PROLOGUE
DISCLAIMERS: THIS IS A WORK OF FICTION. NAMES, CHARACTERS, BUSINESS, PLACES, EVENTS AND INCIDENTS ARE EITHER THE PRODUCTS OF THE AUTHOR'S IMAGINATIONS.
THIS STORY CONTAINS SCENES NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE, DO NOT REPORT THIS STORY. KUNG HINDI N'YO PO BET ANG KWENTO WAG N'YO NALANG PO BASAHIN. YOU'RE FREE TO LEAVE NAMAN PO. THANK YOU !!
NOTE: HINDI PO AKO EXPERT SA PAGKAKASULAT. BAGUHAN LANG PO AKO. KAYA PAGPASENSYAHAN NIYO NALANG PO KUNG MARAMING MGA ERRORS. THANK YOU EVERYONE ‼️
WARNING (R-18) NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.
✨KALEA SARAFINA POV✨
●●College time●●
PAPASOK AKO sa bagong university. University ng mga mayayaman. Yes mayayaman, Dahil isa lang naman akung scholar. Iwan ko nga kung ba't ako nabigyan ng scholarship, Ang alam ko kasi hindi ako matalino. O baka naman kaya may taong tumulong na maging isa ako sa mga scholars? Or di kaya isang admirer ko na mayaman tapos hindi niya kayang malayo ako sa kanya at gusto niya akung makita araw-araw? Hahaha Char lang yun. I am just being delulu here. hahahahaha.
Actually top one ako kaya ako nabigyan ng scholarship. At nag-papasalamat ako dun dahil hindi na kailang pang gumastos ng malaki nila mama para sa tuition ko. Ang mahal kaya ng tuition pag college na, even before no'ng nasa elementary at highschool palang ako mahal na. Ngayun pa kaya na college na ako? Aba! mas lalong lumaki yata ang tuition.
Habang naglalakad ako marami akung napansin na nakatingin sa akin. Siguro nagagandahan sila or maybe naiinggit? Haha. Siguro kaya sila nakatingin sa'kin dahil baguhan ako dito sa school na'to? Or baka naman dahil sa suot ko na parang manang? Well, bahala sila sa buhay nila. Wala akung pakialam. Pumunta ako dito para mag aral hindi para mag fashion show.
Tuloy-tuloy lang ako sa pag lalakad. Hinahanap kung nasaan ang room ko. Wala akung pakialam sa mga taong nadaanan ko. Kung maka tingin kasi ang mga yun parang ano.......basta, alam niyo na yun.
Napangiti ako ng makita ang room number ng section ko. Ay teka lang May room number? Ano 'to hotel? Haha. Sorry guys gaga lang talaga ako. Wala palang room number, section lang pala.
Huminga muna ako ng malalim bago pihitin ang siradura. And the moment I stepped inside, all eyes were on me. Wait tama ba yung english ko? Correct niyo nalang kung hindi.
"And who are you?"
Ay Englisherang frog, s'ya ba ang teacher namin? Hindi kasi halata dahil subrang sungit ng mukha niya. Yun bang parang, pinagbagsakan ng langit at lupa?
"I'm KALEA SARAFINA MONTENEGRO I am a new....." Hindi ko paman natatapos ang pagpapakilala ko ng magsalita si manang.....I mean ang teacher namin.
"You may sit down, now." Saad nito at itinuon ulit ang mga mata sa laptop.
Through out the time ni Ms. Layla, nag discuss lang siya kung ano ang mga schedules na papasukan namin at kung anung time. Nakikinig lang ako sa kanya habang ang mga ka klase ko ay sa'kin nakatuon ang mga mata. Iwan ko ba kung dahil maganda ako or dahil sa suot ko? Halos lahat kasi sila naka palda at naka croptop. Tapos yung suot pa nila na palda, siguro mga one inch nalang makikita na mga pekpek nila. Unlike me na naka simple shoes, baggy pants, and baggy shirt. Dito kasi ako komportable kaya ayun ito ang napili kung isuot.
Pagkatapos ng time ni Ms. Layla, ay agad na din akung lumabas. Hahanapin ko ang canteen kung meron man dahil nagugutom na ako. Ganun parin ang tingin ng mga tao sakin walang pinagka-iba kanina kaya naman hinayaan ko nalang ang mga ito 'at nagpatuloy sa paglalakad. Napahinto ako ng bigla nalang may humarang sa dinadaanan ko.
"Hi, I'm ethan, looking for something?" Ay isa ring Englishera pero infairness ang gwapo niya. Para siyang isang Korean actor. Para siyang si ano....... Sino nga ba yun? Hay iwan. Basta may kamukha siya yun na yun.
"Alam mo ba kung nasaan ang canteen?" Tanong ko. Kung naintindihan niya ako edi goods. Pero kung hindi mag google nalang s'ya.
Lalampasan ko na sana siya ng bigala nalang s'yang magsalita.
"I'm heading there, sumabay ka nalang sakin." At dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang canteen, kaya sumabay nalang ako sa kanya.
Lahat ng mata. Yes, mata na naman. Mga matang palaging nakatingin. Actually lahat na naman ng mga mata ay nasa derection namin. Lahat yata ng kumakain kanina ay natuon ang atensyon sa direksyon namin. Baka dahil sa kasama ko?
"Anong gusto mong kainin, ako na magbabayad." Nabaling ang atensyon ko kay ethan. Nasa may counter na kami at yung babaeng nag babantay sa canteen ay tulo laway na.
"Thank you ha, sapat na sa'kin yung pagturo mo sa'kin papunta dito sa canteen." Saad ko. Kaya ko namang mag bayad eh. Hindi sa pag mamayabang. Pero ayoko lang na magpa libre sa kanya lalo na't hindi ko pa siya kilala. I mean kilala ko na s'ya pero sa name lang. Hindi ang buong pagkatao niya.
Nag order ako ng burger patty with rice pati na din ng iced coffee. Pagkatapos, nag 'thank you' lang ako sa tindera and then naglakad na ako papunta sa bakanteng upuan.
Kumakain ako ng tahimik ng biglang may umupo sa tabi ko. Nakita kung si Ethan 'yun kaya naman hinayaan ko nalang.
Pagkatapos kung kumain ay agad na din akung bumalik sa room ko dahil ayaw kong ma late sa klase. Ang pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay yung ma l-late ako. Kaya dati nung nasa highschool palang ako lagi akung gumigising ng maaga. Like, two hours before ang klase ko. Isang beses nga napagalitan pa ako ni mama dahil subrang aga ko daw eh, malapit lang naman daw ang school. Nakasanayan ko na kasi ang magising ng maaga lalo na kapag may klase ako.
Wala pang masyadong tao pagdating ko sa room. As in, five palang kami. Kaya naman naisipan kong hindi nalang muna pumasok sa loob. I decided to stay outside nalang sa room. Ayukong pumasok dahil puro sila lalaki at ayukong ma-esyo kaya mas mabuting umiwas nalang ako habang maaga pa.
Habang naghihintay, naramdaman kung parang may naka tingin sa'kin. Actually kanina ko pa nararamdaman yun simula ng pumasok ako dito sa room na'to. Di kaya may multo dito? At dahil baguhan ako, kaya ako ang tinatarget niya? Oh my god! Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang mga naiisip ko. Imagination ko lang yun. Sabi nga ni mama, hindi totoo ang mga multo kaya I'm sure na imagination ko lang yun.
"Imagination, imagination. It just an imagination." Saad ko't huminga ng malalim.
"Hey, are you okay?"
"Ay kabayong palaka!"
"Ba't ka ba nanggugulat?" Saad ko, at dahan-dahang nag angat ng tingin.
Napa-awang ang labi ko sa nakita ko. Akalain mo ba namang may makikita akung isang gawa ng d'yos na napaka gwapo. As in, subrang gwapo. Brown hair, iwan ko kung natural ba s'ya na pagka brown or hindi, basta yun ang kulay nun. He's blue eyes na bumagay sa kanya. Pointed nose, at yung panga niyang maka laglag panty. And his thin lips na parang ang sarap halikan. Wait, what? Anong thin lips na ang sarap halikan? Eh ni first kiss nga wala ako nun. Tapos yun ang pumasok sa isip ko? Argh! Unbelievable!
"Miss?" Saka lang ako nabalik sa huwesyo ng magsalita ulit siya.
"Yeah, okay lang ako." Sabi ko at kunwaring pinagpag ang blouse ko kahit wala namang dumi.
"Next time kasi, wag kang nanggugulat!" Pagtataray ko pa...pagkatapos ay agad na akong pumasok sa loob.
##########