace tayo."
"Yes I don't forget that."
"Then let's go.”
Hinila niya ito palabas ng opisina.
Excited lang siya kasi tuturuan ulit siya ng boyfriend niya ng mga techniques at iba pang tricks how to drive cars. Simula kasi ng naging sila ay pinapayagan na siya nitong magdrive at magpunta sa RACE kapag gusto niya. Feeling niya nga ang laki ng pinagbago ni Ryxer, kung dati-rati lagi silang nag-aaway at hindi magkasundo, ngayon naman sobrang swak na swak ang mga gusto nila. Lalo na kapag pagmamaneho ang pag-uusapan.
"Are we going to race?" Tanong niya nang makarating sa racing field.
Sa ibang sasakyan kasi ito tumapat habang siya ay binuksan ang pinto ng driver seat ng sasakyan na pinili niyang gamitin.
"Yes, like what I've promised." And winked at her.
She bit her lips as she hop in to her car. Kung kilig ang nararamdaman niya sa mga oras na 'yon ay hindi niya alam.
Isinukbit niya ang seatbelt and start the engine. Napalingon siya sa bandang kaliwa nang tumapat ang sinasakyan ng binata. Hindi rin mapalis ang ngiti sa labi nito habang nakatingin sa kanya.
"Be safe sweetie, don't try to beat me because it wouldn't happen."
"Wow Ryxer mayabang ka rin pala, magkaibigan nga kayo ni kuya." Aniya at humagikhik.
Wala naman kasi siyang balak talunin ito sa race nila kasi alam niyang wala siyang pag-asang manalo. Mas sanay itong magmaneho ng mabilis kaysa sa kanya.
"Mauna ka na sweetie, I am giving you hope na mananalo ka.”
Batid niyang binibiro lang siya nito kaya pinatulan niya na lang ang sinasabi nito.
Tinapakan niya ang gas at kinabig ang kambyo, medyo nakakalayo na siya pero ang mayabang niyang boyfriend ay hindi pa rin umaalis sa pwesto nito. Matatapos niya na lahat-lahat ang isang laps at nakikita niya na rin ang likod ng sasakyan nito nang makabalik siya na nakahinto pa rin doon.
Inis na pinindot niya ang bintana ng sasakyan niya at nginusuan si Ryxer na tila ba natutuwa na makita siya sa ganoong itsura.
"Sabi mo magrarace tayo, bakit hindi ka umalis sa pwesto mo?"
"Pinag-practice lang kita para makabisado mo 'yung dadaanan natin."
"Kabisado ko naman."
"Are you sure?”
Tumango-tango siya at nanlaki ang mata ng bigla nitong kabigin ang kambyo ng sasakyan nito at kumindat ulit sa kanya bago nagmaneho palayo.
"Ang daya!” She uttered and drove away.
Nakita niya ang sasakyan ni Ryxer na sobrang layo na sa kanya at ilan pang segundo ay mararating na rin nito kung saan sila nakaparada kanina. Naiinggit siya dahil sanay na sanay itong magmaneho ng mabilis samantalang siya ay hindi. She's scared to drive so fast baka kasi hindi niya ma-control, but Ryxer is always there to guide her.
"Madaya ka." Pakli niya habang tinutulungan siya nitong tanggalin ang seatbelt niya.
"Bakit?"
"Hindi mo ako hinintay.”
Sinara nito ang pintuan niya kaya napasandal siya sa pinto.
"Hindi naman hintayan ang race, sweetie." Oo nga naman, Charlton. "Karerahan ‘yon.”
Inilagay nito ang dalawang kamay sa gilid niya dahilan para ma-trap siya sa pagkakasandal sa sasakyan.
“Okay, you won!” Pagsuko niya, never naman siyang nanalo dito.
"Where's my price?"
"Ha?" Wala naman silang pustahan!
"I won, right? Dapat may price ako from you.”
Dumako ang mata nito sa labi niya kaya itinikom niya iyon.
"I will treat you na lang, Ryxer."
"I don't like that."
“Ano'ng gusto mo?"
"This." And his 'this' is to kiss her.
Lumapat ang labi nito sa labi niya na agad namang din gumalaw para tugunin ang mga halik nito.
Naramdaman niya ang kamay nito na hinahaplos ang braso niya at diniin ang katawan nito sa kanya. Bigla siyang naalarma ng maramdaman ang isang kamay nito na pumasok sa loob ng suot niyang blouse. She likes the way his hands touch her body pero may mali. Feeling niya talaga may hindi tama.
"Ryxer," Tawag niya sa pangalan nito ng unti-unting umakyat ang kamay nito mula sa flat na tiyan niya paangat sa dibdib niya.
Mabilis na nahuli niya ang kamay nito bago pa man dumako iyon sa parte ng katawan niyang iyon. He stopped from kissing her na ipinagpasalamat niya dahil kailangan niya na talaga ng hangin sa katawan.
Tinitigan muna siya nito bago sya kinabig sa mga bisig nito. Nagtataka man kaya nanatili lang din siyang nakayakap dito. Naririnig niya tuloy ang heartbeat ng boyfriend niya na parang musika sa tenga niya.
“Ryxer, I love you." She whispered. "I don't know what kind of love is this pero iba eh, iba 'yung pakiramdam ko kapag kasama kita.”
Nagsasabihan naman sila ng 'I love you' sa isa't-isa kaya alam nyang mahal talaga siya nito.
"I know sweetie, I can see the spark in your eyes."
"It means I am in love with you." She giggled. "I know the feeling of being in love, because what I feel right now is happiness kasi kasama kita and that is love.”
Ganoon pala kapag in love ano? Masaya 'yung pakiramdam lalo at kasama mo 'yung taong dahilan ng pagka in-love mo.
Tama nga ang parents niya sa sinasabi ng mga ito sa kanya. Masaya nga ang mga in-love na tao na para bang araw-araw siyang inspired at laging naka smile. Kapag katext niya nga si Ryxer bago siya matulog ay talagang kinikilig siya at halos mabanat na ang maninipis niyang labi kakangiti. In-love nga talaga siya.