Pagdating nila sa lugar ay abala ang babae sa pag la live selling, malaya niyang napagmasdan ang mga kilos nito. Kahit saang anggolo niya tingnan ay ang kanyang asawa ang nakikita niya. Maging ang mga simple gestures nito ay kuhang kuha nito. "Number forty five po, ito po leather po siya. Sa halagang one thousand pesos po, may tatlong pocket po siya. Panglalaki po ito, kasya ang notebook." Sabi pa nito. Nakakahalina ang bawat ngiti nito, pakiwari niya ay para sa kanya ang mga ngiting iyon. Nang mapatingin ito sa gawi niya ay nakita niya ang pamumula ng mukha nito. Ngunit kaagad din namang nag iwas ng tingin ang babae, medyo hiwalay ang kanyang naupoan sa mga tsismosong mga kaibigan na ngayon ay nagtry na mag live selling na din. "Hoy ako naman ang susunod mamaya." Si Kairo na may mga ba

