Hindi ko na sinumbong kay Kiro iyong ginawa ni Sir Kenzo at baka pagbintangan pa akong sumbungera. Dumating na rin iyong inaasahang mga bisita, iyong dalawang pinsan nina Kiro na sina Migoh at Rusca kasama iyong ilang kaibigan ng mga ito. Buong akala ko ay sila lang iyong mga bisitang darating kaya nagulat ako kinagabihan nang dumating si Ma'am Aliza. Mukhang matagal na rin itong kilala ng mga naunang dumating at mga pinsan ni Kiro dahil magkapalagayan na agad ang loob ng mga ito. Ang di ko maintindihan kung bakit bumisita ang mga ito kays napatanong ako kay Julienne, ang source of all chismis, maparito man sa loob ng bahay o maging sa katabi naming mga bahay. "Hindi mo alam?" gulat niyang bulalas. Sa paraan nang pagkakatanong niya ay parang kasalanan ko oa kung bakit ang daming bisi

