✨️KALEA SARAFINA POV✨️ “MR. M, gusto niyo po ba na sumama sa amin?” Tapos na ang trabaho namin at uwian na. At dahil nga nag promise ako na sasama sa kanila kaya ito at hindi pa ako uuwi sa amin. Okay na rin siguro to dahil mas magiging busy kami sa mga susunod na araw at linggo. “Nag aya kasi Benji na kumain sa labas. Libre po niya kaya wag po kayong mag-alala,” Nakangiti na sabi ni Joanne. Nakita kong tmingin sa akin si Ace bago sumagot. “I gave important things to do, kaya kayo nalang.” Mababa ang boses na sabi nito. “Sayang naman, kasama pa naman nakin itong si Architect.” Saad ni Joanne at bumaling sa akin. Pinan lakihan ko ito ng mga mata. “Sige sasama ako,” Sabay kaming napabaling ni Joanne sa sinabi ni Ace. “Talaga?” Masayang saad ni Joanne. Ngumiti lang si Ace at ib

