Ilang oras din ang naging operasyon ng asawa, nagkaroon ng pagdurugo sa utak nito. Di lang malinaw sa kanya kung ano ang cause dahil di na siya makausap ng maayos. Ayon sa doctor ay natutulog na ang asawa at hopefully magising ito soon. "Hijo, magpahinga kana muna. Silipin mo din ang anak nyo muna." Sabi ng kanyang byenang lalaki. Alam niyang kung siya ay nahihirapan sa kanilang sitwasyon ngayon ay alam niyang nasasaktan din ang mga ito. Bilang ama na din siya ngayon ay alam niya kung gaano kasakit na makitang nahihirapan ang anak mo. Na kung pwede lang na kunin mo ang sakit na nararamdaman ng anak mo gagawin mo. "Sige po Dad, uuwe na muna ako. Babalik din po ako agad." Sabi niya dito. Ang Mommy niya at ang Mama ni Venice ang nagbabantay sa anak na kanina pa daw hinahanap ang ina. Nakak

