Nakangiwi akong umiling sa babae. "Ha! Malabo po 'yon mangyari! Gurang 'yon, paano pa ako iibig?"
Napapikit ako at napahawak sa braso nang bigla akong hampasin ni Rina. "Prenuhan mo nga 'yang bibig mo! Baka marinig ka ng amo natin, palayasin ka pa. 'Pag iyon nasagad ang pasensya, naku, baka tuluyan niya talagang kaladkarin ang nanay mo rito kaya umayos ka."
Ngumuso ako. "Sa gurang naman talaga 'yon, 'di ba? Saka malabo talagang umibig ako sa kanya. May standards din ako, 'no." Kahit ang totoo, kanina lang ay na-starstruck ako sa ganda ng katawan ng lalaki. Ang yummy kasi tingnan, kumpleto ang abs. "Never!"
Napahilot na lang ng sentido si Rina, sumasakit na yata ang ulo sa akin. "Ewan ko sa'yo."
Napailing na lang din 'yong mayordoma habang nakangiti, na tila hindi makapaniwala. "Kung ganun, pwede ka nang magsimula."
"Po?! Tanggap na ako?" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Weh? Hindi nga?"
Kinurot ako ni Rina at nagpakawala ng isang hilaw na ngiti sa babae. "Pagpasensyahan niyo na lang po siya, sira na yata ulo nito."
"Hoy, grabe ka naman sa akin. Hindi ba pwedeng nagulat lang? Maka-sira ng ulo," inirapan ko siya. "Baka ikaw ang masiraan ng ulo kapag nagtagal ako rito."
"Sumunod kayo sa akin. Ibibigay ko ang uniform mo," wika ng mayordoma bago kami tinalikuran.
Hinila ako ni Rina para sumunod sa babae. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, baka sa magiging kwarto namin? Ewan. Nakakalula ang laki ng bahay, iyong tipong maliligaw ka talaga sa loob.
Pagdating namin sa quarters ng mga kasambahay, iniabot na sa akin ang uniform ko na agad ko namang tinanggap.
"I-tour mo siya sa mansyon, Rina. Instruct her about your new work. As for your training, Trina, bukas na magsisimula. Gagawa pa ako ng schedule mo para hindi maging sagabal sa trabaho mo rito sa mansyon," paliwanag ni Arabella na tinanguan ko lang. "Nagkakaintindihan naman siguro tayo?"
"Opo," tugon ko. "Magpapalit na po ako."
Agad akong nagtungo sa banyo para magbihis. Paglabas ko, wala na roon si Arabella.
"Lumabas na, alangan namang hintayin ka pa, 'di ba? Ano ka, VIP?" masungit na sabi ni Rina.
Bumungisngis lang ako. "Pero ano 'yong sinasabi niyang new work? Hindi ba tayo rito lang sa mansyon?"
Nagsimula kaming maglakad. Mukhang i-to-tour na rin niya ako dahil may hawak na siyang clipboard para sa checklist. Gara naman ng bahay na 'to, may pa-checklist pang nalalaman. Ano 'to, ospital?
Sumabay ako sa kanya sa paglalakad habang inililibot ang tingin sa paligid. High ceiling ang mansyon at sa sobrang taas nito, malalaman mong rich-rich talaga ang pamilya. Ang laki. Hindi ako magsasawang sabihin 'yon.
"Sakay muna tayo elevator," aniya.
Teka, may pa-elevator pa? Ganun sila kayaman?
"Sa pinaka-last floor ang bago nating trabaho. Magseserve tayo roon," sabi niya, kaya mas lalo akong naintriga.
Anong meron sa last floor?
Hindi na lang ako umimik. Pero nang makapasok na kami sa elevator, doon na nagsimulang magpaliwanag si Rina.
"Hindi pangkaraniwan ang mga tao roon kaya mag-iingat ka. Kung anuman ang makita mo o mangyari, magpatay-malisya ka na lang. Don't get yourself involved. It's not safe. Baka maging kapalit niyan ang buhay mo. All we do is serve drinks, food, and clean. Iyon lang."
Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Like... illegal ba?"
"Hindi ko rin masabi, kaya kailangan pa rin nating mag-ingat. Iyon lang ang bilin ng amo natin, ang mag-ingat at huwag ma-involve," aniya.
"Parang nakakatakot. Buwis-buhay." Kinilabutan ako bigla.
"Oo, nakakatakot, pero malaki naman ang sahod na hindi mo makukuha sa ibang trabaho. Mag-iinarte pa ba tayo?" Tumingin siya sa akin habang nakataas ang kilay. "Ano?" hamon niya. "Gusto mo bang ang nanay mo ang sumalo nito?"
"Hindi. Madali lang naman ang trabaho?" Hilaw akong ngumiti sa kanya.
Pagdating namin sa floor na 'yon, pumasok kami sa isang double door. Pagbukas niyon, nalula ako sa lawak. May infinity pool at maraming tao na sa tingin ko ay puro VIP. Kabilaan ang mga nagbi-billiard, usok dito, usok doon. May mga nag-iinuman, naghahalikan... para akong nasa isang bar pero level up. At ang mas nakaka-nganga, may b****a sa pinakadulo at sa bandang 'yon ay may daanan ng mga sasakyan kung saan nagre-racing ang iba.
"Baka pwedeng pakitikom ang bibig, pasukan ng langaw," paalala sa akin ni Rina.
Napatikom ako at tumingin sa kanya. "Totoo ba 'to? Paano?"
"Malay ko sa amo natin. Baka sumabog pa utak ko kung iisipin ko pa."
"Anong ginagawa ng mga tao rito?" intriga kong tanong sa kanya.
"Transaction, Trina," seryoso niyang sagot saka ako hinila para i-tour sa lugar.
May ilan na kumakaway sa amin, o mas magandang sabihin, kay Rina. Mukhang kilala na agad siya kahit bago pa lang siya rito.
"Bago?" tanong ng isang lalaking lumapit sa amin. "Ganda, ah."
Napataas ang kilay ko. Ako ba ang tinutukoy ng lalaking 'to?
"Single ba 'yan, Rina?"
Ngunit bago pa man makasagot si Rina, may biglang umakbay sa akin.
"I told you, Jun, my maids are off limits."
Napatingala kami sa nagsalita—si Ark, 'yong amo namin.
"S-Sir?" gulat kong tawag sa kanya, hindi makapaniwala.
Anong ginagawa niya rito? Bakit may pa-akbay? Close ba kami?
Nagbaba siya ng tingin sa akin.
"What? Makikipagtalo ka na naman sa akin?"