KABANATA 5

781 Words
Sasagutin na sana ako ng mayordoma nang biglang bumalik ulit si Ark. ​"Sir." Yumuko nang bahagya si Arabella. ​Tumingin ako kay Ark, pero pinanliitan lang niya ako ng mata sabay lipat ng tingin kay Arabella. ​"Na-tour mo na ba ang babaeng 'yan sa mansyon, Arabella? Did you instruct her about her work with me? And her work as a housemaid?" Nakapamulsang lumapit ito sa amin. ​Tiningala ko siya. "May pangalan ako, Sir," parinig ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin na parang wala siyang narinig. ​"I instructed Rina to tour her here," wika ng mayordoma. "Na-tour ka ba ni Rina? O wala pa?" ​"Uh, inuna po namin 'yong Secret Room at nagsimula na doon magtrabaho," sagot ko sabay silip sa amo kong hindi man lang ako magawang tingnan. ​Problema kaya nito? ​"Then tour her, Arabella. Ayokong tatanga-tanga 'yan kapag may bisitang dumating tapos hindi alam ang pasikot-sikot sa bahay," si Ark. ​Kung maka-tanga naman 'to, parang ang tali-talino. Actually, kanina pa siya kakatawag sa akin ng kung ano-ano. Te-ne-test yata niya kung maiinis ako at bibigay, pwes, nagkakamali siya, magmamatigas ako. Hintayin niyang mapuno ako, isahang bira na talaga. ​Since nandito naman siya, might as well ask about my other work. ​"Teka lang, Sir. May hindi ako maintindihan sa dalawang work. Ano 'yong defense na sinasabi niya?" walang filter kong tanong. ​"Trina, hindi mo pwedeng itanong 'yan—" ​"You know how to handle a gun, right?" And finally, bumaling din ito sa akin, pero para akong nabingi sa sinabi niya. ​Dahan-dahang lumaki ang mata ko sa sobrang gulat. "Gu-n? As in b-bar1l?" ​"Yes. Hindi lang bilang partner. You'll be there as my guard, protecting me, that's why you need training—" ​"Nababaliw ka na ba?! Sa tingin mo papayag ako?" bulalas ko sa sobrang gulat. "Partner, pwede pa, pero humawak ng bar1l? I quit!" ​"Sige, madali naman akong kausap." Kinuha niya ang phone at may tinawagan. "Kunin niyo ang nanay ng babaeng 'to sa ospital—" Hindi ko siya pinatapos magsalita at kinuha ko sa kanya ang phone sabay bato niyon sa sahig. ​"Trina!" Halos mabingi ako nang magsabay-sabay silang sumigaw—si Arabella, si Ark, at si Rina na nasa b****a na pala ng pinto. ​Susuntukin ko na sana si Ark sa sobrang inis nang masalag niya ang kamao ko. ​"Bitawan mo ako! Wala kang puso!" sigaw ko at nagpumiglas nang buhatin niya ako na parang isang sako ng bigas. ​"Arabella, get me a rope. Ibibitin ko lang ang babaeng 'to nang magtanda. Kanina pa siya." ​"Hoy! Leche ka!" Pinaghahampas ko siya sa likod, pero tila wala lang 'yon sa kanya. "Ibaba mo ako!" ​Wala akong nagawa nang ibitin niya ako sa puno ng mangga nang pabaligtad, kaya pakiramdam ko nagpuntahan lahat ng dugo ko sa mukha. ​"Hoy! Ark na walang puso!" sigaw ko. "Talaga bang paparusahan mo ako, ha?! Babae ako!" Panay ang hawak ko sa skirt ng uniform ko dahil bumabaliktad din 'yon at nakikitaan ako ng panty, tapos itong lalaking 'to, pinagtatawanan lang ako. "Bwisit ka!" ​Imbes na maawa siya sa akin, mas lalo pang lumakas ang tawa niya. ​"Did you know? This is part of your training," sabi niya hanggang sa sumeryoso ang mukha niya. "Wala kang choice, Trina. Whether you like it or not, you have to agree or else your whole family will be in danger." ​Sinamaan ko siya ng tingin. "Kapag talaga natuto akong bumar1l, ikaw ang uunahin kong tutukan no'n!" ​Ngumisi lang siya. "Sure. Tutukan pa tayo," hamon niya at pinasadahan ang buhok gamit ang mga daliri. "So that means you agreed, huh?" ​"May choice pa ba ako?!" sigaw ko sa kanya at naubo, dahilan para mabitawan ko ang skirt ko. Nakitaan na naman ako, lintek na 'yan! "Ba't mo ba ginagawa 'to?!" ​"It's not me, Trina. It's your mother's choice to be with me on this," aniya. Natahimik ako. ​"Si Nanay? Bakit? Anong ginawa niya?" litong tanong ko. "Paano siya nadawit?" ​"Better if you ask her." Tumalikod siya. ​"Ark! Paano ko matatanong kung na-stroke, tanga ka ba ha?!" bulyaw ko sa kanya. "Sabihin mo na at ibaba mo ako rito, lintek ka! Nakikitaan ako ng panty!" ​Humarap siya sa akin. This time, wala na akong makitang emosyon sa mukha niya. ​"Hindi lang kasambahay ang Nanay mo, Trina. She's an agent." ​Agent?! ​"Who is taking revenge for your father," patuloy niya. Si Tatay? Don't tell me... agent din siya? At iyong pagkamat4y niya, hindi dahil sa sakit?! May pum4tay sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD