PROLOGUE
PROLOGUE
__________
DISCLAIMERS: THIS IS A WORK OF FICTION. NAMES , CHARACTERS, BUSINESS, PLACES, EVENTS AND INCIDENTS ARE EITHER THE PRODUCTS OF THE AUTHOR'S IMAGINATIONS.
THIS STORY CONTAINS SCENES NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE, DO NOT REPORT THIS STORY. YOU'RE FREE TO LEAVE KUNG HINDI NIYO PO GUSTO. THANK YOU ‼️ ❤️
NOTE: I AM NEW DITO SA WRITING INDUSTRY. KAYA KUNG MARAMI MAN KAYONG MAKITA NA MGA TYPO'S OR WORDINGS PAGPASENSYAHAN NIYO NALANG PO.
WARNING ⚠️ ( R-🔞 ) NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.
×××
"ANAK hindi mo naman kailangan na pumasok bilang katulong eh. Kaya ko pa naman, at kaya ko pang mag trabaho para sa ating dalawa." umubo si nanay ng dalawang beses pagkatapos sabihin yun.
*Cough Cough*
"Nay, okay lang po. Kakayanin ko pong magtrabaho. Isa pa po, hindi niyo na po kakayanin na magtrabaho lalo na po ngayon."
Nandito parin s'ya sa bahay ayaw niyang magpadala sa hospital dahil ang sabi niya ay kaya pa naman daw niya. Tapos ngayon naman gusto niyang mag trabaho pero hindi ko na pinayagan pa dahil nga nahimatay na s'ya kahapon.
May sakit ang mama ko, meron s'yang sakit sa puso kaya kailangan kung mag stop muna sa pag-aaral para mag trabaho. Lalo na ngayon, kahit na hindi pa kami pumupunta sa doctor para magpakonsulta, alam kung malaki-laki ang gagastusin namin.
"Pero anak, ayukong huminto ka sa pag aaral. Gusto ko na ako ang mag trabaho para makapag-tapos ka."
See? Diba ang tigas talaga ng ulo ng mama ko? Kahit kailan talaga ay hindi magpapatalo.
"Nanay, wag nang matigas ang ulo, kapag nag trabaho pa kayo ngayon baka po mahimatay na naman po kayo." malumanay na sabi ko. Walang nagawa ang nanay ko kundi ang tumahimik nalang
Seventeen years old palang ako, at dahil hindi ko pa natatapos ang grade twelve senior high ko ay walang tumatanggap sakin. I tried to apply as a call center, pero hindi ako natanggap dahil ang application na required ay high school graduate and college graduate. Nag try din ako na mag apply sa mga restaurants wala ring tumanggap sa'kin dahil ganun din ang requirements nila.
Nag apply din ako sa isang stores, natanggap ako dun, six thousand ang entrance. Ang sabi ay magiging sales lady lang ako kaya naman sobrang saya ko nun dahil finally nakahanap na din ako ng trabaho. Pero hindi rin ako nag-tagal dahil siniraan ako ng ibang kasamahan ko na naging dahilan para paalisin ako ng may ari.
Kaya naman nang alukin ako ni aling nena to replace sa nanay ko dun sa pinag tra-trabahuan nila ay agad kung tinanggap dahil yun nalang din ang paraan para matustusan ko/namin ni nanay ang pangangailangan namin at para makapag ipon na din ako pampa-opera sa kanya.
##########