01
ISLA RAE ALONZO
PAPAUWI na ako sa bahay. Alas sais na ng gabi at dapat ay maaga akong nakauwi, ngunit dahil sa traffic, nahuli ako.
Simple lang ang pamumuhay ng pamilya namin. Magsasaka ang tatay ko at kasambahay naman ang nanay ko. Sa probinsya ng Sta. Rosa kami nakatira. Maliit lang ang bahay namin, sapat lang para sa aming tatlo.
Nursing ang kursong kinuha ko. Malaki ang gastusin, pero dahil ito ang pangarap ko, sinuportahan ako ng mga magulang ko. Hindi na rin naman magtatagal at isang taon na lang, matatapos na ako.
Ito kasi talaga ang gusto ko simula pagkabata: ang maging isang nurse para maalagaan ko ang aking mga magulang, lalo na at nasa almost 40s na sila.
Nang makarating ako sa sakayan ng tricycle, agad akong sumakay. Hindi ko na kailangang sabihin sa driver kung saan dahil alam na nila kung saan ako ibaba.
“Salamat, Kuya! Bukas ulit! Ingat!” Masigla kong sabi kay Kuya Dodong na nginitian naman ako.
Papasok na ako sa bahay. Malapad ang ngiti ko. Finally, pagkatapos ng sampung oras na pag-aaral, masisilayan ko na uli ang mga taong nagpapatanggal
ng stress ko: si nanay at si tatay.
Itinulak ko pabukas ang pintuan. “Magandang gabi po, Nay, Ta-” ngunit nabitin sa ere ang sasabihin ko nang tuluyan kong mabuksan ang pintuan.
Napanganga ako. Napakurap-kurap nang makita ang asawa—este, si Christian Grey na prenteng nakaupo sa maliit naming silya. Mukha siyang suman na binalot dahil hindi siya kasya sa upuan.
Nakanganga akong naglakad palapit. Dahan-dahan ang bawat galaw at halos hindi ako kumurap.
‘Totoo ba ‘to? Totoo ba itong nakikita ko?’
Hanggang sa makalapit ako. I leveled my face to the man in front of me. Sinundot ko ang mukha niya at wala sa sariling napatili ako nang maramdaman ang maligamgam niyang pisngi.
“Aaaaaaah! Totoo nga! Totoo ka nga!” Nagtatalon sa kilig na hiyaw ko. Tumigil ako at inayos ang buhok at humarap ulit sa lalaki. “Gosh! Paano ka napunta dito?! ‘Di ba nasa TV ka lang dapat?” Namamanghang tanong ko. Nakakunot ang noo niya, nakatitig din siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa reaksyon ko.
Saka lang ako napatigil kakasundot sa kanya nang may humawak sa braso ko.
“Anak, tama na, nakakahiya,” tumingin ako kay tatay. Gosh, oo nga pala. Nakalimutan ko ang magmano sa kanila dahil sa distraksyon na nasa harapan ko. Napangiwi ako at lumapit sa Nanay at Tatay ko saka nagmano. Pagkatapos ay pumagitna ako sa kanila na hindi inaalis ang tingin sa gwapong nilalang na naligaw sa bahay namin.
Tumikhim si tatay. “Oliver, anak ko nga pala. Inaanak mo,” napabaling ako kay tatay. ‘Ako, inaanak?’ Bumaling ako sa lalaking Oliver ang pangalan. ‘Hala! Ninong ko siya? Shucks! Ang swerte ko naman at nagka-Ninong ako na kasing-gwapo niya!’
“Isla, Ninong Oliver mo,”
Napakagat-labi ako. Nakita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa labi ng lalaking—ninong ko raw? Ngunit mabilis din agad naglaho ‘yon.
Tumayo ako at lumapit. “Hi, Ninong Oliver!” Masigla kong bati. Pinakatitigan ko ang buong mukha niya. Ngayon lang ako nakakita ng isang perpektong lalaki: mahabang pilik-mata, makapal na kilay, emerald eyes, top knot na buhok, matangos na ilong, mapulang mga labi, at higit sa lahat, makinis ang mukha niya. I mean, there's a little stubble around his perfect jaw, na mas lalong bumagay sa kagwapuhan niya.
Umupo ako sa sahig at tumingala sa kanya. Nakatingin lang naman siya sa akin na parang hinihintay na magsalita ako.
“Ninong po ba talaga kita?” Nagtataka kong tanong.
21 na kasi ako at ngayon ko lang nalaman na may Ninong pala ako. Wala naman kasing nababanggit ang mga magulang ko tungkol dito. Kapag birthday ko naman ay mga kaibigan at ‘yung amo ng nanay ko ang nagbibigay ng regalo. Kaya nakakapagtaka na may ganito akong kagwapo na ninong.
“Anak, magbihis ka kaya muna,” rinig kong sabi ni nanay.
Bumaling ako kay nanay at ngumiti. “Saglit lang po, Nay. May itatanong lang po ako.”
Matapos ay bumaling muli ako kay Ninong Oliver. “Asawa niyo po ‘di niyo kasama?”
Sa huling movie kasi, nagkatuluyan sila ni Anastasia Steele. Kaya nakakapagtaka na hindi sila magkasama ngayon.
“What do you mean?”
Napa ‘O’ ang bibig ko. Shucks, pati boses sobrang gwapo!
“‘Di ba kasal kayo ni Anastasia Steele at sa huling movie niyo nagkababy kayo?”
Muntik na naman akong mapatili nang tumawa siya nang mahina. “Silly. I'm not the person you're talking about. Also, I'm not an actor.”
Mabilis kong kinuha ang cellphone kong luma at pinakita sa kaniya ang picture ni Christian Grey. “Ikaw ‘to, hindi ba?” Napakurap-kurap ako nang tumawa ulit siya.
“Silly girl. That's not me. We're different.”
May gusto pa sana akong sabihin at itanong, ngunit hindi ko na ‘yon natuloy nang higitin ako ni Nanay patayo. Nilingon ko pa si Christian Grey s***h Ninong Oliver, na nakatanaw habang papalayo ako.
“Anak naman, nakakahiya sa Ninong mo,” sabi ni nanay nang makarating kami sa tapat ng kwarto ko.
“Bakit po? Sino po ba talaga siya? Ninong ko po ba talaga? Ang gwapo niya po kasi, e.”
Mahinang natawa si nanay. “Ikaw talagang bata ka, sige na, maglinis ka muna ng iyong katawan, bilisan mo lang dahil kakain na tayo ng hapunan.” Hindi na ako nakapagsalita nang itulak ako ni nanay papasok sa kwarto. Nilingon ko pa si Ninong Oliver, at napataas ang kilay ko nang makitang nakatanaw siya sa gawi ko.
**********
Xoxo ☺️❤️