"NASAAN ang sasakyan na gagamitin ko?” Pasimple niyang hinawakan ang tengang may nakakabit na listening device at inilibot ang paningin sa buong paligid ng RACE. "Nandyan na,” Sagot ni McLaren kaya napatingin siya sa isang dilaw na sasakyan na paparating sa dereksyon niya. Tumaas ang kilay niya ng lumabas ang nagmamaneho no'n. Si Alex, isa sa member ng ESO. "Thank you." Aniya habang inaayos ang helmet. "No problem. Galingan mo Charee. First ten ang kukunin sa unang round. Twenty lahat ang kasali sa event, so good luck." Tumingin ito sa gawing kanan nito kaya tuloy napatingin din siya. "What an inspiration." He said sarcastically. Napako ang tingin niya kay Ryxer habang inaayos-ayos ni Lindsay ang helmet nito saka isinuot sa binata. Kung hindi niya lang alam na si Lindsay ang girlfrie

