Day Five 3am NAPABALIKWAS siya nang makarinig ng ingay ng helicopter hindi kalayuan sa kanila. Inilibot niya ang mata sa buong silid ngunit wala do’n si Ryxer. Simula kagabi ay sa sala na natutulog ang binata pero sinusubukan pa rin nitong umakto ng normal, na parang hindi nito alam ang totoo. Nakita niya sa mga mata ni Ryxer ang sakit nung aminin niyang hindi totoong nagkaamnesia siya. ‘Yon naman ang gusto niya, di ba? Ang makita si Ryxer na nasasaktan at nagtagumpay siya kaya pwede niya na itong iwan. "Congrats, Charlton." Bati niya sa sarili pero bakit parang hindi siya masaya? Napatingin siya sa bintana nang may tumamang ilaw do'n na alam niyang nagmumula sa helicopter na naririnig niya. Agad siyang tumayo at dahan-dahan na naglakad palabas ng silid. Alam niyang susunduin na siya

