"MAKULIMLIM sa labas.” Imporma sa kanila ni Lexus. Bumaling ito sa kapatid nitong si Ether na prenteng nakaupo habang nakadekwatro ang binti. "Kuya, pwede naman i-cancel ang race ni Ryxer at Charlton, hindi ba?" "We will talk about it." Humithit ito ng sigarilyo saka dahan-dahan na ibinuga. "Siguradong uulan kuya kaya dapat kausapin mo na sila." "Fine, fine." Tumayo ito. "Babalik ako mamaya." Anito at lumabas na ng headquarters. Umupo si Lexus sa tabi niya. Sa sahig kasi siya nakapuwesto habang nakasandal ang likod sa pader. "May bagyo raw na papasok ngayong araw sabi sa balita." "Ibig sabihin hindi na matutuloy ang race namin?" "Yes." "Ayoko! Hindi pwede Lexy." "Huwag kang makulit, Charlton." Tinignan niya ito ngunit hindi naman sa kanya nakatuon ang mata nito kundi sa dereksyon

