One month later... "TRY this one Charlton, masarap ‘to." Inilapit sa kanya ng kuya Cassidy niya ang isang potato fries na punung-puno ng cheese. Halos bumaliktad ang sikmura niya nang makita ‘yon lalo na ng maamoy ‘yon. Pinigil niya lang ang sarili na huwag magsuka pero hindi niya napigilan ang pagduwal. "Hey, hey!” Mabilis na inilayo nito sa kanya ang potato fries ng makita ang itsura nya. "Bakit ka namumutla?" "Ilayo mo sa’kin 'yan kuya panis na ‘yan! Ang baho!” Nangingilabot talaga siya sa potato fries na ‘yon! "Bagong luto lang ito at hindi mabaho. Favorite kaya 'to ng—ni Madeleine." Kumunot ang noo niya. "Sino naman si Madeleine? New girlfriend mo?" "Nope," "Paano na kayo ni ate Stella kung may Madeleine ka na?" "I don't want to talk about it," "Pero nakita drw kayo ni Salee

