Walong buwan ang matuling lumipas, di niya alam kung paano lumipas ang mga araw ng di niya namamalayan. Sa tuwing umiiyak ang anak ay di niya mapigilang di maalala ang asawa. Halos napabayaan niya ang kanyang negosyo at kinailangan muna siyang i alis sa pwesto bilang CEO ng kanyang sariling konpanya. Kung wala marahil ang anak ay baka tuloyan na siyang tinakasan ng katinuan. He is so depressed lalo na ng mga unang linggo matapos na mailibing ang abo ng asawa. "Go out with your friends anak, para naman malibang ka." Sabi ng Mommy niya na kakapasok lang, karga nito ang anak niya na bagong paligo lang. Sobrang hirap sila sa pag aalaga ng mga unang linggo kay Kendra. Sobrang maligalig ang bata at madalas na nagtatae na ikinatakot din niya. Masyado ng masakit sa kanya na nawala ang asawa ni

