SA ARAW ng homecoming party ni Ana ay nagpumilit si Jay na sunduin si Cherry sa kanilang bahay. Katunayan ay mas maaga pa ngang dumating ang binata kaysa pinag-usapan nilang oras upang makausap daw nito sandali si Justin. Bagay na ikinatuwa naman ng kanyang anak pero ikinailang naman niya. Paano, dahil weekend ay nasa bahay rin ang kanyang lolo at mga magulang. At nang paalis na sila ni Jay ay biglang nagsulputan ang mga ito sa labis niyang panghihilakbot. “Hello, Jay. Long time no see,” nakangiting bati ng ina ni Cherry. “`Ma, bakit nasa living room kayong lahat?” frustrated na singit niya. “Why? Nalaman namin kay Justin na may lakad ka daw ngayong gabi at nang malaman namin kung sino ang kasama mo, natural na lalabas kami. Matagal na rin naman naming hindi nakikita si Jay. Right, hi

