NAKITA agad ni Cherry ang kotse ni Jay sa parking lot ng restaurant nang dumating siya. May lumukob na pagkasabik sa kanyang dibdib at napatingin pa sa salamin upang tingnan kung maayos ang kanyang hitsura. Pero agad din natigilan nang akmang magre-retouch pa. Bakit parang gusto niyang magpaganda nang husto? Wala namang ibang kahulugan ang paglabas niya na kasama si Jay, hindi ba? Right, kumbinsi ni Cherry sa sarili at muling isinuksok sa bag ang compact foundation. Hinamig niya ang sarili at lumabas ng kotse. Casual na kainan lamang ang restaurant pero maganda ang ambiance at masarap ang pagkain. Magkakalayo rin ang mga mesa kaya kahit paano ay may privacy ang customers. Ang isang panig ng restaurant ay café area na maaaring tambayan. Isa iyon sa mga paboritong kainan ni Cherry at ng

