KAPAPASOK pa lamang ni Cherry sa kanyang opisina matapos mag-ikot sa kanilang shoe factory nang tumunog ang cell phone niya. Sumikdo ang kanyang puso nang makita ang pangalan ni Jay sa screen. Ilang araw na mula nang lumabas sila ni Justin kasama ang binata. Ilang araw na ring wala silang balita ni Jay sa isa’t isa kahit palaging may umuudyok sa kanya na i-text man lang ito. Napigilan lang niya ang sarili dahil bukod sa hindi niya alam kung ano ang sasabihin ay naisip niyang baka abala ang binata. Pero ngayon ay si Jay ang tumatawag sa kanya. Inilapag muna ni Cherry sa office table ang mga bitbit bago huminga nang malalim at sinagot ang tawag. “Yes?” “Cherry,” bati ni Jay sa kabilang linya. Napapikit siya dahil sa mainit na sensasyong nadama nang marinig ang boses ng binata. Ilang a

