Nag-aagaw iyong antok ko at kamalayan nang maramdaman ko ang mabibining haplos sa'king mukha. Kahit antok na antok ay pinilit kong imulat ang mga mata at kusa akong napangiti nang makita si Kiro na masuyong nakatunghay sa'kin. "Oo na, mahal na mahal din kita," inaantok kong wika at muling ipinikit ang mga mata. "Pinagod mo ako kagabi kaya patulugin mo muna ako." Naramdaman ko ang pagtigil niya sa ginagawang paghaplos sa mukha ko kaya kinapa ko ang kamay niya at ibinalik ito roon. "Patulugin mo ako ulit, Kiro," antok na antok kong hiling habang tinatapik iyong kamay niyang inilagay ko sa'king pisngi. Ewan ko pero naramdaman ko na saglit siyang natigilan bago ko muling pinagpatuloy ang masuyo niyang paghaplos na tuluyang nagpabalik sa'kin sa pagtulog. "Happy birthday." Iyon ang huli k

