MALALIM na ang gabi nang maihatid ni Jay si Cherry sa kanilang bahay. Tahimik at madilim na sa kabahayan maliban sa mga dim light mula sa hardin, mga poste, at sa front door. Pero may palagay si Cherry na nagising ang kanyang mga magulang at maging si Lolo Carlos sa tunog ng sasakyan ni Jay. Malamang ay nakikiramdam lamang ang mga ito. Alam niya dahil ganoon naman palagi ang ginagawa ng pamilya niya noon kapag umuuwi siya at may naghahatid sa kanya. Nagpaalam na si Cherry kay Jay at binuksan na ang pinto sa tabi niya nang mapansing suot pa rin pala niya ang singsing. “Ahm...” Bumaling siya sa binata kasabay ng akmang pagtanggal ng singsing. “Muntik ko nang makalimutan. Ito na ang singsing mo.” Mabilis na hinawakan ni Jay ang mga kamay niya upang pigilan. “Keep it.” “Bakit? Sa tingin m

