CHAPTER 25

1490 Words

Kumislot ang puso ni Cherry sa narinig. Naging pilyo ang ngiti ng binata. “And I think he’s really doing me a favor. Dahil palagi akong nagkakaroon ng pagkakataon na makasama ka.” Napangiti na rin siya sa sinabi nito. Mayamaya ay pareho silang napaigtad at napalingon sa pinto ng opisina nang may kumatok. “Ma’am, kailangan na ho nating umuwi. Magsasara pa po ako,” sabi ng administrative assistant na tumawag din sa kanya kanina. “Okay,” mabilis na sagot niya kasabay ang pagkalas mula sa pagkakayakap kay Jay. Maging ang binata ay bantulot din siyang pinakawalan. Isinukbit uli niya ang bag at kinuha ang bulaklak sa mesa, saka muling bumaling sa binata. “Kailangan na nating umalis para makapagsara siya.” “Have dinner with me,” sagot ni Jay na hindi tuminag sa kinatatayuan. Tinaasan niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD