Pt. 021 “Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko kay Clarence. Nakapamaywang pa ako, tinaasan ko sila ng aking fake extension eyelashes. Di biro lang, wala fake extension eyelashes, kusang mapungay na talaga ang aking mga mata. Kilay? Mata? Ang gulo ko. Ow whatever! “Bakit masama bang pumunta dito at panuorin ko kayong nagdi-debate?” Ampogi niya sa suot niyang jersey. Feeling ko nga wala syang ibang damit, kasi naman puro jersey ang suot niya, at i-take note ang wristband niya, meron pa siyang hawak na malaking pokeball. Ah baka nang-huhunting din siya ng mahuhuling pokemon sa field. “Hindi kami nagdi-debate no! Nagdu-duel kami ng mga alipores ni Betty.” Umismid ako. Baklang-bakla ako pagkaharap ko itong impakto na ito eh. Lakas kasi mambasag ng trip! “Ah—" pinapasa-pasa niya ang pokeball s

