ISANG linggo lamang sa Cebu si Jay pero pakiramdam niya ay napakahabang panahon na iyon. Iritable na siya pagkalapag ng eroplanong sinasakyan sa NAIA. At least sa pagkakataong iyon ay pareho na sila ng mood ni Ross na ang ekspresyon sa mukha ay parang gustong tumalon ng eroplano para bumalik sa Mactan Airport kung saan nito huling nakita si Bianca. Kung hihilingin ng mga senior partner ng kanilang law firm na dumeretso sila sa opisina ay baka maputol na talaga ang pasensiya ni Jay. Higit sa pagnanais na magpahinga ay ang kagustuhan niyang makita si Cherry kahit sandali lang. “Then, puwede na tayong maghiwa-hiwalay dito. We are not expected to the office until tomorrow morning,” sabi ni Atty. Balion. Nakahinga nang maluwag si Jay at napangiti. “Then, mauna na ho ako sa inyo, Attorney B

