Pt. 020 ANONG GINAGAWA NITONG SI BORG DITO SA BAHAY Wala naman kaming usapan na magkikita kaming dalawa ngayon? Naku ha! Napatingin ako sa kaniya. Bigla kong naalala iyong mga sinabi niya kanina sa roof top na siya nalang daw huwag na si Trevor. Napatingin ako kay Trevor. NO WAY! Ang gwapo-gwapo ni Trevor no, ipagpapalit ko kay----- napatingin ako kay Borg, ampogi ni Borg kahit mag-gagabi na. ANO BAYAN! “Anong ginagawa mo rito sa bahay?” “Napadaan lang talaga ako----" Eh kasu naputol ang pagsasalita niya kasi si mama.... “Ay nandito na pala kayo, aba at tinupad mo talaga ijo ang pangako mo na iuuwi mo ang anak ko bago magdilim ha?” Nakangiting sabi ni mama suot-suot niya ang kaniyang floral apron. Tapos, nagmano bigla si Trevor. “Gandang gabi tita. Opo, ayaw pa nga sanang umuwi ni Koi

