CHAPTER 21

1358 Words

PAGKAPASOK pa lamang nila ay agad napunta ang tingin ng mga babae sa kanilang direksiyon. Sa isang iglap ay marami na ang bumabati kay Jay at hindi alam ni Cherry kung ano ang mararamdaman sa realisasyon na kilala ng binata ang halos lahat ng mga babaeng bisita. Pero at least ay wala siyang natatanaw na kakilala. Marami ang nagtangkang yumakap at humalik sa pisngi ni Jay pero nakangiting tumatanggi ang binata at sinasabing: “I can’t do that anymore.” Pagkatapos ay ituturo siya at titingnan na para bang walang ibang nakikita kundi siya lamang. Hindi maiwasan ni Cherry ang bumilib sa magaling na pag-arte ni Jay. Siya ang unang nakakita kay Ana. Nakatayo ito sa isang panig ng malawak na pool area kung saan nagkalat ang mga taong nagsasayaw. Nakatingin ang babae sa kanila ni Jay at matalim

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD