"Bakit na naman, Sir?" reklamo ko, pero hinatak na niya ako sa braso at kinaladkad palayo sa lugar.
Halos mapangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Pakiramdam ko mababali ang mga buto ko, pero tiniis ko. Ayokong makita niya akong nasasaktan. Kaya kong magtiis kahit masakit na talaga!
"Dahil sa ginawa mo, nadagdagan ang training mo. You're too reckless," mariin niyang sabi habang hila-hila ako, tila walang pakialam kung nasasaktan na niya ako.
Habang naglakad kami, hindi ko mapigilang mapatingin sa likod niya. Kahit gaano siya kasungit at kasing-tigas ng bato, hindi ko itatanggi na may katiting siyang sense ng pagpapakatao—o baka naman sadyang ayaw lang niyang may nagagalaw sa mga pag-aari niya? Alinman doon, alam kong hindi magiging madali ang mga susunod kong araw sa ilalim ng gurang na 'to.
"Salamat," mahina kong sabi habang nakatingin sa sahig.
"Don't thank me yet, Trina," sagot niya nang hindi lumilingon. "The real torture begins tomorrow."
Napalunok ako. Mukhang mapapasubo talaga ako nito.
Nang nasa sala na kami, hinigit niya ako paharap sa kanya. "Ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo 'yon?" sigaw niya.
Akala ko pa naman ay nakalimutan na niya 'yon, hindi pa pala.
Pinilig ko ang ulo. "Alin doon?"
Nandilim ang mukha niya, tila hindi natuwa sa sinabi ko. "Tanga. Eh 'di sa ginawa mo kanina!"
Napamaang ang bibig ko. "Hoy! Nakakarami ka na ah! Kanina brat, ngayon naman tanga! Eh ikaw?! Suplado na, gurang pa!"
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Napatakip ako ng bibig.
"A-Anong sabi mo? G-Gurang? You mean matanda?! Sa tikas at ganda kong lalaki, tinawag mo akong gurang?!" Napapikit ako sa lakas ng boses niyang umalingawngaw sa buong sala. "Hoy babae! Baka nakakalimutan mong kasambahay ka lang dito!" paalala niya.
Hilaw akong ngumiti at napa-peace sign. "Sabi ko nga po. Pero valid naman po kasi 'yong rason ko kung bakit ko ginawa 'yon sa lalaki. Bin4stos niya ako. Isa pa, hindi ako pumunta sa lungga nila, sila ang humarang sa akin! Kaya deserve niya 'yon. It's not me, Sir! Sila po!" Sabay hawi ko ng buhok. "Ang babaho naman ng hininga, akala mo kung sinong gwapo," bumubulong kong sabi.
"I know, pero hindi ko kayang palampasin 'yong sinabi mo."
Napalunok ako sa sinabi niya at napatungo. "Na ano, Sir? Na gurang ka?"
"Trina!" Muli akong napapikit sa pagsigaw niya. "Kapag hindi ka pa tumigil kakatawag sa akin ng gurang, wala kang makukuhang sahod ngayong buwan! Dadagdagan ko ang training mo hanggang sa magmakaawa ka sa akin!"
"Magmakaawa? Sorry, Sir, pero hindi ako nagmamakaawa. Sige lang, pahirapan niyo ako. Deserve ko naman!" hamon ko sa kanya.
Ngumisi siya. "Talaga lang, ah?"
"Talaga!" Tiningala ko siya, at sa sobrang tangkad niya, nangalay agad ang leeg ko. "Hindi ako susuko!"
"Tch. Tingnan na lang natin."
Hindi maganda ang kutob ko rito, baka mas malala 'yong sinasabi niyang training. Hindi pa nagsisimula, mukhang mahihirapan talaga ako.
Bago pa man siya makaalis, hinawakan ko agad ang kamay niya. Tumingin siya sa akin habang nakataas ang kilay at sapilitang tinanggal ang kamay ko sa pulsuhan niya, na para bang may nakakahawa akong sakit.
"What do you want? Are you going to beg now?"
Hilaw akong ngumiti. "G-Gaano kalala ang t-training, S-Sir?"
"Tanga!" bulyaw niya at nakapamulsang naglakad, iniwan akong nakatulala.
"Sir Gurang!" tawag ko. Pero naduling ako nang biglang tumama ang sapatos niya sa noo ko. Sapol na sapol! "Hoy! Ang sakit no'n, ah!"
"Isa pang gurang, ibibitin kitang nakahûbád!" sigaw niya pabalik.
"Bast0s ka!"
Nawala na siya sa paningin ko habang hinihilot ko ang aking sentido. Ang sakit. Feeling ko magkakabukol ito o 'di kaya ay sobrang mamumula.
"Kamusta ang unang araw, Trina?"
Napalingon ako sa nagsalita—ang mayordoma na si Arabella.
"Nasa training phase ka pa lang," paalala niya. "Pero mukhang nag-e-enjoy ka na. Na-i-tour ka na ba ni Rina rito sa mansyon? O hanggang doon lang kayo sa Secret Room?"
Secret Room. Pangalan pa lang, malalaman mong buwis-buhay. Walang kasiguraduhan kung makakalabas ka nang buhay kapag na-involve ka sa mga tao roon. Pero sa rules pa lang ni Ark, parang nakakatakot nang lumabag. Doon pa lang, parang mangingisay ka na sa takot.
Lumapit ako sa kanya. "Ganun lang po ba 'yong training? O may iba pa?"
Ngumiti ito, iyong ngiting may laman at nakakatakot. Dapat pala hindi na lang ako nagtanong at hinayaan na lang na ma-discover ko.
"Magkaiba ang training mo sa pagiging kasambahay at kapag kasama mo si Sir Ark sa mga okasyon," aniya.
"Bakit hindi na lang po si Rina?" takang tanong ko.
"She's not qualified."
"At ako?" Napaturo ako sa sarili. "Qualified? How? Hindi naman ako nag-apply o nagpasa ng resume sa inyo."
"May natapos ka, Trina. Maganda ang katawan, maganda ang mukha—lahat 'yon, pasok sa standard ni Ark bilang partner niya."
"Partner?" Napatulala ako sandali.
"Yes, Trina. Ark's partner. Kailangan lang ng training... sa kilos at pananalita mo," wika niya.
"Dahil wala akong preno manalita? Iyon ba?" Napataas ang kilay ko.
Hindi siya sumagot. Ibig sabihin, iyon nga. But I can work on that naman. Sa kilos lang siguro ako mahihirapan. Hindi ako demure na tao, para akong siga.
"Mahirap ba talaga?" tanong ko.
"Mahirap dahil bago ka pa lang," tugon niya. "Especially sa defense."
D-Defense? Anong ibig niyang sabihin doon?