Pagbalik niya ay seryusong nag uusap ang kanyang Mommy at ang kanyang asawa, tulog na tulog parin ang kanilang anak sa tabi nito. Naidlip naman sa isang couch ang kanyang byenang babae. "Hey Ladies anong tsismis na bago?" Bungad niya sa dalawa. "Wala, may kasalanan ka sakin." Sabi ng asawa niya sa kanya. Sabi na nga ba niya e mayayari siya ngayong nakakaalala na ang asawa. "O siya maiiwan ko na muna kayo at pupuntahan ko ang daddy nyo sa labas, nawili na naman yung dalawang matanda sa kakatingin sa mga magagandang nurses dito." Sabi ng Mommy niya na ikinatawa nila ng asawa. Hinintay niya muna na makalabas ng silid ang kanyang ina, bago lumapit sa kanyang asawa. Pagkaupong pagkaupo niya ay piningot na agad nito ang kanyang teynga. "Siraulo ka talagang lalaki ka, bakit mo pinasok yung

