Malakas na tikhim mula kay Kiro ang bumasag sa sariling mundo ng dalawang taong di maalis-alis ang titig sa bawat isa. "You're back," parang nahimasmasang wika ni Kenzo habang di hinihiwalay ang mga mata sa bagong dating. Akmang hahawakan niya ang kamay kong di niya yata namalayang kanina pa niya nabitiwan, pero pasimple kong iniwas ito at lumapit kay Kiro. Saglit lang siyang napatingin sa'kin pero agad ding bumalik ang tingin sa direksiyon ng kinakausap. Ewan ko lang kung napansin ba ni Kenzo ang ginawa kong pag-iwas dahil masyadong tutok ang buong atensiyon niya kay Miss Aliza lalo na no'ng naglakad na ito palapit sa kinaroroonsn niyang kama. "Just stay there... ako iyong lalapit," mabilis na sabi ni Miss Aliza nang akmang baba sa kama si Kenzo. Balak niya pa yatang salubungin ang

