02

1456 Words
ISLA RAE ALONZO MATAPOS kong maglinis ng aking katawan at magbihis, lumabas na rin ako sa kwarto ko. Dumeretso ako sa maliit naming kusina. Naabutan ko ang aking mga magulang na masayang nakikipag-usap kay Ninong Oliver. Bumaling si nanay sa gawi ko at kinampay ang kamay. Lumapit ako sa kanila, pagkatapos umupo ako sa tabi ni nanay. Magkaharap kami ngayon ni Ninong Oliver, kaya naman malaya kong nasisilayan ang gwapo niyang mukha. “Kumain na tayo?” ani ni Tatay. Nanalangin muna kami bago kami nag-umpisa. Habang kumakain, panay ang sulyap ko kay Ninong Oliver. Hindi naman sa gusto ko siya, ngunit nabibighani ako sa angking kagwapuhan niya. Hindi ko alam kung ilang taon na siya. At mas lalong hindi ko alam kung paano ko siya naging Ninong. “Nay,” binaba ko ang kubyertos at bumaling kay Nanay. “‘nak?” Tumikhim muna ako bago nagtanong. “Paano ko po siya naging Ninong?” I was really curious right now. Sobrang bata niya pa para maging Ninong ko siya. “At ilang taon na po pala kayo?” Baling ko kay Ninong Oliver na binaba ang kubyertos at ipinatong ang siko sa maliit namin mesa. ‘Di ko tuloy napigilang mapatingin sa braso niyang natatakpan ng kanyang puting longsleeve na bigla nalang nag-flex. “I'm 39,” maikling sagot nito. "Seryoso?" laglag ang panga na sabi ko. Sa itsura niya kasi, hindi siya mukhang 39. Bata siya kumpara sa edad niya. Tumango si Ninong Oliver. “Ahmm…. Paano ko po kayo naging Ninong?” Tanong ko na lang dahil mukhang hindi naman siya nagbibiro sa sagot niya. Hindi ako mahiyain na tao, kaya kapag may gusto akong itanong, itatanong ko talaga. Dahil kapag ako nakapagtanong, at ‘di ako nakakuha ng sagot ay ‘di ako makakatulog. “They asked me to be your godfather.” "How po? I mean..." "I was with your father when your mother gave birth to you.” "Oo, anak, kasama namin ang Ninong mo nang ipanganak ka ng nanay mo. Siya ang tumulong sa akin para akomodahin kami nang maayos sa hospital kung saan ka ipinanganak.” "Ibig po sabihin, noong ipinanganak ako, inalok niyo na agad itong si Ninong Oliver na maging ninong ko?" saad ko sabay sulyap kay Ninong Oliver na siyang nakayuko at naka-focus na ngayon sa pagkain niya. "Parang ganoon na nga, anak," sabay kamot ni Tatay sa ulo niya. Napatango-tango ako. Kinuha kong muli ang kubyertos saka ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi na ako nagsalita pa. Wala na rin naman akong itatanong. Hanggang sa matapos kaming maghapunan. Ako na ang naglinis ng lamesa. Tinulungan lang ako ni Nanay na mailagay sa lababo ang mga pinagkainan namin saka ko sila pinalis sa kusina. Sinabi ko sa kanila na ako na ang bahala sa mga pinagkainan namin para na rin magkaroon sila ng privacy para makapag-usap-usap. “Natapos rin sa wakas!” Mahinang sambit ko matapos kong labhan ang towel na ginamit ko pamunas sa lababo. “Isla,” napabaling ako sa maliit naming pintuan sa kusina. Nakita ko si Ninong Oliver na nakahilig sa hamba. “Hi po!” Masiglang bati ko. “Are you done? Do you need help?” Ngumiti ako at umiling. “Tapos na po ako.” Tumango siya. Hinintay ko siyang umalis, ngunit minuto ang lumipas ng hindi pa rin ito umaalis sa pagkakahilig. “Ahmm … may kailangan pa po ba kayo?” Umiling siya. “You've grown beautifully.” Feeling ko nag-blush ang pwet—este, pisngi ko sa sinabi niya. Nahihiya na ngumiti ako sa kanya. “Ganun po siguro kapag maganda at pogi ang magulang,” pabiro kong sabi. Pero totoo naman, maganda naman talaga si Nanay, gwapo rin ang tatay ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Umupo ako sa isa sa mga silya sa may table. Nakita ko ang pag-alis niya sa pintuan. Akala ko aalis na siya, pero napataas ang kilay ko nang maglakad siya papasok dito sa loob ng kusina at umupo sa harapan ko. “So…” ipinatong niya ang kamay sa lamesa. Napasunod doon ang tingin ko. At hindi ko napigilan na mapa-‘O’ ang bibig ko nang masilayan ang mahahaba niyang daliri. “Wanna hold them?” Napaangat ang tingin ko. May pilyo akong nakita sa mga mata niya habang nakataas ang kilay. Umiling ako. “Ahmm… ang ganda nang kamay niyo.” ‘I wonder kung ilang babae na ang nahawakan ng kamay niya.’ Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Dang! Anong pinagsasabi ng utak ko? Tumikhim ako at nagiwas ng tingin bago ko binalik ang mga mata ko sa kanya. “Nasa'n po pala sila Nanay?” pag-iiba ko sa usapan. “They're resting.” Tumango ako. Sa bagay, medyo malalim na rin kasi ang gabi, kaya siguro pagod na ang mga ‘yon lalo na at galing pa sila sa trabaho. “Kayo po? Wala po ba kayong balak umalis?” Tanong ko. “Hindi naman po sa tinataboy ko kayo, pero po kasi malalim na ang gabi't baka–” “I'm staying…. I mean, I'm gonna sleep here tonight,” Nanlaki ang mga mata ko. “Hala! Sigurado po kayo? Wala po kaming extra room dito. Saan po kayo matutulog?” Maliit lang kasi ang bahay namin. Kasya lang para sa aming tatlo nila Nanay. Kung matutulog siya dito wala siyang ibang matutulugan kundi sa maliit naming sala. “Don't worry, I can sleep in your little living room.” Napakagat-labi ako. Ngalay ang aabutin niya kinabukan lalo na at malaki siyang tao. “Ahm.. malayo po ba ang bahay niyo?” Baka kasi ‘di siya maging komportable na sa sala siya matutulog. “At alam po ba nila Nanay na dito po kayo matutulog?” "They didn't know, but I planned to sleep here tonight. My condo is a bit far if I go back there.” Tumango nalang ako. “Kayo po ang bahala..” Ngumiti siya sa akin. Tumayo na ako ganun din siya. “Ahmm.. kumatok lang po kayo sa kwarto ko kapag may kailangan kayo,” ngiting sabi ko at tumayo na kinauupuan ko. "Isla," nasa may pintuan na ako palabas ng kusina nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ninong Oliver. "Po?" Hinintay ko siyang magsalita. Ilang segundo ang lumipas bago ko nakita ang pagbuka ng bibig niya. "Good night." Namula ang pisngi ko. Shucks! Baliw na ba ako? Hindi naman ito ang unang beses na may nag-good night sa akin pero bakit ganito? Tipid akong ngumiti. "G-good night din po, N-ninong." Kulang na lang batukan ko ang sarili ko. Hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin at mabilis na pumihit paalis papunta sa kwarto ko. ●●●●● NAPABALIKWAS ako ng bangon nang biglang tumunog ang alarm ko. Kinukusot ang mga mata na inabot ko ang alarm at pinatay. “Shucks, anong oras na kaya?” Mahinang bulong ko. Umupo ako ng tuwid sa banig na hinihigaan ko at nag-inat-inat ng kamay. Binuksan ko ang isa kong mata at tumingin sa maliit kong orasan. Mabilis akong napatayo. Nanlalaki ang mga mata ko nang makitang alas nuwebe na nang umaga. “Hala! Shucks! Late na ako!” Mabilis na kinuha ko ang towel, lumabas ako sa kwarto at tumakbo sa banyo. Binuksan ko iyon, ngunit ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita si Ninong Oliver. “Ninong Oliver?!” “Isla!” Magkapanabay na bigkas namin sa pangalan ng isa't isa. Hubad-baro siya. Basa ang buhok, nakapikit ang isang mata. Dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa lower body niya, at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tayong-tayo na cobra niya. “Nanayyyy!!!!!!” Sigaw ko at mabilis na tumakbo pabalik sa kwarto ko. Napasandal ako sa pintuan. Parang nangangarera ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. “Shucks, ano ‘yon?” Nakahawak sa dibdib na tanong ko. Sumagi sa isip ko ang malaking cobra ni Ninong Oliver. Sobrang laki at ang haba nito. I'm so stupid. Alam ko kung ano ‘yon. Pero shucks, totoo ba ‘yun? Ganun ba talaga kahaba at kalaki ‘yun? Napaigtad ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko. “Isla,” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Ninong. “Isla, are you there? Tapos na ako, ikaw naman.” Napalunok ako. Ipinilig ko ang ulo ko nang sumagi na naman sa isip ko ang cobra nito. Huminga ako nang malalim. Pumihit ako paharap sa pintuan at dahan-dahan na binuksan. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko na nakita si Ninong Oliver. “Gosh, nakakahiya!” Nasabi ko nalang bago mabilis na naglakad patungo sa banyo. ********** Xoxo ☺️❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD