KIRO'S POV "Ano iyon , Kenzo?" mabilis kong tanong sa kakambal ko pagkalabas ni Aliza dahil may tawag ito galing trabaho. "What?" kunot-noong balik tanong ng magaling kong kapatid. "D*mn it! Huwag mo akong ma-what -what dahil alam kong alam mo ang tinutukoy ko!" mataas ang boses kong tugon. Huminga siya nang malalim at tuluyang bumangon mula sa kinahihigaan. Masyadong mainit ang ulo ko para maisipan siyang alalayan tutal ay mukhang kaya naman niyang mag-isa. Kani-kanina lang ay parang nagunaw ang mundo ko nang mabalitaan kong sumabog ang sinasakyan niyang eroplano at walang nakaligtas pero ngayon ay parang gusto ko na siyang tuluyan dahil sa inakto niya kanina sa harapan ni Kikay. My god! Kanina pa ako nagpipigil na hindi siya sapukin. Parang dinukot iyong puso ko kanina nang rumeh

