Pagod Na Akong Mahalin Ka (SPG)Updated at Oct 26, 2024, 23:12
“AALIS ka nanaman ba?” tanong ko kay Draven.Nandito kami ngayon sa hospital. Nasagasaan kasi ako. Hindi ko alam kung sino dahil hindi ko nakita ang plate number ng sasakyang bumangga sa akin.“Kakarating mo nga lang, tapos aalis ka na naman agad?” tanong ko. “She needs me,” mahinang sabi niya. I laughed inside my mind. Bakit ba palagi nalang ang bestfriend niya ang inuuna niya? I am his girlfriend, pero hindi ko na nararamdaman iyon katulad noon. Dati-rati naman ay inuuna niya ako. Pero simula ng dumating ang babaeng iyon na bestfriend niya ay parang unti-unti siyang nawawalan ng oras sa akin. Pagod na ako. Pagod na pagod na akong intindihin siya. Yes may sakit ang bestfriend niya, pero pwede bang ako naman ang isipin niya ngayon? Pwede bang ako naman ang intindihin at alagaan niya ngayon? Hindi ba pwede yun?“I have to go,” saad niya sabay tayo sa kinauupuan niya. Nasa celphone nito ang atensyon. At alam kung ang bestfriend na naman nito ang ka text niya. Hinalikan ako nito sa noo bago ito pumihit patalikod at nag umpisa nang maglakad paalis. “Let's just break up, drav.” Napatigil siya sa pag pihit ng doorknob. Dahan-dahan siyang nag angat ng tingin sa akin. Naguguluhan ang mga mata niyang nakatingin sa akin.“B-babe, please wag ngayon, kailangan ako ni Madison.” “Kailangan din kita, Drav! Kailangan na kailngan din kita! Hindi mo ba ako nakikita? Hindi mo ba nakikita ang kalagayan ko ngayon? Hindi lang si Madison ang may kailangan sayo, drav, ako rin!” medyo tumaas na ang boses ko. Hindi ko na kayang pigilan itong nararamdaman ko.“Madison is s—”“Alam ko!” I cut him off. “Alam kung may sakit siya! Alam kung malubha ang lagay niya! Pero hindi ba pwedeng ako muna ang asikasuhin mo ngayon? Hindi ba pwedeng ako naman ang isipin mo ngayon? Bakit ba palagi nalang sii Madison?!” Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nang Makalapi siya ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Dinala niya iyon sa labi niya at tinitigan niya ako ng may pagmamaka-awa.“Babe, mahal kita. Mahal na mahal kita. Ikaw ang pinaka Importanteng tao sa buhay ko.” malamlam ang mga niya habang naka titig sa akin.“Mahal mo ako? Pero bakit si Madison nalang palagi?” tanong ko. “You know the ans–”Naputol ang sasabihin niya ng magsalita ako “I know,” mahinag sabi ko. “Pero hindi ba pwedeng ako naman muna, kahit ngayon lang?” Paulit-ulit niyang hinalikan ang kamay ko habang naka-pikit ang mga mata niya.“Babe, please.” “Ayuko na.” sabi ko na nagpa-angat ng tingin niya. “Ayuko na drav, pagod na pagod na ako.” huminga ako ng malalim. Subarang sikip na ng dibdib ko at kanina ko pa gustong umiyak. “Babe,” “Pagod na akong magpa-ubaya. Pagod na pagod na akong huminigi ng atensyon mo. Pagod na pagod na rin akong intindihin ka. At Pagod na akong mahalin ka.” humina ang boses ko sa huling sinabi ko. Yumuko ako at hindi ko na napigilan ang luhang kanina oang gustong kumawala. Naninikip ang dibdib ko na parang hindi ako makahinga. “B-babe,” Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. Kita ko kung paano bumuhos ang luha sa mga mata niya. Kita ko rin sa mga mata niya ang sakit dahil salitang binitawan ko.“N-no, babe. Y–” Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang sunod-sunod na tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito at agad na sinagot.“Y-yes, papunta na ako,” saad ni Draven pagkatapos ay ibinaba na ang cellphone niya.“I-I'm s-sorry,” mahinang sabi niya. Pagkatapos ay nagmamadali siyang umalis.Gusto kung sumigaw the moment na sumara ang pintuan. Gusto kung isigaw ang lahat na nararamdaman ko. Bakit? Bakit ang unfair ng mundo? Bakit ganito? Part ba ito ng pagmamahal? Part ba ng pagmamahal ang masaktan ng subra?