KABANATA 3

905 Words
"Hindi," sagot ko, halos taasan ko na ng kilay. As far as I can remember, hindi kami close ng lalaking 'to para akbayan niya ako. "Sir, baka nakakalimutan mong kasambahay ang role ko rito, hindi close friend?" paalala ko sa kanya sabay tabig sa kamay niya. Napatingin sa amin ang ilan. Kahit si Jun, iyong lalaking kumakausap sa amin kanina, hindi makapaniwala. Sino ba naman ang hindi magugulat? Isang hamak na maid, tinabig ang kamay ng isang Ark Aravazon? Pero wala akong pakialam. Hindi dahil sa gwapo siya at may abs ay may lisensya na siyang umakbay-akbay sa akin nang basta-basta. "Trina!" nanlilisîk ang mga matang saway sa akin ni Rina, pero hindi ko siya pinansin. Akala ko magagalit sa akin si Ark. Sa halip, isang mapanuyang ngiti ang gumuhit sa labi niya bago niya inayos ang kanyang suot. "As I said, she has an attitude," wika niya kay Jun na parang baliwala lang ang ginawa ko. "Get to work, both of you. Don't make me regret hiring a brat." Napanganga ako, hindi makapaniwala. Did he just call me brat? Bwisit na lalaking 'to! May araw ka rin sa akin! Sa ngayon magtitiis muna ako. Kung hindi lang dahil kay Nanay, hindi ako mamamasukan dito bilang kasambahay. Tinalikuran niya kami at naglakad patungo sa sentro ng malawak na floor. Sa banda roon, may isang mataas na platform na parang stage. Pag-akyat niya, biglang tumahimik ang paligid. Iyong malakas na tugtugan, humina, lahat ng mga VIP, mga naka-amerikana, mga babaeng halos wala nang suot, at mga lalaking mukhang kayang pum4tay sa isang tingin lang, natuon ang atensyon sa kanya. "Welcome to the Aravazon Circuit," simula ni Ark gamit ang malalim at malamig na boses. "Today, we formally open this sanctuary for those who seek adrenaline and luxury. Enjoy the night." Nagpalakpakan ang lahat habang binubuksan ang malalaking bote ng champagne. Nagsimulang mag-ingay ang paligid. Nagkani-kaniyang balik ang mga tao sa kanilang ginagawa. "Nakakatakot pala talaga ang amo natin 'no?" bulong ko kay Rina. "Ewan ko sa'yo. Tara na nga, baka masampulan ka na talaga niyan," bulong ni Rina pabalik habang hinihila ako sa isang silid. Nagsimula kaming magtrabaho. Bitbit ang tray na puno ng mga mamahaling alak at pica-pica, sinimulan naming ikutin ang lugar. Nakakapagod pala. "Trina, makinig ka," seryosong bilin ni Rina habang naglalakad kami patungo sa racing area sa bandang dulo. "Huwag na huwag kang lalapit sa mga nakatambay doon sa dulo ng track. Iyong mga nandoon, puro mga taya ng malalaking sindik4to. Kapag nambast0s, lumayo ka na lang. Huwag mong pairalin 'yang pagiging palaban mo, please lang." "Opo, Ma'am Rina. Paulit-ulit?" biro ko, pero deep inside kinakabahan din ako. Nakarating kami sa racing area. Iyong amoy ng sunog na goma at gasolina, humahalo sa amoy ng alak. May mga sports car na naghahanda na para sa karera. Habang inilalapag ko ang alak sa isang lamesa, isang grupo ng mga lalaking mukhang mga goons na naka-leather jacket ang humarang sa daan ko. "Hey, Miss Beautiful," tawag ng isa na may malaking peklat sa mukha. Iyong baho ng hininga niya, amoy alak na hinaluan ng sigarilyo. "Bago ka rito, 'di ba? Bakit parang mas masarap ka pa kaysa sa dala mong wine?" Hindi ko siya pinansin. "Excuse me po, Sir. May ise-serve pa po ako," mahinahon kong sabi kahit nanginginig na ang kamay ko sa inis. Ngunit hindi siya tumabi. Hinawakan niya ang baywang ko at pilit na inilapit sa kanya. "Huwag ka namang masungit. Magkano ka ba? Isang gabi lang." Doon na kumulo ang dug0 ko. Nawala iyong takot ko at napalitan ng galit. "Bitawan mo ako kung ayaw mong mabalian!" sigaw ko sabay bawi ng katawan ko. "Aba, palaban!" tumawa ang mga kasama niya. "Gusto ko 'yan, may kagat!" Muling nagtangka ang lalaki na hawakan ako, pero bago pa niya magawa iyon, ibinuhos ko sa mukha niya ang natitirang alak sa tray na hawak ko. "B4stusan pala gusto mo eh! O, ayan, inumin mo gamit ang mukha mo!" Napanganga ang mga lalaki sa ginawa ko. Nanlaki ang mga mata ni Rina na nasa kabilang lamesa. Iyong lalaking may peklat, dahan-dahang nagpunas ng mukha, halatang sasab0g na sa galit. "Put—ng ina mo!" sigaw niya. Itinaas niya ang kamay niya, handa na akong sampalin. Napapikit na lang ako at napakuyom, naghihintay, pero walang nangyari. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata, at nakitang nakasalag ang kamay nito sa isa pang kamay. "I believe I made myself clear earlier." Nanigas ako nang makilala ko ang boses na nasa likuran ko. Si Ark. "S-Sir Ark... ang maid niyo po, binast0s ako!" katuwiran ng lalaki kahit kitang-kita naman ang totoo. Binitiwan ni Ark ang lalaki. Sa sobrang lakas, napaupo ito sa sahig. "Listen up, everyone!" sigaw niya. "I only have a few rules in this place. One of them is this: My maids are extensions of my authority. No one—and I mean NO ONE—will lay a finger on them unless they are at fault. If you have a problem with their service, you come to me. But if you touch them, harass them, or treat them like your cheap playthings..." Huminto siya at tumingin nang diretso sa lalaking nasa sahig. "...you will answer to me personally. And trust me, you won't like the consequences. Is that clear?" Walang nakaimik. Kahit ang mga pinakamalalaking boss sa lugar, tumango na lang bilang pagsang-ayon. Lumingon si Ark sa akin. "And you," aniya, itinuro ako. "Follow me!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD