Mukhang na-intimidate ang tatlong babae dahil umatras. “No. May dumating na isang babae na mukhang girlfriend ng isa niyang kaibigan at nawala ang interes niya sa amin. He went home with his friends afterwards,” sagot agad ng babae na mukhang natakot talaga. “Good.” Ipinilig niya ang ulo at pinakatitigan ang tatlong babae. “So, bakit n’yo ako pinuntahan dito? Para lang sabihin sa akin `yon?” “No. We just want to confirm if it’s true that he got married. He was pretty active the past year. Ang sabi ni Ana kapag tumatawag siya sa amin, kaya daw ganoon si Jay ay dahil umalis siya. Pero magbabago raw si Jay kapag nagkita uli sila.” “Pagkatapos ay bigla kang sumulpot at ang sabi mo kasal kayo? It doesn’t make sense,” singit ng isang babae. Mariing naglapat ang mga labi ni Cherry. Para sa

