TINANGGAL niya ang bonet na nakatabing sa buong mukha nang makapasok sa headquarters nila. Ibinaba niya rin ang zipper ng over all na damit hanggang beywang niya, revealing her yellow spagetti strap sando. Hindi niya muna pinansin ang Lane's Brothers na busy sa panonood sa replay ng race nila kanina. Iginalaw-galaw niya muna ang kanyang kamay ng matanggal niya ang dilaw na gloves do’n. Dumako lang muli ang mata niya sa pinto nang iluwa no'n ang isang matangkad na lalaki na nakatakip pa rin ang mukha pero wala ng helmet. Naguguluhan na ibinalik nya ang tingin sa tatlong lalaking nakaharap sa monitor at muling ibinalik ang tingin sa lalaking kapapasok lang. "Don't be puzzled, niece.” The man said before removing the black bonnet on his head, revealing a handsome face of her Tito Carlie.

